Ilang ulit.


Narinig ko na ang tunog na iyon dati. Nakita ko nang tumunog iyon noon ay binuksan ni Lola Peach ang malaking pinto. Hindi kasi nakakapasok dito sa mansiyon ang mga tauhan ni Just Lander dahil hanggang sa labas lang sila pwede. Kaya naman dali kong tinungo ang pinto at binuksan iyon.


Isang babae ang bumungad sa akin. Halos kasing laki ko lang ito at kasing taas. May mahaba rin itong buhok tulad ko. Iba nga lang ang kulay ng mga mata nito. Katulad ng mga mata ay kay Just Lander.


Humalukipkip ito at tumaas ang magandang kilay. "Who the hell are you?"


Ano raw?


Pumaling ang aking ulo.


Pumitik sya sa hangin. "Hey? I'm talking to you!"


Maige na lang at sumulpot si lola Peach mula sa likuran ko. "Nakow! Eh, kayo po pala iyan, Madam Kia." Sapu-sapo nito ang puwet.


"Where's Uncle Lander?" kay Lola Peach siya bumaling.


"Ay, naroon po sa kwarto niya."


"And who is she?" itinuro nya ako pero ang mga mata nya ay na kay lola.


Napakamot ang matanda. "Ay, sya po ang mapapangasawa ni Ser Lander."


Mapapangasawa? Ano iyon?


Nanlaki ang kulay kalangitang mga mata ng babae na tinawag ni lola na Kia. "Seriously?"


"Yes, she is." Isang baritonong boses ang nagsalita sa aming likuran.


Nang lingunin ko ito ay tumambad sa harapn ko ang hubad na katawan ni Just Lander. Nakasuot lang sya ng maiksing salawal.


"Kia, this is Jack." Nakatingin sya kay Kia. "And Jack, this is Kia." Umiwas sya sa mga mata ko. "My pretty niece."


Lumapit si Kia sa kanya. "How about Chandra?"


"I messed up." Napasandal si Just Lander sa pader. Hindi ko ba alam kung bakit parang ang ganda nya sa paningin ko. Bukod kasi sa mukhang matigas nyang dibdib ay may mga santol sya sa tiyan.


"So, kaya mo pakakasalan itong babaeng ito?"


Pakakasalan? Ano kaya iyong pakakasalan?


Hinila ni Just Lander si Kia patungo sa kwarto. Pagkuwan ay isinara nya ang pinto.


Ano kaya itong bigla kong naramdaman? Bakit parang biglang kumirot ang dibdib ko? Hindi ko yata gustong makita si Just Lander na may kasamang ibang babae sa kanyang kwarto.


Ang isiping naroon sila nang hindi ko nakikita ay nagpapasikip sa aking paghinga.


"Aba'y ayos ka lang ba, hija?" tanong ni lola.


Tumango ako kahit hindi naman. 


Nang may tumunog ulit na kagaya kanina. Tiyak na sensyales ito na kailangang buksan ulit ang pinto.


Patakbo ko iyong nilapitan upang buksan. Lumitaw iyong lalaking may tirik na buhok. Iyong lalaking dating pumunta rin dito. Iyong Patrick na kasing tulis ng ilong ni Just Lander.


Ngumiti sya sa akin. "Good morning, sugar."


Napakamot lang ako sa sinabi nya.


Bumulong si lola. "Magandang umaga raw, asukal."


Tumango ako at bumaling sa lalaki kahit pa hindi ko maunawaan kung bakit naghahanap siya sa akin ng asukal. "Magandang araw din." Ngumiti ako.


Napapasintido ang lalaki. Nilingap nya ang paligid.


"Anyway, where's Lander? I need to see him."


"Nasaan daw si Lander. Kailangan nya raw itong makitaan."


Makitaan? Hindi pwede iyon. Ako lang ang dapat makakita ng tite ni Just lander. Sumagot ako. "Wala sya dito."


"Where is he?"


"Nasaan daw?"


Sumagot muli ako. "Basta wala sya."


Humalukipkip ang lalaki. Ang kanyang mga mata ay nakapako sa akin. "Okay. Gusto mo bang mamasyal?"


Hay salamat, naintindihan ko rin sya.


Namilog ang aking mga mata. "Mamasyal? Dadalhin mo ako sa lupa?"


"Lupa?" Nagtataka ang lalaki. "O-oo. Maraming lupa sa papasyalan natin."


"Talaga?!" napakapit ako sa kanyang braso. "Gusto kong makakita niyon!"


"Halika. Ipapasyal kita kahit saan mo gusto." Kinuha nya ang kamay ko.


Nagkasa bigla ng shotgun si lola Peach. "Nakow! Hindi pwede hindi ako kasama, hijo."  


JAMILLEFUMAH

@JFstories

His Indecent Proposal: Lander MontenegroWhere stories live. Discover now