Chapter 1

6.5K 145 14
                                    



JUN

        "Kahit kailan talaga ang galing mo sa mga ganang bagay, bro. Kailan ba kasi kita matatalo? Para kasing ang daya-daya mo namang maglaro ng floppy bird." Reklamo ni Jared.

Natawa nalang ako habang nagrereklamo si Jared dahil sa score kong 340, habang 104 ang kanya.

Iisipin niyong masyado ng luma ang trip namin pero ito talaga ang gusto naming gawin lalo na kapag walang ginagawa sa resort na pinapag-part time job-an naming dalawa.

"Pero sa tingin mo, pareng Jun, may pag-asa kaya ako kay Marie? Para naman kasing ikaw ang type niya. Basta Jun, walang sulutan ha?" Tanong niya.

Kung alam lang niyang wala siyang dapat ikatakot dahil siya naman talaga ang gusto ko noon pa. Pero anong magagawa ko kaibigan lang ako. Kaibigan lang.

"Ano ka ba naman, hindi ko ugaling manulot, tandaan mo 'yan. At bakit ko naman aagawan ang bestfriend ko, uy? Tsaka... isa pa, kung saan ka masaya doon ako! Alam mo naman na 'yon. Sabi ko kanya kahit itong puso ko ay unti-unti ng kumikirot dahil sa pagsisinungaling ko sa sarili ko.

"Yan naman ang gusto ko sa'yo parekoy, e. Pa-hug nga!" Masigla niyang sagot.

Niyakap niya ako bilang pasasalamat pero hindi niya alam ang mga yakap na'yan ang bumihag sa puso ko. Kung may gamot man sa pagiging tanga ay hindi parin ako bibili dahil kahit nasasaktan na ako makita ko lang na masaya si Jared, masaya na rin ako.

Ika nga nila na kapag mahal mo ang isang tao ay handa kang magpaka-martir para lang sa kaligayahan niya. Alam ko naman sa sarili kong kaibigan lang ako. Straight si Jared habang ako bisexual, bakla, paminta o ano pa man.

"Ikaw talaga Jared, basta para sa'yo," sabi ko pa.

Normal lang na magsabihan kami ng mga sweet na salita dahil nakasanayan na namin ang isa't-isa. Sanggang dikit nga kami pero sa akin ay iba naman na talaga. Mas lumalim.

---
Pag-aari ng tito ko ang resort na ito kung saan trabahador ang tatay ni Jared bilang receptionist. Ako naman trip ko lang 'din na mag-part time para may kasama si Jared. Nabo-bored daw siya kapag hindi niya ako nakikita. Ene be? Ganan kami ka-close sa isa't-isa.

Minsan sa bahay siya natutulog at minsan naman ay sa kanila ako natutulog. Bago ko makalimutan, nasa New York ang mom and dad ko dahil sa business namin doon.

Nakasanayan ko nang wala sila dahil nand'yan naman si kuya Junel at siyempre si Jared para samahan ako sa hamon ng buhay.

Naglalakad kami sa papunta sa pampang na tambayan namin kapag dapit hapon na. Gaya ng dati na parati kong ginagawa ay dinambahan ko siya sa likod para kargahin ako.

Sanay na'yan sa'kin dahil kapag ganyan alam niyang tinatamad akong maglakad.

"Pareng Jun, ang arte mo talaga kahit kailan!" Reklamo pa niya sabay tawa. Inilabas ko ang iPhone ko at nagtake ng picture habang nakasakay sa likod niya. Pinost ko agad sa instagram at may caption na "with your bestfriend you'll always feel safe and sound." #Bestfriend.

Nang makarating kami sa pangpang ay binaba na niya ako. Halatang napagod siya doon sa ginawa ko kaya naman umalis ako saglit para bumili ng maiinom.

For All My Wrong Reasons(BXB 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon