5

31 0 0
                                    

Huling araw na namin sa Italy at siguro ay panahon na para isarado ko ang yugtong ito ng buhay ko. Nakatayo ako sa Piazza San Marco, kumukuha ulit ng litrato.

"Yassi, nasaan na sina Nadine at Alexander?"

"James, tigilan mo na nga ' yang pag-aalala mo, bumibili lang sila ng gelato kasama si Lauren."

Noon ko lang napansin na pinigilan ko pala ang aking paghinga nang dahil sa takot.

"Daddy, tingnan mo binili ako ni Tita Lauren ng ice cream." Masayang nagkuwento si Alexander sa'kin habang walang tigil niyang dinidilaan ang kanyang sorbetes. Lumuhod ako para maging magkasingpantay kami ng taas at pinunasan ko ang amos sa ilong niya. Ilong lang talaga ni Nadine ang namana ni Alexander mula sa kanya. Ngunit kahit na mas kahawig ko si Alexander, ang bawat kilos at ang personalidad naman niya ay parehong-pareho kay Nadine. Bigla na lang akong may naramdamang kumakalabit sa likod ko. Lumingon ako para tingnan kung sino ito. At hindi ko mapigilan ang mga ngiti sa aking labi.

"Ako rin, may amos sa mukha." Sinabi ito ng aking prinsesa habang nakasimangot.

Pinunasan ko ang amos sa labi niya at hinalikan ko siya sa pisngi. "Ayan, masaya na ba ang Prinsesa Nadine ko?" nakangiti kong tinanong si Nadine. Hindi pa rin ako makapaniwala na habang lumilipas ang panahon ay mas lalo niyang nagiging kahawig ang ina.

Masasabi ko na si Nadine na ang pinakamatapang at pinakamalakas na babaeng nakilala ko at dahil do'n ay nagpapasalamat ako. Pagkatapos ng limang oras na paghihintay ay lumabas na rin ang doktor at binati ako sa pagiging bago kong ama. Pagpasok ko sa kwarto, ang una kong nasilayan ay si Nadine na karga-karga sa magkabilang braso ang dalawang sanggol. Ang isa ay nakabalot sa bughaw na kumot at ang isa naman ay nakabalot sa rosas na kumot. Nakita ko si Nadine na nakatitig sa dalawang sanggol na may mga luha sa mata. Hindi pa rin daw siya makapaniwala na may anak na kami. Dahan-dahan akong lumapit kay Nadine na para bang takot ako na maglalaho na lang silang bigla. Hindi ko na rin namalayan ang unti-unting pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.

Pagkatapos mag-isang taon ang mga bata ay nagpumilit si Nadine na pumunta ulit kami sa Italy bilang isang buong pamilya. Gusto niya raw kasing ipakita sa mga anak namin ang lugar kung saan kami unang nagkita. Sinabi ko sa kanya na hintayin na lang namin na lumaki ang mga bata dahil hindi naman nila maaalala ang tungkol dito kapag pumunta kami ngayon. Pero nagpumilit pa rin siya. Sa huli, sinunod ko na din ang gusto niya. Wala naman kasing hiling si Nadine na hindi ko kayang ibigay. Basta para sa kasiyahan niya, handa akong ibigay ano man ito. Iyon na ang huling pagta-travel namin bilang isang buong pamilya dahil ilang araw lang pagkabalik namin galing sa Italy ay inatake na naman siya ng kanyang sakit. Pagkatapos ng dalawang araw sa ospital ay nilisan na rin niya kami.

Noong araw na iniwan niya kami, napanaginipan ko pa siya. Sa panaginip ko ay sinasabi niya na huwag akong malulungkot at maging matatag ako para sa mga anak namin. Siguro, iyon ang paraan niya para magpaalam sa akin. Akala ko ay handa na ako at kaya ko nang tanggapin ang kanyang paglisan, pero iba na pala pag nangyari na talaga ito. Hanggang sa ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala; hindi ko pa rin kayang tanggapin na wala na siya. Subalit kailangan kong maging matatag para sa mga anak namin. Pagkatapos ng libing ni Nadine ay may inabot sa akin si Yassi. Isa itong kahon, ibinilin daw ni Nadine na ibigay ito sa akin pagkatapos ng kanyang libing. Pag-uwi ko ay binuksan ko agad ito. Sa loob nito ay may isang napakakapal na photo album. Binuksan ko ito at ang unang bumungad sa kin ay ang nakangiting mukha ni Nadine at isang sulat. Nanginginig kong binuksan ang sulat, habang ang aking mga luha ay walang tigil sa pagtulo.

Pinakamamahal kong James,

Ngayong binabasa mo ang sulat na ito ay marahil wala na ako at nasa malayong lugar na. Alam ko na habang binabasa mo ang sulat na ito ay nalulungkot ka at umiiyak.. Okay lang na malungkot ka. Okay lang na umiyak ka. Pero ngayon lang. Gusto ko na pagkatapos ng araw na ito ay maging masaya ka. Na maging masaya kayo ng mga anak natin.

Gusto rin sana kitang pasalamatan sa walang sawa mong pagmamahal. Nang dahil na rin sa tigas ng ulo mo, natupad lahat ng pangarap ko sa buhay. Masaya ako na kahit sa sandaling panahon ay naransan ko kung paano maging isang asawa at kung paano maging isang ina. Noon pa man ay handa na ako sa araw na lilisanin ko ang mundo. Kaya ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na mangyayari ang mga ito. Noon, ang mga ito ay pawang mga walang kwentang pangarap lang ng isang sakiting bata. Ngunit dumating ka at lahat ay biglang nagbago. Binigyan mo ako ng pag-asa na baka maaaring matupad ang pangarap kong ito, at hindi mo ako binigo. At dahil doon ay nagpapasalamat ako nang lubos.

Naalala mo ba na tinanong kita noon, kung bakit pagiging litratista ang napili mong propesyon? Sabi mo sa'kin, ito ay dahil gusto mong makuhanan lahat ng mga importanteng sandali sa buhay ng mga tao. Kaya 'eto, iniiwan ko sa'yo ngayon ang photo album na ito. Nasa album na yan ang lahat ng importanteng sandali sa buhay ko. At 'yun ay ang bawat sandaling magkasama tayo. Gamitin mo ang munting regalo kong ito para ikuwento sa mga anak natin ang tungkol sa ating pag-iibigan. Kung paano ako naging masaya na naging bahagi kayo ng mga huling yugto ng buhay ko.

Hanggang dito na lang ang sulat ko, James. Lagi mo sanang sabihin kina Alexander at Nadine na mahal na mahal ko sila. At ihingi mo na rin ako ng tawad dahil wala ako sa tabi nila. Pero huwag kayong mag-alala, dahil lagi ko kayong babantayan. At James, tandaan mo sana na kahit naging malupit man ang Diyos sa atin dahil pinaghiwalay niya agad tayo, alam kong may awa ang Diyos kaya alam kong magkikita tayong muli.

Ang nagmamahal sa'yo ng walang hanggan,

Nadine

Hindi pa rin nagbabagosi Nadine. Hanggang sa huling sandali ngbuhay niya, kami pa rin ang nasa isipniya. Dahan-dahan kong binuksan ang photoalbum. At unti-unting nagbalik ang mga alaala namin. Sa bawat paglipat kong pahina ay mas lalong walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Nagsimulaang album sa litrato ni Nadine na kinuhanan ko sa Rialto Bridge hanggang sahuling litratong kinuhanan namin bilang isang pamilya sa Piazza San Marco.Bawat litrato ay may kasamang maikling talata na nagkukwento ng tungkol samasayang yugto ng buhay niyang iyon.    



KUPAS NA ALAALAWhere stories live. Discover now