Chapter 2

1K 25 12
                                        


Natapos ang maghapon ko ng halos walang trabaho, bukod sa magtimpla ng kape at magpadeliver ng lunch ay iyon pa lamang ang ginagawa ko.

Pinigilan kong mapasimangot ng utusan ako ni Mr. Alvarez na magover time, may extra pay pero nakakainis pa rin

Hindi ko maiwasang magreklamo sa sariling utak ng simulang magsiuwian ang mga empleyado habang ako ay nakatunganga at hinihintay ang utos ni Mr. Alvarez

"Please bring the files na galing sa HR and marketing department" ng marinig iyon sa intercom ay napatayo ako agad

Kumatok muna ako bago pumasok, ayokong mabulyawan

"Ito na po ang files sir"

"Thank you Ms. Nuñez" akmang lalabas na ako ng pintuan ng magsalita muli ito "My friend will come over, just let him in" tumango lamang ako

Gusto kong hilahin ang oras para makauwe na pero kapag hinihintay ay lalong bumabagal iyon

Tunog lamang ng keyboard ang maririnig sa apat na sulok sa labas ng opisina ni Mr. Alvarez, inabala ko na lamang ang sarili na gawin ang presentation na magaganap 2 months from now.

"Good evening Ms. nandiyan ba si Alvarez?" pamilyar ang boses na iyon

"Yes sir, nasa loob po siya, this way po" nakayuko ako ng makarating sa pinto ng opisina ni Mr Alvarez, nanginginig ang mga kamao ko ng katukin ko ang pinto nito

"Nene-nerbyos ka yata Ms. Secretary" mabuti na lamang at nagsalita na si Mr Alvarez sa loob ng opisina kaya naiwasan ko itong sagutin

"M-Mr. Alvarez your guest is here" pinigilan ko ang sariling mautal

"Oh, Salcedo, maupo ka" mabilis namang naglakad si Mr. Salcedo sa papasok sa opisina

"And Ms. Nuñez, please bring us coffee and after that you can go" pahabol pa nito bago ako maisara ang pinto

Gusto kong magpasalamat na maayos ang pagkakatimpla ko ng kape ng dalhin ko iyon sa boss ko sa opisina.

Pakiramdam ko ay nangatog ang tuhod ko ng pasadahan nito ng tingin ang buong katawan ko at ngumisi.

Akala ko ay nakatakas na ako mula sa kanya, pero nagkamali ako

Simula ng gabing iyon ay hindi iyon ang unang beses na bumisita ito kay Mr. Alvarez, noong una ay may dahilan ito, pero ng bandang huli ay nagtataka na rin si Mr. Alvarez sa malimit na pagbisita ng kaibigan

Wala masyadong tao sa floor kung nasaan ang opisina ni Mr. Alvarez may lunch meeting ang marketing department at ginanap iyon sa labas, ganoon rin ang Finance department

Iilan lamang ang tao sa floor at malalayo ang agwat sa isa't-isa.

Wala namang dapat ikabahala pero hindi ako mapakali sa hindi ko malamang dahilan.

Hanggang sa sumapit ang uwian ay naroroon pa rin ang pagkabahala ko, pumasok muna ako sa office pa try malapit sa canteen para kumuha ng tubig

Wala ng katao-tao roon dahil uwian na, hindi ako matatakutin lalo na at sanay akong magisa

Napatigil ako sa pagkuha ng tubig mula sa dispenser ng may magsalita hindi kalayuan sa pwesto ko

"Kung saan saan kita hinanap, nandito ka lang pala" kilala ko ang boses na yun "Akala mo ba'y matatakasan mo ako?"

"H-huwag" pigil ko rito ng marinig ko ang ilang mga yabag nito papalapit sa akin "Huwag kang lalapit"

Pero tumawa lamang ito ng nakakaloko " Do you ever wonder kung paano ka natanggap ng walang interview?" doon ako natigilan, kung ganoon ay may kinalaman siya kung bakit

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Where stories live. Discover now