LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 21-

619 14 0
                                    

NOTE: I apologize if this is the only update that I can post for today. It's kinda hanging and I hope you won't be confused with the switching of the scenes. Enjoy reading! :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-Chapter 21-

KASALUKUYANG NASA BREAK SINA Brian at ang kanyang apat na kasamahan at kaibigan na sina Shane, Kian, Nicky at Mark galing sa kanilang pag-eensayo sa pagsayaw. Konting galaw nalang at ang kanilang mga kakantahin na naman ang kanilang gagawin habang isasabay nila ito sa kanilang pagsayaw. Nasa gymnasium ang apat habang ang binata naman ay bumalik pansamantala sa dressing room kung saan nakalagay ang kanilang mga gamit upang tingnan ang kanyang inbox sa gmail kung may mensahe ba galing kay Katharina. Hindi nga siya nabigo dahil meron ngang isang mensahe na naroon. Kaya hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binata at binasa iyon kaagad.

To: Brian McFadden <deutzymcfadden_wl@gmail.com>

From: Katharina Cuenco <phantomlady_kath90@gmail.com>

Subject: My Third Letter For You :)

Dear Brian,

Kumusta? Matagal-tagal na rin pala tayong hindi nagkita. Parang kailan lang no? Kumusta ang rehearsal niyo? Sabik na talaga akong makita kayong nagpe-perform sa Araneta Colesium lalo na ikaw. Ako naman dito ay maayos lang. May bago nga pala akong kaibigan. Si Johanna. Sobrang bait niya. I’m so happy na nakilala ko siya. Madalas nga kitang i-kwento sa kanya. Ah, siguro nami-miss lang talaga kita ng sobra kaya idinadaan ko nalang sa kwento ang lahat. Nabasa ko dito sa internet na may interview kayo sa Disney bukas and I’m crazily excited na mapanood iyon, Bri. Ingat ka palagi diyan. Mahal Kita. :)

Tila hinaplos ng malamig na kamay ang puso ni Brian ng mabasa ang mensahe ng dalagang minamahal. Oo nga naman, halos isang buwan na silang hindi nagkikita nito. Bihira na rin silang nagkakausap nito sa celphone dahil sa sobrang busy ng kanilang grupo para sa napipintong World Tour nila. Kung nagkakausap man sila ay sobrang ikli lang ang kanilang nagagawang pag-uusap. Tanging e-mail na lang muna ang paraan ng kanilang komunikasyon. Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin nababawasan ang kanyang pag-ibig para sa dalaga. Simula ng magbalik siya sa sariling bansa ay hindi na siya kailanman nagkaroon ng ibang babae sa buhay niya. Labis ang kanyang pagmamahal na nararamdaman kay Katharina na kung saan naisipan na niyang alukin na ito ng kasal. Siguro nakakatawang isipin na kailan lang sila nagkakilala ngunit kakaiba ang kanyang nararamdaman para dito. Iyong tila walang kahit anong salitang makakapag-paliwanag kung ano iyon. Magtitipa na sana ang binata ng kanyang isasagot ng marinig niya ang pito ni Ruth na kanilang dance instructor hudyat na babalik na sila sa pag-eensayo. Kaya wala ng nagawa pa ang binata upang isilid nalang ang kanyang tab sa loob ng kanyang backpack at bumalik sa gymnasium.

---------------------------------------------- 

Bumahid sa magandang mukha ni Katharina ang pagkalungkot ng silipin niya ang kanyang gmail mula sa laptop ni Jannah ng makita niyang wala siyang mensahe galing kay Brian. Ayaw man niya ay tila gusto na niyang magtampo sa kasintahan dahil iyon ang unang pagkakataon na hindi nito nasagot kaagad ang kanyang mensahe. Hindi kasi aabot sa isang araw at sasagutin na nito iyon noon. Tila kasi nararamdaman niya na unti-unti ng dumadalang ang kanilang komunikasyon. Ngunit pinigilan niya ang sarili dahil naiintindihan niya ang pagiging busy nito sa trabaho lalo na at malapit na ang concert ng Westlife. Dagsa din ang mga interviews ng limang binata para sa pagpo-promote ng kanilang napipintong World Tour. Hindi din naman niya maaaring tawagan o i-text ang binata dahil iyon ang isa sa pinakaayaw ni Brian, ang gumastos siya ng malaki. Ilang sandali ay isinara na niya ang laptop at hungkag ang kanyang pakiramdam ng lumabas siya mula sa kanyang kwarto upang bumalik sa grill house.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Where stories live. Discover now