Twenty Five:

10.8K 187 26
                                    

Queen's POV~

Tila umakyat lahat ng inis at galit sa ulo ko ng marinig ko ang sinabi niya. 

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil ayaw kong bulyawan siya ngayon dito sa canteen dahil alam kong makakaagaw kami ng atensyon at baka mabuko pa ang plano namin. 

Nakatayo pa sa likod niya ang punyetang mga kasama niya na parang hinihintay at nag aabang ng isasagot ko sa peste nilang duke. 

Naikuyom ko ang dalawang palad ko sa ilalim ng mesa at yumuko.

Pinikit ko ang mga mata ko at kinagat ang labi ko dahil nag uumapaw na ang galit na gustong lumabas sa katawan ko.

Ilang beses pa kong huminga ng malalim para kumalma pero wala paring epekto. 

Nanginginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko, gusto ko siyang sakalin ngayon. 

"WHAT!? ANSWER ME!" malakas na namang sigaw niya na sinabayan pa ng hampas sa lamesa. ""Hindi mo siya kayang layuan? HA? Kaya ba hindi ka sumasagot!?" dugtong pa niya.

TANGA! Wala kang tinanong kaya wala dapat akong sagutin. JERK!

Nagkunwari akong nagulat sa ginawa niya at nakanganga pang tumingin sa kanya. Nakita ko ding maski ang mga kasama niya ay nagulat sa inaakto niya. 

Ramdam ko ang mga tingin ng ibang estudyante samin ngayon. 

ATTENTION SEEKER!

Masamang tingin naman ang ibinibigay niya sa akin at parang kahit anong oras ay kayang laya niyang sapakin ako.

"A-ano b-bang sinasabi mo?" kunwaring tanong ko pa sa kanya at sinalubong ang mga mata niyang punong puno ng galit. 

"Ang sabi ko layuan mo si Aiden at ako lang ang pwede mong samahan. Naiintindihan mo ba?" balik tanong niya sa akin.

"P-pero--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita siya ulit. 

"Walang pero pero Aphrodite! Akin ka at akin ka lang. Hnding hindi ako papayag na may umagaw sayo!" muli niyang sigaw sa akin. 

"H-hindi naman niya a-ako---" hindi na naman niya pinatapos at nagsisimula na namang umapaw ang init ng ulo ko.

AYOKO SA LAHAT AY ANG PINUPUTOL ANG SINASABI KO!

"NO! What if mainlove ka sa kanya. That's not impossible! You've been together for God knows how long. Eh ako? Kahapon lang Aphrodite! Kahapon lang!"

TSS. Alam mo naman palang kahapon lang tayo nagkakilala kung magsabi ka ng mahal mo ko akala mong ang tagal mo na kong kilala. DUMBASS!

Tinanggal ko ang pagkakakuom ng kamao ko at inabot ang nakayukom na palad niya sa ibabaw ng mesa.

Hinawakan ko yun at bahagya pang pinisil para maalis in ang pagkakayukom nun. 

Naramdaman ko namang ang bahagyang pagkalma niya at hinawakan na din ng mahigpit ang kamay ko. 

Tipid akong ngumiti sa kanya para makalma siya. 

"No need to worry Nathan. Ikaw ang boyfriend ko, diba? Ikaw ang sinagot ko kahit na matagal ko ng kilala si Ki-- si Aiden. It means ikaw ang gusto ko at hindi siya"  SHIT! muntik na kong madulas.

AISH! STUPID QUEEN!

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at tumango sakin. 

Kumalma na din siya at bumalik na ang ngiting nawala sa mukha niya kanina. 

The QueenWhere stories live. Discover now