Magkarelasyon by: Anjo

3.5K 15 0
                                    

Bata palang kami ay palagi na kaming mag kasama sabay mag-aral tuwing umaga pagkatapus lalaro pag dapit hapon. Masasabi kong isa siya sa pinakamamahal ko. Habang lumake na kami ay parating mag kahawak ang aming mga kamay kumakain sa labas, nag hahabulan, nag lalambingan at higit sa lahat nag mamahalan. GF ko siya at BF niya ko palagi ko siyang hinahatid pauwi sa kanilang bahay kahit mga magulang nya ay kilalang kilala na ako. Masasabi kong nag-iisa siya sa buhay ko at nag-iisa din ako sa buhay niya.
Isang araw napag isipan namin na mamasyal sa plaza habang naglalakad kami ay pasimply lamang siyang nakaakbay sa aking balikat. ilang sandali lang may lumapit sa aming isang lalake nag beso sla at naghawak ng kamay sabay sabi sa akin na aalis na sila para kumain sa labas. Siya ang kanyang kasintahan o boyfriend at ako naman ay isang hamak na bestfriend nya lang. Girl/friend ko siya at Boy/friend niya ko nasabi kong nag-iisa siya sa buhay ko bilang kaibigan at nag-iisa din ako sa buhay niya bilang kaibigan at nasabi ko rin na isa siya sa pinakamamahal ko bilang kaibigan. Laging magkahawak ang aming mga  kamay dahil sa isang hamon sa aming paaralan, lagi kaming lumabas tuwing weekend, laging nag lalaro ng habulan, nag lalambingan tuwing may problema siya at higit sa lahat nag mamahalan kami bilang isang tunay na kaibigan.

DagliМесто, где живут истории. Откройте их для себя