24th Drop: The Day that was Forgotten

5K 86 4
                                    

CHAPTER 24

****

ALLIANAH

FLASHBACK

Nakaupo ngayon si Drake sa swivel chair niya sa loob ng kanyang office room at kasalukuyang nakatutok sa laptop niya.

Pansin kong parang inaantok na siya dahil hikab siya nang hikab.

Palihim ko lang siyang tinititigan. Nakatago ako sa likod ng malaking pinto ng office room niya at nakasilip lang sa maliit na awang ng pinto.

Nakahawak lang siya sa noo niya at kunot na kunot iyon habang abala parin sa pagtingin sa laptop niya.

Hinagilap ng mata ako ang wall clock sa kwarto nya at nakita kong 11:45 na pala ng gabi.

'Di ko na rin namatayan ang oras 15 minutes nalang...

Pansin kong parang hirap na sya kaya naman napag pasyahan kong ipagtimpla siya ng kape at gawan ng sandwich. Pangbawas lang din ng stress kahit papaano.

Umakyat na 'ko sa officeroom n'ya nang matapos kong i-prepare yung pag-kain n'ya.

Kumatok ako. Mga apat na beses siguro, pero 'di parin s'ya sumasagot. Since hindi naman naka lock ang pinto ay pinihit ko na din ang door knob at pumasok na.

"Drake?" tawag ko sa kaniya before entering the room. Naabutan ko nalang siyang naka sandal sa couch at natutulog- suot pa niya ang reading glasses niya at may hawak pang papel.

Inilapag ko ang mga dala kong pagkain sa ibabaw ng center table at lumapit ako kay Drake.

Mas maganda pala kung pagmamasdan siya sa malapitan, hindi 'yung may pinto pang nakaharang sa harap ko at hindi lang sa maliit na awang ko sya nakikita.

Tinanggal ko ang reading glasses na naka suot sa kanya at itinabi iyon sa tray ng pag-kaing ipinatong ko sa center table.

Hinawi ko ang buhok nya pataas dahil natatapan no'n ang noo n'ya na ngayon ay pinagpapawisan na.

Gusto kong humingi pa ng ilang segundo para titigan siya. Pinagmasdan ko ang tulog na katawan ni Drake.. pagod sya sa trabaho.

Tumabi ako sa kaniya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Iniakbay ko ang braso ko sa kaniya at hinawakan ang kamay nya.

"Drake.. just a minute." bulong ko sa kanya Kahit na Alam kong di nya ko naririnig.

"Minsan lang 'yung ganito. Gusto ko lang iparamdam sa'yo na sa gitna ng stress mo, pwede mo naman akong sandalan. Pwede kang magpahinga sa tabi ko." Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya. "Kahit hindi mo kailangan, nandito ako." kasabay ng pagbulong kong iyon sa kanya ay sunod-sunod nang tumutulo ang mga luha sa mata ko.

"Sana, Drake lagi kitang nahahawakan ng ganito.. sana magtagal pa tayo sa ganitong posisyon," Mapait akong napangiti.

"Ri--" nagulat siya nang ako ang nakita niya sa tabi niya.

Napabitaw naman ako sa paghawak sa kaniya habang siya naman ay lumayo sa'kin at umayos ng upo.

"Sorry kung hindi ako 'yung inaasahan mong tao na nasa tabi mo ngayon," sabi ko habang pinupunasan ang mata ko. 

Napahawak siya sa noo niya "No, no Alliah. It's totally fine." Mahina niyang sabi. "Hindi mo kailangang humingi palagi ng sorry sa mga kilos mo."

Nagulat naman ako sa sinabi. Parang ngayon ko lang narinig 'yon mula sa kaniya.

"Pasado alas-dose na ah. Bakit gising ka pa?" Tanong niya sa'kin.

Hindi ko alam kung pa'no sasabihin. Mukha ring hindi niya naalala. Yumuko ako at ngumiti para pigilan ang sarili kong umiyak ulit.

Hurt Me To DeathWhere stories live. Discover now