"Bahala ka, basta team JiVine kami!" Sabi ni Jia bago napalingon sa amin ni Misa. "Siya nga pala, narinig niyo na ba ang balita?" Chismis mode na siya ngayon.

"Ano?" Tanong ko naman sa kanya dahil alam ko naman na iyon lang ang hinihintay niya bago magpatuloy sa sasabihin.

"May super gwapo daw na transferee" Hmm... okay? Anong bago dun?

"Kailan ba walang gwapong nagta-transfer dito sa Eros?" Tanong naman ni Misa. Hindi na kasi talaga bago ang 'gwapo' dito sa school namin. Bigla-bigla nalang susulpot at mawawala. Nalilito nga ako minsan eh. Napakamisteryoso ng eskwelahan namin... Parang may sekretong tinatago. Hindi naman nababahala ang mga kaibigan ko dito kaya hindi ko nalang din pinapakealaman.

"Ehhhh! basta gwapo daw talaga masyado! Mukhang K-idol!" Lutang na sagot ni Jia.

"Bakit, nakita mo na ba?" Tanong ko sa kanya dahil parang siguradong-sigurado siya sa mga pinagsasabi niya sa amin.

"Wala pa pero sabi nila, magiging classmate daw natin sa 4 -A kasi matalino rin daw! O diba? Parang si Daniel, nasayo na ang lahat!" May mali talaga sa utak ng isang to. 

"Jusme, mas gwapo parin si Quen nu!" Sigaw naman pabalik ni Vine kaya tiningnan siya ng masama ni Jia. Ano ba naman to, nagaaway pa talaga sila dito. 

"Talaga? O baka mas gwapo pa si Jin nu?" Sabi naman ni Misa kaya napatawa kaming lahat maliban kay Vine na namula ulit.

Siguro matalino nga naman talaga yung transferee. Kunti lang kasi ang nakakapasok sa Class A na transferee. Apat nga lang ang transferee na nakakapasok sa aming batch sa class A sa lumipas na dalawang taon.

"Okay class, settle down" sabi ng teacher naming si Ma'am Tia kung kaya't natahimik ang buong klase.

"Walang transferee?" bulong sa akin ni Jianna.

"Hindi ko rin alam" bulong ko rin naman pabalik sa kanya. Kahit kasi mabait tingnan si Ma'am Tia ay nakakatakot ito kung nagagalit. 

"Okay, since first day niyo ngayon ay dapat magpakilala kayo" Nagtaas naman kaagad ng kamay ang isa naming kaklase na si Vanessa "Ma'am! Magkakakilala naman na kami eh!"

Biglang napuno ang klase ng hiyawan, halo-halong sigaw ng 'oo nga maam' 'kaya nga' '4th year na kaya tayo!' na ikinairita naman ni ma'am.

"Yan o uupo nalang tayo sa gitna ng field for one hour" Ngumiti si ma'am kung kaya't tumindig ang balahibo ko. Tumingin kaming lahat sa bintana at nakitang napakainit sa labas. It's more hot in the Philippines nga naman. Jusko.

"WAG MA'AM! ETO NA NGA O! MAGPAPAKILALA NA" sabay-sabay naman na sigaw ng lahat sa classroom. Napatawa kaming lahat.

"Okay" Tiningnan ni ma'am ang nasa pinakagilid ng first row. Kaya talaga ayaw ko sa first at last row... Laging mas malaki ang posibilidad na ikaw ang mauuna sa recitations. Mas mabuti na kung nasa gitna ka lang para makapaghanda ka pa. Ngumiti si ma'am kay Adrian. "Mr. Salcedo, you go first"

"Okay ma'am" Si Adrian Salcedo ang nagiisang bestfriend ko na lalaki dito sa classroom, hindi namin siya nakita kanina nila Vine dahil lagi yan nauuna sa classroom. Class president at model student kasi.

"So, yeah, hey everyone. Kilala niyo naman siguro ako pero dahil wala namang gustong mag-aral sa first day ay magpapakilala nalang ulit tayo na parang wala tayong alam, alright? Habaan niyo na rin para siguradong hindi tayo mapapalabas ni ma'am" Tumawa lahat ng nasa classroom dahil sa sinabi nito. Pati nga rin si ma'am Rica ay ngumiti. Iba talaga ang isang to.

"Hi, I'm Adrian Salcedo, 21 years old. Class A's president since year one. Co-captain of the basketball team and swimming team member. Nice to meet you all" sabi ni Adrian nang may masiglang boses. Sobrang friendly ng isang ito. Talented, matalino at mabait. "Ideal guy" kumbaga.

Sunod-sunod ng nagpakilala ang iba at kami na ang susunod. Si Jia ang nauna sa amin habang nasa hulihan naman ako ng first row dahil gusto kong katabi ang bintana.

"Hello, Jianna Gonzalez here. Half American and Half Filipino plus captain of the cheerleading team! Fun fact, I like meeting new friends so feel free to approach me anytime" Ngumiti si Jia na nagpagising sa mga kalalakihang matutulog na sana. 

Sumunod naman si Misa

"Misa"

Bago magsalit ay yumuko muna si Misa."Ohayo. I'm Misaki Kazuko. Half Japanese and half Filipino. President of the theatre club. Feel free to join us in the art of expression guys" Ngumiti si Misa at yumuko ulit bago umupo. 

"Divine" tawag ni maam kay Vine kung kaya't napatayo ito.

Tulad ni Misa ay yumuko din siya. "Hello to all. I am Rianna Divine Park. Half Filipino and half Korean. President of the dance club. Have a nice day to all of you" Yumuko din ito at ngumiti bago umupo.

"Miss Go" Napatingin ako kay ma'am dahil sa tinawag niya sa akin pero agad ko naman itong tinanggal sa isip ko. Bakit ko ba naaalala ang Red na yun?

"Cass" Bumalik ako sa realidad nung tinawag ako ni Vine.

"Annyeong Haseyo, I am Cassandra Riley Go. Half Korean and half Filipino. Class A's vice-president, member of the Music club, and team captain of the volleyball team." Tulad ng dalawa kong kaibigan ay yumuko din ako bago umupo.

Natapos na ang pagpapakilala ng lahat. Naguusap-usap nalang kami nila Vine ng biglang tumahimik ang lahat sa klase. Ilang sandali lang ay biglang umingay ang mga estudyante sa classroom dahil sa biglaang pagpasok ng isang lalaki.

"Hi, Sorry I'm late"

Cupid's ListWhere stories live. Discover now