Chapter 4 - Smack.

33.6K 1K 53
                                    


"Bakit lukot mukha nyan ni Via?" Bumulong si Ram kay Bee pero narinig ko naman.

Tumawa si Bee. "Binasted kasi ni Argos."

"What?" Bulalas ni Ram. 

"Shut up, Bee!" Agad na sagot ko at nilingon silang mag asawa. "Wag ka maniwala dyan sa asawa mo." Inirapan ko si Bee at tinawanan nya lang ako.

"Seriously, what's your deal with Argos?" Linapitan na ako ni Ram. He was holding a metal thing na pinupunasan nya ng basahan. Naka sando lang si Ram at pawis pero ang linis pa rin tingnan.

Napanguso ako. "I asked him to be a model in our upcoming summer special."

"Oh. He said no?"

Tumango lang ako.

"What did he say?"

"Hindi na daw nya kailangan ng sideline. Nakakapag aral naman na daw dalawa nyang kapatid. Tapos ano na lang daw ang sasabihin mo?"

Ram chuckled. "Well, he's one of my best man here in hacienda, pero kung papayag man sya, it's fine with me."

"Really?" Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob.

Tumango si Ram. "But why him? Can't you look for another model for the summer special?"

"Ay nako, may specific na gusto si Mrs. Chua, ang boss naming lahat." Sabat ni Bee. She was busy arranging the flower pots na ilalagay sa bawat table para sa party mamayang hapon. "He was even asking for you first."

Bigla ay nahiya ako dahil sa sinabi ni Bee.

"Woah. Anong meron at gusto nyo maging model ang mga simpleng lalaki na naninirahan sa malayong probinsya?" Naiiling na biro ni Ram. Lumapit sya ulit sa asawa nya and helped her by arranging the trash.

"Seriously, guys! He's the perfect for the theme, okay? I sent Mrs. Chua one of his picture and she said yes. Imagine, isang picture lang 'yon, ha?" Imbes ay sabi ko. Pagtutulungan pa nila akong mag asawa sa pang aasar.

"You take pictures of Argos? Wow. Magkaibigan nga kayo. Beatriz used to do that to me." Ngumisi si Ram habang nakatingin sa asawa.

"And I am still doing it! Besides, nag a appreciate lang kami ng mga bagay bagay na dapat i appreciate." Malanding tumawa si Bee.

"Ugh! Seriously, get a room, you two!"

Tinawanan lang nila ako.

Thirty minutes before magsimula ang children's party ay naligo na ako. Sa malawak na lawn ginanap ang children's party. Two hours later ay ihinanda naman ang table para sa mga kaibigan nila Ram at Bee. Busy ang lahat sa kusina pero nasa veranda lang ako at nagmamasid.

"Bakit hindi ka makisali sa kanila?"

Napapitlag ako nang makarinig ako nang boses. Lumingon ako and a dashing Argos was grinning at me. Naka puting polo sya na may itim na details, naka pants pero hindi kupas. Naka pamulsa sya and pakiramdam ko ay kumikislap sya sa paningin ko. His lng wavy hair is n a bun again and it made him lk mre sexy.

I cleared my throat dahil pakiramdam ko ay nagka bara. "M-mamaya na. Andito ka pala."

"Naiimbitahan kami kapag may okasyon dito. Tsaka nasa kusina si Amihan at tumutulong." Turo nya sa likod.

"Ah, o-oo. Nakita ko nga sya kasama ng iba. So.. saan ka pupunta?"

Hindi pa sya nakakasagot nang may sumulpot na babae galing sa likod nya at agad na humawak sa mga braso nya.

"Bakit napaka tagal mo? Sabi ni Amihan kaninang ala una ka pa darating." Malambing ang pagkaka tanong ng babae.

She was wearing an apron. Oh, I saw her in the kitchen a while ago. Nakatingala sya kay Argos.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon