Chapter 06

1.5K 34 0
                                    

"Tell me, what happened there?" Excited na tanong sakin ni bebs. Ayokong sabihin

"Nothing important bebs." Walang gana kong sagot.

"Nambabae ba si Gregg?" Papasok palang ako ng bahay nito ahh. Di naman sya excited?

"Hindi. Nasa bahay lang sya sa buong weekend." Inaayos ko na ang mga gamit ko.

"Anong ginagawa nya?" Kapag si gregg ang usapan iba sya. Nagiging smooth ang aura ni bebs.

Di ko alam kung dapat ko bang sabihin ang totoo sakanya.

May karapatan sya dahil bestfriend at gusto nya ang lalaking iyon.

Pero di nya deserve ang masaktan dahil lang sa Chick magnet na iyon.

"Bebs!!!" Hayst! Di ko talaga kaya to.

"Wala. Wala naman. Bebs! Tulog muna ako ah. Kakapagod ehh. Labas na sa kwarto ko. Magpapahinga ako." Binulyawan ko lang sya hanggang sa makalabas ng kwarto. I know! Nahahalata nya ang mga galaw ko.

Masyado syang observant pagdating sa mga kinikolos ng mga taong nasa paligid nya.

Pinikit ko ang aking mga mata.

-

Ejie's POV

Anong nangyari? Yan lang ang tanong na tumatakbo sa isip ko.

Nasan ang excited na jane? May iba. Alam ko. Di ko lang ma figure out kung ano ba yun.

Pumasok na rin ako sa sarili kong kwarto. Baka pagod lang talaga ang Jane na yun.

Natulog ako ng may malaking question mark sa utak ko.

-

"Sumabay ka na sakin bebs." Kakatapos lang naming kumain ng almusal.

Minsan naiisip ko pano kaya kung ako naman ang magluto para sakanya? Ano naman kaya iluluto ko? Kahit nga simpleng sunny side up di ko pa magawa ng maayos ehh nasusunog ko pa.

"Wait lang bebs." Sagot ko. Nakalabas na sya ng bahay at baka nasa Garahe na sya.

"So...." Panimula ko habang nililiko nya yung sasakyan.

"What?" Takang tanong nya.

"Kamusta naman ang pag aaral mo?" Gusto ko sanang itanong kung ano bang nangyari sa Baguio nabanggit nya kasing buong weekend na nasa bahay nila si Gregg. Bakit sa bahay nila? Kinausap ba sya ni Tito at tita.

"Doing great. Nagkaron na ko ng mga bagong friends." Ngiti nyang sagot. Malapit na pala kami.

"Name them." Maikli kong sagot. Tsk

"Name what?"

"Yung mga bagong friends mo. Sino sino sila?" Tsk. Gusto ko syang sabunutan. Ang slow talaga kahit kilan.

"Myka, Xyllene, and Rona." Sagot nya. Ngumiti pa! Tsk.

Di na ko kumibo. Ang saya saya samantalang ako walang kaibigan sa Room namin.

"Were here!"

Bumaba ako at diretsong naglakad papuntang building namin. Sanay naman na si Jane maiwan ehh. Hahaha hayaan nalang natin.

"Good morning Ejie." Bungad sakin ni Demar,

Nginitian ko lang sya at pumasok na.

Umupo ako at sinaksak sa tenga ko ang earphone.

"Nandyan na daw si Maam." Sigaw ni Rhazel, pasimuno sa kalokohan.

"Good morning." Saad ni Mrs. Reyes.

Mistaken Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now