Thirteen:

15K 289 34
                                    

 Third Person's POV

 SABADO.

Nanatili si Queen at Prince Mark sa hospital upang mas masuri ang kalagayan nilang dalawa.

Napilay si Prince, samantalang maayos naman ang kalagayan ni Queen. Ngayon nga'y paalis na siya sa hospital. Ayun  naman kasi sa doctor ay maaari na siyang lumabas, si Prince ay mananatili hanggang hindi pa maayos ang paa niya. 

 Paglabas ng hospital ay naglakad-lakad siya. Wala siyang sasakyan dahil nabunggo kahapon, di naman niya pwede nakawin ang motor ni Prince, not that she's afraid of being sued but ayaw lang talaga niya.

Malayo-layo narin ang nalakad niya at kung saan-saan na din siyang eskinita nagsusuot-suot ng may narinig siyang sigaw. 

"Don't touch me. Asshole" malamig at nakakatakot na sigaw ng isang lalaki. Napatigil siya sa paglalakad at hinanap kung saan nanggaling ang boses na yun.

Nasa isang tagong lugar sila, madilim ang eskinita kahit maaga pa, dahil narin siguro sa matataas na gusali na nakapalibot dito.

Sumilip siya sa eskinita, nakita niya ang isang matangkad na lalaki, nakatalikod ito sa kanya at nakaharap sa kausap na kung tatansyahin ay nasa singkwentang lalaki. 

 "Sumama ka na lang kasi bata para walang gulo" aniya ng lalaking kaharap nito. "Tss. Why would I?" tanong ng binata sa kanya.

Napangisi naman si Queen ng makilala ang lalaki. Hindi dahil sa katawan o tindig nito kundi dahil sa boses ng lalaki. Isa lang ang kilala niyang ganun magsalita, walang iba kundi si King.

Sumilip siya lalo at pinakinggan ang usapan ng dalawang panig, panig ni King at panig ng singkwentang lalaking mukhang kalaban nito. 

"Hahaha." tawa ng mga kaharap ni King.

Muling nagsalita ang leader nila, "Di ka natatakot? Mag-isa ka lang at madami kami. Sumama ka na lang kasi bata" aniya nito.  

 Napakunot naman ang noo ni Queen sa narinig, 'they don't know how to play fair. 1 vs. 50? Pathetic' isip-isip niya. 

"I ain't afraid of you or of your gang. You're a bunch of losers" sagot naman ni King.

Mukhang nainsulto ang kausap nit. 

"Kunin niyo siya" nangangalaiting utos nito sa mga kasama niya. Agad namang kumilos ang mga ito.

Sumugod ang dalawang lalaki sa kanya, naiiwasan niya ang bawat atake ng mga ito. Sinuntok niya ang unang lalaki at sinipa ang pangalawa sa mukha. Tumba ang dalawa. Nagpagpag ng kamay si King na parang nandidiri sa paghawak sa nakalaban niya. 

"Next" aniya ni King. 

"Ano pang ginagawa niyo! Hulihin niyo yan" galit na sigaw ng leader nila. Sabay-sabay na sumugod ang mga lalaki. 

'Tanga! Di mo yan kaya.' isip-isip ni Queen habang umiiling. 

 Sinuntok niya ang unang lalaking nakalapit sa kanya, ganun din sa pangalawa. Napalakas ng suntok na pinapakawalan niya, kaya't mabilis niyang napatumba ang dalawang lalaki. '

Weak.' isip isip niya.

Sumunod ang tatlong lalaki, umatake ang isa sa kanan niya at ang isa sa kaliwa, ang isa naman ay sa harapan. Sinuntok niya ang nasa gilid niya gamit ang magkabilaang kamao at sinipa ang nasa harapan.

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon