Ang Huling Sayaw

127 4 1
                                    

"Gaano man kalayo ang pagitan nating dalawa. Mas malapit ako ngayon sa'yo kaysa kahapon, dahil hangga't nandito ka sa puso ko, hindi tayo kailanman maghihiwalay.", bulong ko.

Nakaupo ako malapit sa may tsiminea. Hawak ko ang isang music box...

♫ "Where do I begin 

To tell the story of how great a love can be 

The sweet love story that is older than the sea 

The simple truth about the love she brings to me 

Where do I start

With her first hello 

She gave new meaning to this empty world of mine 

There'll never be another love, another time 

She came into my life and made the living fine 

She fills my heart" 

Ako si Anton. Antonio Peralta. Pinagdiriwang ko ang kaarawan ko kahapon. Otsenta'y dos na ako.

Walumpu't dalawang taong puno ng buhay, walumpu't dalawang taong puno ng kasiyahan, walumpu't dalawang taong puno ng pag-ibig.

Napapikit ako ng marahan.

Naririnig ako ang isang munting tinig. Isang munting hagikhik.

Tinig iyon ni Rosa.

Ang babaeng una kong minahal.

Bata pa lamang kami nung makilala ko si Rosa.

Nang galing sya sa marangyang pamilya. Ang mga Ibanez.

Nag-iisang anak si Rosa nina Don Julian at Donya Carmella.

Kalaro ko si Rosa sa tuwing may mga pagdiriwang kaming dinadaluhan.

Napakaganda ni Rosa. Bata pa lamang kami malaki na ang paghanga ko sakanya.

Kutis porselana at mapupulang labi. Buhok na kasing bango ng mga rosas.

Ilan lamang yan sa pisikal na katangian ni Rosa.

Naalala ko noong walong taong gulang pa lamang kami,

"Rosa, pag laki ko, ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan", sabi ko sakanya sabay abot ng isang rosas.

"Ano ka ba Anton, ang babata pa natin eh. Lika sayaw tayo.", yaya nya sa akin.

Sampung taon kaming nagkawalay ni Rosa. Pinadala ako ng aking Papa sa Amerika para doon ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Kumuha ako ng kursong abogasya dahil 'yun ang nais para sakin ng Papa at Mama. Pero kung tutuusin, nais kong maging doktor.

Sampung taon. Sampung taong malayo kay Rosa. Sampung taong malayo sa aking minamahal. Nanatili ang aming pag-uusap. Nagpapadala ako ng sulat sakanya, at sya din naman sa akin.

"Hintayin mo ako, Rosa.", yan ang lagi kong sinasabi sakanya sa aking sulat.

Nang mamatay ang Papa, umuwi kami muli ng Pilipinas. Doon ko muling nasilayan ang kagandahan ni Rosa. Si Rosa na nagbigay ng lakas sakin noong mga panahon iyon. Si Rosa.

Makaraan ang isang taon, bumalik kami muli ni Mama sa Amerika. Nangako ako kay Rosa na babalik ako. Makaraan ang tatlong taon, isa na akong ganap na abogado. Hanggang sa isang araw nakatanggap ako ng sulat galing kay Rosa...

Namatay sa aksidente ang mga magulang nya. Nawalan ng preno ang sinasakyan nila, at sya lamang ang nakaligtas. Agad akong umuwi ng bansa.

Hindi ako umalis sa tabi nya at asa akin naman sya humugot ng tibay ng loob, hindi na ako muli pang bumalik sa Amerika. Pinili kong makasama siya. Hindi ko na hahayaang magkahiwalay kaming muli. Hindi na.

Ang Huling SayawOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz