Prologue

44 1 0
                                    

Hello! I just want you to know that I am glad that you are here, giving this story a shot. Thank you and enjoy reading!

-Veron



Cry at first meet



May mga batang naglalaro at nagkakatuwaan. Ang ilan sa kanila ay naghahabulan at ang iba naman ay may dala-dalang bagong laruan, nagpapayabangan kung kanino ang pinakamaganda. They're having so much fun until the young girl who is wearing a white short and a pink t-shirt with a pony tailed hair came on the picture wearing a wicked grinned. Ang mga batang nakakakilala dito ay agad na itinago ang mga dalang laruan sa kanilang likod ng makitang papunta ito sa direksiyon nila. Ngunit may isang batang lalaki na walang pakialam at itinuloy ang paglalaro sa kanyang bagong modelo ng laruang eroplano. Siniko siya ng kanyang pinsan kaya nakakunot noong tiningnan niya ito.

"Why did you do that?" may halong inis na tanong nito.

''Itago mo yan!" mahina pero may diin nitong sabi.

"Why would I?" takang tanong nito.

"Basta.." halos pabulong na lang ang pagkakasabi nito.

"Wow! Ang ganda naman ng laruan mo!" napatingin siya sa batang babae na nasa harapan nila na nakatingin sa laruang dala-dala niya. She's pretty...

"Patay..." Caden heard his cousin's murmured kasabay ng ilang mga bata na nanatiling nakatago ang mga laruan sa likod ng mga ito.

"Really?" Caden excitedly asked the girl. Natutuwa siyang may iba pang nagkagusto sa laruan niya. Kadalasan kasi sa mga kalaro niya ay ang gusto ay mga toy car o kaya ay mga robots.

''Oo." sagot ng batang babae.

"Do you want me to share it with you?" alok niya dito. Pero sa pagtataka niya ay umiling ang batang babae. "I thought you like this?" takang tanong niya dito habang nilalaro ang laruan.

''Oo. Kaya nga ayaw kong makipag-share sayo." mataray nitong sagot sabay hablot sa laruan niya. Hindi agad siya nakahuma dahil sa pagkabigla.

"Hmmmmm. It looks and smells new." sabi nito habang tinitingnan at inaamoy ang laruang hinablot nito. "I'm sure my pet will enjoy playing this one." sabi nito habang tumalikod na. Pero bago pa ito makahakbang ay hinawakan na niya ang mga braso nito.

"This is mine." sabi niya sabay hawak sa dulo ng laruan niya.

"Kanina sayo yan. Pero ngayong hawak ko na, hindi na. Bitiwan mo nga to!" sabi nito sabay hila sa laruan. Pero hindi niya ito binitiwan.

"My dad brought this so, absolutely this is mine!" hablot niya rin sa laruan pero mahigpit ang pagkakahawak ng batang babae dito.

"Not at all!"

Tuluyan sila sa paghihilahan. Ang ibang bata naman ay nakatingin lang sa kanila. Walang nagtangkang sumali dahil alam nila kung ano ang papasukin nilang gulo kung makikisali sila. Nashelle is known to be the most mischievous girl in their exclusive village. Halos lahat sila ay napagdiskitahan na nito.. Mayroong mang-aagaw ito ng laruan kapag nagustuhan nito at siguradong pagdala nito sa susunod ay gutay-gutay na dahil ipinapalaro nito sa alagang aso. Minsan din ay ipinapahabol sila sa aso nitong alaga sa tuwing kasama nito ito at ito'y tatawa lang na para bang tuwang-tuwa. Hindi naman ito mataba pero hindi rin ito payat. Yun nga lang may kapatid itong lalaki na black belter sa taekwondo. Takot lang nilang maibitin patiwarik o kaya ay makatikim ng sipa. Iyon kasi ang palaging pantakot sa kanila ni Nashelle. Napasinghap sila ng mabitiwan ng dalawa ang pinag-aagawang laruan at tumilapon sa ere at tuluyang bumagsak.Sandaling napahinto ang dalawa at nakatangang nakatingin sa kawawang laruan.

"Waaaaaaaaah! Look what you've done! You destroyed it!" ngawa ng batang babae pagkaraan ng ilang sandali.

"My toy.." hindi makapaniwalng sambit ng batang lalaki habang nakatingin sa laruang pasalubong ng kanyang ama na galing pa sa ibang bansa. Pero agad ding napabaling ang atensiyon niya sa batang babae na ngayon ay ngumangawa habang pinapadyak ang mga paa.

"Isusumbong kita sa kuya ko!" banta nito.

"Halaka. Patay..." rinig niyang sambit ng kanyang pinsan na ngayon ay nakatingin sa kanya.

 "Pigilan mo! Pigilan mo kung ayaw mong mabitin patiwarik ng kuya niya." Napakurap siya sa narinig at agad na hinawakan ang braso ng batang babae na papaalis na sana. Marahas itong lumingon sa kanya at tiningnan siya ng masama.

"Ano?!" bulyaw nito. Pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

"A-ano pwede bang wag ka na lang mag-sumbong?"

"At bakit hindi? Sinira mo ang laruan ko!" sigaw nito. Ngali-ngaling sabihin niya dito na siya ang may-ari ng laruan pero ayaw niyang mabitin.

"K-kasi.."

"Kasi ano?!"

"Kasi bibigyan kita ng bagong laruan?" hindi siya sigurado sa isinagot. Malay ba niya kung ano ang gusto nito.

"I don't need one. Isusumbong kita sa kuya ko!" sabi ng batang babae na nagmartsa na patalikod.

"Patay ka talaga Cad! Habulin mo!" sabi ng pinsan niya.

"Ano naman ang sasabihin ko." sambit niya habang nakatingin sa likod ng batang babae. Sandaling nag-isip ang pinsan niyang si Tyrone at biglang umaliwalas ang mukha nito sabay sabing.

''Alam ko na! Sabihin mo, gagawin mo ang lahat ng gusto niya!" masaya nitong sabi. "Ang talino ko talaga!" sabi nito habang pumitik pa sa ere.

''You'll gonna make me her slave?'' hindi makapaniwala niyang tanong dito.

"Ano bang mas gusto mo, ang maging alila niya o ang mabitin patiwarik ng kuya niya?" balik-tanong nito. Napangiwi siya. As if he have a choice.

"Fine." sabi niya sabay takbo at habol sa batang babae ng ilang hakbang na rin ang distansiya mula sa kanila.

The Mischievous and The Unpredictableحيث تعيش القصص. اكتشف الآن