chapter 2- Enemy Na Agad??

15 0 0
                                    

Andy's POV:

"Hi! I'm Andrea Cruz but I prefer to be called Andy! I'm from section A, third year high school. I am a soccer player and also..." I intoduced myself to the new student. Wala lang nagiging friendly lang, masama??

So ayuun imik ako ng imik pero pag tingin ko dun sa new student ay hindi naman sya nakikinig. Ano ba yan? Ambastos naman nya, umiimik yung tao tapos di nya papansinin. Medyo iba ang kulo ng dugo ko dito sa babae ito.

Ang kapal naman kasi ng mukha! Para siyang feelingera na parang antagal na niya sa CWA. Akala nya ata sya ang may ari ng school porket sobrang yaman nya. Mayaman din naman kami pero halata mo kasi na iba yung level ng pamilya nila...surname pa lang nya pang mayaman na di ba?

Basta! Hindi ko talaga gusto 'to babae ito, di ko din alam kung bakit kasi hindi naman kami ganun ka-close at never naman ako naging judgemental lalo na sa mga di ko pa kilala pero di ko talaga maipaliwanag 'to. ang hirap kasi i-explain e.

Basta pakiramdam ko naiinis ako sa kanya kasi kasama nya si Bes. Ewan ko nga ba. Pero this past few days, I feel weird pag dating kay Elisa. Masaya ako pag kasama ko sya at lagi ako tumatawa tapos kapag may kasama sya iba, girl man o boy pinagseselosan ko.

I think I like Elisa pero babae ako. alam ko babae ako kahit na medyo boyish ako manamit at kumilos. Siguro I'm just confused. Haaay! Wag na nga isipin ito, kikilalanin ko na lang itong si Gabrielle. Ansama ko naman kung huhusgahan ko agad sya dahil lang sa nagseselos ako sa kanya di ba?

--

Gabrielle's POV:

In fairness dito sa best friend ni Elisa, wait ano nga ba pangalan nito?Ayy ewan, nakalimutan ko na bastaaaa! Grabe ang daldal nya, natalo nya pa ang mala-armalite na bibig ni lolo. Tapos yung mga sinasabi nya paulit-ulit naman.

May sampung beses nya na ata naikwento sa akin na siya ay:

Best friend ni Elisa

Campus Vice President

Third year high school- section A

at siya daw ay varsity player ng soccer.

Paulit-ulit na lang ang mga sinasabi nya na para ba sya sirang plaka. Napansin ko na yung best friend nya si Elisa ay tumatango sa bawat sabihin nya pero halata naman di rin sya nakikinig. Samantala eto si Andy, ayuuun naalala ko din ang name nya. So as I was saying, samantala si Andy walang idea na dumudugo na ang mga tenga namin sa sobrang dami nyang sinasabi.

"For Petesakes! Could you shut the hell up?! " sigaw ko sa kanya, di ko na napigilan ang sarili ko. Sobra na kasi sya, my poor little ears...kawawa naman. Halata sa mukha nya na nagulat sya sa pagsigaw ko. Wait, don't tell me na this is the first time na may magsabi sa kanya nun?

Isa sa pinaka-ayoko sa lahat yung madaldal lalo na kung di naman kami close tapos ganun sya? Ahhh! Sarap lagyan ng papel sa bibig, if that's the only way para patahimikin sya. I'll do anything to have back the silence!

HAHA. Medyo naiinis na sya sakin, obvious naman kasi namumula yung mukha nya sa galit. Pero sya pa ba yung may gana magalit? E sya nga yung paduduguin yung tenga ko ih! Ay bahala nga sya! Kung gusto nya ng gulo, aba'y di ko sya uurungan!

--

Andy's POV:

Aba! Ang kapal naman ng isang to! Kung mapagsabihan ako daig pa ang nanay ko. Wala naman ako ginagawa sa kanya ah? Buti nga nagiging friendly pa ako sa kanya kahit ganun ang ugali nya. Bwiset! "Hoy ikaw, wag mo kong ine-english ha! Kala mo kung sino ka!" pa-angas ko sabi kay Gabrielle.

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: May 28, 2014 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

Opposites Attract!Där berättelser lever. Upptäck nu