23rd Drop: Storm Within Me

Start from the beginning
                                    

Bago lumabas ng bahay ay naisipan ko muna ulit siyang tawagan kaso mukhang na-dead batt ata yung phone niya. Siguro rin dahil sa kakatawag ko.

Buo na ang desisyon ko, susunduin ko si Drake dahil baka hindi niya kayang mag-maneho sa sobrang kalasingan.

Kaya ko naman mag maneho, ako nalang magda-drive pauwi. Gusto ko lang makasigurong ligtas siya.

Sinubukan kong maghintay ng taxi kaso mukhang wala nang dumadaan ng ganitong oras lalo na at umuulan. Walang ibang choice kun'di maglakad at confident naman din ako kasi alam ko naman ang bahay ng officemate niya na iyon.

*BLANG!*

Kasabay ng pag kulog ng malakas ang kabog ng dibdib ko. Mas lalo pang lumakas ang hangin at basa na rin ng malamig na tubig na nanggagaling mula sa langit ang kalahati ng katawan ko at nararamdaman ko na rin ang pangangatog ng katawan ko.

Nakarating ako sa bahay ng Officemate ni Drake. Wala namang bakas ng mga nagparty doon. Baka naman nasa loob dahil maulan sa labas?

Pinindot ko ang doorbell sa gilid ng gate. Matapos ang anim na pindot ay may lumabas mula sa pinto, ang ka-officemate ni Drake. Naka pajama ito at mukhang galing pa sa tulog.

"Oh? Alliah! What brings you here?" nagtatakang tanong nito nang makarating sa harapan ko.

"Wala ba dito si Drake?"

"Si Drake? Wala sya dito. Bakit mo namang naisipang dito siya hanapin?"

"He told me na may party daw dito, Anniversary niyo daw ng asawa mo." - May bigat sa dibdib kong tugon.

"Anniversary? Sa next week pa iyon. Hindi din nag punta dito si Drake." Tugon nito sa tanong ko. "Basang basa ka na ng ulan, gusto mo bang pumasok na muna dito sa loob. Magpatila ka na muna ng ulan." Sabi nito at bahagyang binuksan ang gate.

Ang lakas ng ihip ng hangin at direkta itong tumatama sa katawan kong basa na rin ng ulan.

"H-hindi, ayos lang ako. H-hindi rin ako magtatagal kasi baka kailangan ako ni Drake. Maulan ngayon, baka lasing siya at mapahamak." Medyo nanginginig kong sabi.

"Alliah kasi.." medyo nag-aalinlangan nitong tugon sa akin "kanina sa office, may sinabi siyang pupuntahan niya--"

*BLANG!*

Nang marinig ko 'yon ay parang automatic na tumakbo papunta sa lugar na sinabi niya.

"may sinabi syang pupuntahan nya.. Sa bar. Kanina din nag punta si Ritz sa office,"

Narinig ko siyang sinigaw ang pangalan ko at nagbabala na delikado ang daan pero hindi ko siya pinansin at nag tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo.

Para akong na-semento sa kinatatayuan ko at limang segundo din ang nakalipas bago mag sink-in iyon sa utak ko.

Sinabi sakin ng ka-officemate ni Drake kung saang bar iyon at eto ko ngayon, tumatakbo sa ilalim ng ulan at kasalukuyang sinasangga ang bawat pag hampas ng malalamig at malalakas na hangin katawan ko. Ang engot ko lang kasi sa sobrang pagmamadali ay nakalimutan ko ang payong ko sa bahay ng officemate ni Drake.

Nadulas at natapilok pa ko pero di ko ininda ang sakit ng paa at pwetan ko at nag patuloy lang ako sa pagtakbo kahit iika-ika.

Nakarating na ko sa bar kung nasa'n si Drake. Napansin ko nga ang kotse niya sa labas.

Dali dali akong pumasok sa loob. Bawat hakbang ko ay parang may isang timbang tubig na nakapatong sa dibdib ko at pabigat ng pabigat habang gumagalaw ako.

Parang unti-unti akong nanghihina at parang nauubusan ng hangin ang lugar na ito sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Sumasabay sa beat ng malakas na musika nasa loob ng bar ang kabog ng dibdib ko.

Hurt Me To DeathWhere stories live. Discover now