chapter 2- Enemy Na Agad??

Start from the beginning
                                    

"Then shut your f*cking mouth!! It is annoying! Be considerate naman, give us some peace!" sigaw nya sakin.

ABA!

ABA!

Sumusobra na sya ah!

"Considerate, considerate. May pa-rest rest ka pa nalalaman jan! Rest in peace gusto mo?!" sigaw ko sa kanya. At patuloy kami nagtalo kung sino ang tama, wala gusto magpatalo sa aming dalwa. Pano ba yan pareho kasi kaming stubborn!

Nag-aaway kami hanggang sa "Both of you! Tigilan nyo na nga yan. Para naman kayo mga bata!!" sigaw ni bes at natahimik naman ako. Minsan lang maging ganito si bes. I bet she's really annoyed right now. Ayaw nya kase ng may nag-aaway.

"You don't tell me what to do!" sagot naman sa kanya ni Gabrielle

"I'm the campus predisent kaya susundin mo kung ano sinasabi ko." mahinahon na sagot ni Elisa pero alam ko na konti na lang ay baka masapak nya na si Gabrielle.

"Di ko nga sinusunod yung mommy ko tapos ikaw, sususndin ko?" tanong ni Gabrielle sabay tawa ng malakas na para ba may nakakatawa.

"Andito ka sa school na 'to kaya I will make sure na susundin mo ang rules, whether you like it or not!"

"I would like to see you try, Ms. President." sabat naman ni Gabrielle. At ngayon mukha na talaga masasapak sya ni Elisa. E kasi naman akala mo kung sino sya! Haaaay!

"Susundin mo lahat ng rules dito sa school hanggat ako ang campus president, do you understand?" sabi ni bes kay Gabrielle. Medyo natatawa ako kasi para lang nya pinagsasabihan ang isang bata. Sabagay sa tigas ng ulo ng ni Gabrielle daig nya pa nga ang isang bata.

"Ikaw tatawa tawa ka pa jan, e isa ka rin naman di sumusunod sa rules. Vice president ka pa naman." sabi sakin ni Elisa.

"Wala naman akong ginagawa ah!" I defended myself, wala naman talaga kasi ako ginawa ah! Si Gabrielle naman ang nagsimula nun.

"Anong wala? E para nga kayo aso't pusa kung mag-away. Alam mo naman na nasa rules natin ang bawal makipag-away sa school, di ba? Tsaka transferee lang yan si Gabrielle di nya pa alam yung mga rules tapos ganun ang pinapakita mo. Bes naman!" Haaaaay! Eto na naman si Elisa, seryoso seryoso na ulit sa trabaho nya bilang campus president.

Anyways, may point naman kasi sya old student na dito at alam ko na yung rules samantala yung isa jan, new comer lang pero kung umasta parang sya ang may ari ng campus. "Oo na, ako na nga ang mali." sabi ko na lamang kay Elisa.

Okay na ang lahat, di narin nagsalita si Gabrielle ng biglang..."E gago ka pala e. Girlfriend ko nga yan kasama mo!" sigaw nung isa lalaki, nakatalikod sila samin kaya di ko makita kung sino yung nagsalita pero parang fourth year ata yun. Ewan ko lang.

"Anong girlfriend?? Matagal na kayo tapos! Abigail sabihin mo nga sa gagong 'to na tapos na kayo at ako na ang bago mong boyfriend!" sigaw naman nung isa, alam nyo yung scene sa mga movie at teleserye yung mukhang malapit na magsuntukan yung mga bida?? Eto yung scene na yun oh! Live from Cold Water Academy.

Dahil nga nagsisigawan yung dalawa lalaki ay agad itong naka-attract ng crowd. Mga estudyante naghihintay ng suntukan magaganap. Mga baliw estudyante dito e, sa halip na pigilan e mas pipiliin na manuod tas kanya kanyang bet kung sino mananalo.

"Ano ba yan! Kasasabi ko lang na bawal mag-away a'ah!" inis na sabi ni Elisa. Naglakad na siya papunta dun sa pinangyayarihan ng away, siguro para matigil na yung away. Malapit pa naman mag-bell at sigurado ako na kapag natuloy ang suntukan na yuuuun...madami male-late sa klase nila. HAHa. Okayyyy. Seryoso na ngayon! Mamaya na ang joke ha?

E kasi naman vice president ako, kailangan tulungan ko si Elisa. Pero di ko naman pinili maging vice president, si bes ang pumili sakin kaya no choice ako! Pero ayos lang yan at least madalas ko sya makakasama. Yiiiiiii. HAHA. Kinikilig ako. :"> Seryoso na nga sabiiii! Ang kulit mo talaga Andy!

Ayan nabaliw na ako, kinausap ko na yung sarili ko. E kasi naman baka masabihan na naman ako madldal nitong new comer na si Gabrielle. Speaking of Gabrielle, nasan na nga ba yun? Baka kung saan na napapunta yun, malaki pa naman ang school na 'to baka maligaw pa yung babae yuuuun!

Nagpalinga-linga ako para mahanap ko sya at ayuuuun, nakita ko rin yung matangkad na babae nakasuot ng high heels. Sa tangkad ba naman nun, imposible di ko sya makita. Lalapitan ko na sana sya para sabihin na huwag humiwalay sakin at baka kung ano mangyari sa kanya lalo na't napakalapit nya dun sa mga nag-aaway pero bigla na lang sya nawala.

Saan naman kaya nagpunta yun? Hinanap ko sya pero sa di ko na talaga sya makita, madami na kasi estudyante ang nanadito sa may hall way. Siguro lahat gusto makita yung gulo na nangyayari. Ay! Ako na lang ang di nanunuod ng show na suntukan. Mamaya eto yung latest chismis kailangan may masabi ako! HAHA. :D

At oo nga pala tutulungan ko pa si Elisa papuntahin yung iba students to their respective classes.. Lalo-lalo na yung mga Grade 7 na sobra makulit at matigas ang ulo. "HOY!! PUMUNTA NA KAYO SA MGA ROOM NINYO. NAG-BELL NA! MAGSILAYAS NA KAYO, TAPOS NA ANG SHOW!!!" Nangibabaw ang boses ni Elisa, nagpuntahan na nga ang mga students sa mga room nila habang nagbubulungan ng kung anu-ano.

"Ang KJ naman ni Ms.President." sabi nung isa Grade 7 na lalaki.

"E kasi NBSB pa yan kaya ganyan. Mataray!" bulong naman nung kasama nya babae.

"E pano ba naman may magkakagusto jan? E galit yan sa lalaki, tomboy ata!" sabi naman nung isa pa lalaki na kasama rin nila.

Sinubukan ko pakalmahin ang sarili ko pero...di ko kaya! Bwiset na mga bata yun! "Hoy!" tinawag ko ang pansin nila at lumingon naman sila. "Ayoko pinag-uusapan nyo ng gayan si Elisa, ha? Naiintindihan nyo ba?!"

"Oo na. Hindi na namin sya pag-uusapan yan si Ms. NBSB kung ibibigay mo sakin ang number mo!" sabi sa akin nung grade 7 na nagsabi KJ daw si bes.

"Hindi pwede. Masyado ka pa bata kung anu-ano na agad ang iniisip mo. Mag-aral ka nga muna!" sermon ko sa grade 7 na yun. Batang bata pa puro kalandian na agad ang iniisip. Kung mapagsabihan ko sya para namang di ako naging ganun dati e. HAHA

Nako pupuntahan ko pa nga pala si Elisa at tutulungan ko sya sa trabaho nya. Ano ba yan?! Ambilis ko kasi ma-distract e. Lumakad na ako papunta sa kinaroroonan nila at medyo maluwag na yung daan. Nagsialisan na kasi yung iba pero may mga naiwan pa rin.

Nang malapit na ako sa knaila ay nakita ko doon si Heavenly Montenegro, section A din sya kaya naman magkaklase kami. Nagtataka ako kung ano ginagawa nya dito? Di kami masyado close pero alam ko na sobra good girl yan kaya unusual na makita mo sya kung saan meron nag-aaway.

Sa tabi nya ay nakita ko si Abigail, yung complete opposite ni Heavenly pero mag best friend ang dalawang ito. Magkaibang-magkaiba sila ni Heavenly parang kami lang ni Elisa. Si Abigail kasi leader ng pep squad o yung mga cheer leader sa school at isa sya sa pinaka-hot na student sa CWA samantala yung bestfriend nya ay napakasimple lamang at wala arte sa katawan.

"Abi, kasalanan mo ito e!" narinig ko pinagbibintangan ni Heavenly si Abigail. Alin kaya ang kasalanan nya?? Hindi naman sa chismosa ako, narinig ko lang talaga yung usapan nila. Ganon talaga malakas ang pandinig ko. Ano nga kaya yung kasalanan na yun?? Si abigail ba ang mag cause ng away? Pero bakit at pano?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano kaya ang kasalanan ni Abigail?? Abangan sa susunod na kabanata! :))

So what do you think about this chapter?? COMMENT. VOTE. FAN. thanks!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Opposites Attract!Where stories live. Discover now