"Ah... I don't have time to explain."


"Eh, bakit kayo nakahubo, Ser?"


Oh shit!


...


NANG imulat ko ang aking mga mata ay kulay ulap na kisame ang bumungad sa akin. Hindi ko maalala kung bakit ako nakahiga sa malambot na higaang ito. Hindi ko rin alam kung bakit ako narito.


Sinubukan kong tumayo ngunit naramdaman ko agad ang hapdi sa pepe ko.


Masakit din ang mga hita ko. Lalo na iyong ugat ko sa braso dahil may nakatusok na karayom dito. Ano kaya ito? Nakakonekta ito patungo sa isang lalagyan na may tubig.


"Nakow! Eh, gising ka na pala." Iniluwa si lola Peach ng pinto. Napatingin din sya sa bagay na pinagmamasdan ko sa aking uluhan. "Dextrose ang tawag dyan."


"Dextrose?" Nangunot ang aking noo. "Ano po iyon?"


"Aba'y hindi ko nga rin alam." Lumapit sya sa akin. May hawak syang santol. "Ano ba ang nangyari at duguan ka? May inilabas ba syang mahaba?"


Tumango ako.


"Anong hitsura?"


Napaisip ako at sinasariwa ang hitsura niyon. "Matigas po at mainit."


"Gaano kalaki?"


Napahawak ako sa aking pulso. "Parang... kasinlaki po ng aking braso."


"Whew!" bigla syang pinagpawisan. "Gaano kahaba?"


"Siguro po nasa dalawang dangkal."


"Putangina ka, buhay ka pa?" Napangalumbaba si lola Peach habang sumisipsip ng santol ng santol. "Ano pa?"


Hindi na ako nakapagpatuloy sa pagkukwento kay Lola Peach dahil nabulunan na sya sa sinisipsip nyang santol.


...


NASAAN kaya si Just Lander?


Bakit kaya dalawang araw na siyang hindi lumalabas ng kanyang kwarto? Madalas ko siyang puntahan at nagbabaka-sakaling lumabas siya subalit hanggang tanaw lang ako mula rito sa labas ng pinto.


Malaya na ako pero hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako. Hindi kaya dahil wala lang akong makausap? Si Lola Peach kasi ay dalawang araw ng hirap dumumi. Naroon tuloy ito madalas sa banyo at doon umiire. Siguro ay dahil iyon sa nalunok nyang santol.


Biglang may tumunog sa kung saan.


DING-DONG!

His Indecent Proposal: Lander MontenegroWhere stories live. Discover now