Chapter 3

5.1K 180 22
                                    


"Kathryn, anak, nandito na yung mama at papa mo..." Pumasok si Mama Karla sa kwarto habang si mama at papa naman ay nasa likod niya. Hindi ko sila nilingon. Nanatili akong nakahiga sa kama.

"Kath, uwi na tayo?" Lumitaw si mama sa harapan ko at binigyan niya ako ng ngiti. Umiling ako.

"Anak, kailangan na natin umuwi. Nakakahiya naman kina Karla..." Ani papa. Umiling ako muli.

"Kathryn." Pagtawag sa akin ni mama pero hindi ko pa din siya tinitignan. Napapikit lang ako.

I wanna stay here.

I dont wanna leave.

I want to feel him with me.

"Anak?"

Gusto ko sabihin sa kanyang na hindi ako aalis. Gusto kong sabihin na dito lang ako. Pero hindi ko mahanap ang boses ko...

"Kath, anak, gusto mo bang dito ka na muna?" Tanong ni Mama Karla at napadilat naman ako agad. Tinignan ko siya at tumango. Sinuklian niya ako ng isang ngiti at bumaling kina mama. "Min, Teddy, okay lang naman kung dito muna si Kath. Walang problema, anak ko na din yan..."

Hindi ko na nasundan ang sinasabi ni Mama Karla. Pumikit na lang ako muli at humarap sa kabiling gilid. Maya maya ay narinig ko na lang ang mga yapak nila papalayo at ang pagbukas at sarado ng pinto.

Nilingon ang pinto at wala na sila doon. Huminga ako ng malalim at dahan dahang umupo. Nilibot ko ang aking mga mata sa kwarto at di ko maiwasang mapaluha ulit.

Mag-isa na lang ako.

They left me... he left me.

Tumayo ako mula sa kama at naglakad papalapit sa lamesa kung saan nakapatong ang litrato namin ni Daniel. Dinampot ko ito at tinitigan.

Sabi mo papakasalan mo ako. Sabi mo magkakaroon tayo ng tatlong anak. Sabi mo magkasama tayong tatanda. Pero ngayon, asan ka na? Iniwan mo ako.

Yinakap ko ang larawan at ang mga luha ko ay naging hikbi. Bumigay ang mga tuhod ko at napaupo ako sa sahig.

Here I am, crying on your bedroom floor, wearing your shirt, hugging your picture, and you are nowhere to be found.

"Ate Kath?" Narinig kong katok ni Magui. Hindi ako sumagot. Di nagtagal ay binuksan niya ang pintuan at pumasok. Tumingin siya sa kama at nataranta ng hindi akong nadatnan doon. Narinig niya siguro ang aking mga hikbi kaya bigla siyang napalingon sa gawi ko.

"Oh my god, Ate Kath!" Sigaw niya at tumakbo patungo sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko at tinignan kung ano ang aking yakap. Nang makita niyang iyon ay ang litrato namin ni Daniel ay kinuha niya ito at pinatong sa kanyang tabi. Gamit ang kanyang mga kamay, pinunasan niya ang mga luha ko.

"Oh ate..." Yinakap niya ako at umiyak na din siya. Binalot ko ang mga kamay ko sa kanya. "I miss him, ate. I miss him so much." Bulong sa akin ni Magui habang patuloy siya sa pagluha. Humigpit ang yakap ko sa kanya.

Oh, Magui, I miss him too. So so much.

"Ate?" Narinig ko ang boses ni Lelay kaya napalingon ako sa pinto. Nakita kong nakasilip siya doon at may mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.

Binigyan ko siya ng isang matipid na ngiti at nilahad ang isang braso ko. Nagmamadali siyang naglakad patungo sa amin ni Magui. Agad din siyang bumaksak sa aking yakap. Gaya namin ni Magui, sumabog din siya sa mga luha.

Sabi mo, masaktan na ang lahat, wag lang ang mga babaeng pinakamamahal mo. Pero nakikita mo ba kami?

Heto kami, sira at luhaan dahil sa'yo... dahil iniwan mo kami.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon