Tiningnan ko si Bee. Ngumiti sya. "Oo nga naman. They've been nice naman ba?"

"Yeah, actually." Sabi ko. Um-oo ako.

Huli na nang ma realize ko na it means ay makikita ko si Argos. Naka sakay na si Ram sa sasakyan nang ma realize ko iyon kaya bahala na.

Wala masyadong tao, nasa bukid daw ang karamihan sa mga nandoon at ilang mga dalaga na nakaharap ko kagabi ang naabutan ko na nagkukwentuhan malapit sa bamboo gate. Agad kaming sinalubong ni Melanie.

"Magandang hapon Sir Ram, Ate Via!" Sabi ni Melanie.

Sumunod ang iba.

"Iwan ko muna sayo saglit si Via, kakausapin ko lang sila Tatang. Babalik na lang ako." Sabi ni Ram.

"Sige po Sir. Kami po bahala!" Sabi ng iba.

Ram went the other way and left me with them.

"Anong nangyari kagabi? May pinuntahan pa ba kayo ni Argos?" Agad na tanong ni Melanie.

Napakurap ako. "Ha?"

"Nag date pa yata kayo eh! Uyyyy!" Sabi pa ulit ni Melanie at sumunod ang iba sa pang aasar.

Tumawa ako. "Hindi 'no! Hinatid nya lang ako tapos bumalik rin sya agad. Date kayo dyan!" Syempre ay hindi ko na sinabi ang kaharutan ko.

Nagkatinginan sila. Tapos may nagsalita na isa na hindi ko na tanda ang pangalan. "Hindi na kasi bumalik si Kuya Argos kagabi, kaya akala namin may pinuntahan pa kayo."

Na confuse ako. "Ay, hindi ko sya kasama. Baka may ibang nilikuan." Tapos tumawa ako.

Tumawa rin sila.

"Baka naman si Joanna? Hindi sya sumama kagabi." Sabi nung isa.

Nawala ang ngiti ko nang marinig yung pangalan ng babae.

"Sino yung Joanna?" Kunwari ay ngumiti ako ulit.

Sabay sabay silang tumingin sa akin. 

"Kababata ni Kuya Argos." Sagot nung isa.

"Dun sya nakatira sa papunta sa Kubli, baka doon pumunta si Kuya." Sabi naman ng isa pa.

Nakatanga lang ako sa apat na dalaga sa harap ko, trying not to let them see any emotions. Hindi ako comfortable pag usapan ang 'possible' sex life ni Argos at ng Joanna na yun, pero gusto ko na may malaman pa.

"Ah, baka nga sila ang magkasama kagabi." Sabi ko na lang.

"Kayo ha! Wag nyo ngang tsinitsismis si Kuya! Umuwi sya kagabi bandang alas dos." Mula sa likod ko ay nagsalita si Amihan na halatang kakadating lang galing eskwelahan. 

Tumawa lang yung mga kaharap ko.

"Sabi nya kasi babalik sya." Kibit balikat na sabi ni Melanie.

Inaya nila ako na makipag kwentuhan sa kanila. Magigiliw sila at makwento. Pakiramdam ko ay belong ako sa kanila. Karamihan pala sa kanila ay naka graduate naman ng High School. Pinag aaral sila ni Ram, pero choice nila kung gusto nila mag college. And most of them, just chose to work after High School.

Malakas ang tawanan namin nang makita ko na papalapit na si Ram.. kasama si Argos. May pinag uusapan sila habang naglalakad palapit at mukhang seryoso.

"Ay, aalis ka na? Kailan ka babalik Ate Via?" Tanong ni Rose.

"Hindi ko pa alam, eh. Papasalubungan ko na lang kayo kapag bumalik ako. Sobrang nag enjoy ako kagabi at ngayon." Tumayo ako at nagpaalam na sa kanila.

Dahan dahan akong naglakad palabas para sana mauna akong maka sakay sa sasakyan when Ram called me. I froze. Do I really have to go? Wala akong mukhang maihaharap kay Argos. Hindi sya lasing kagabi kaya alam ko, alam na alam ko, na tanda nya 'yon. Nakakahiya!

...Where stories live. Discover now