Chapter 34 : Revenge of the Wolf part 2

Start from the beginning
                                    

“Omegas! Wala ka ng matatakbuhan. Bitawan mo na si Alice.” Sabi ni Clyde.

Ou! Wala ka ng matatakbuhan dahil dalawa na silang kakalabanin mo.

Teka? Wala ng matatakbuhan?

Tumingin ako sa paligid. Waaaaahhh!!! Hindi ko akalain nakarating kami dito!!! Hindi ko namalayan na nandito kami sa dulo ng bundok.

Sa likod namin ay may isang bangin, hindi ko alam kung gaano kalalim dahil may usok na tumatakip dito. Basta ang alam ko sa isang hakbang lang namin tigok na kami.

Malaki ang nabubuong tension sa amin. Ilang segundo din nagkakaroon ng katahimikan. Halata kay Prince Azera na kinakabahan sa mangyayari habang si Clyde nakatingin lang sa amin na para bang naghihintay ng galaw mula sa amin.

Hanggang sa nararamdaman kong umaatras kami.

Huwag niyang sabihin na isasama niya ako sa pagtalon niya sa bangin.

Natural Alice!!! bihag ka nga niya diba!!!

“Stop! Don’t! O-Omegas…” Pigil ni Prince Azera sa kanya.

I heard him chuckled mula sa aking likuran hanggang sa nararamdaman kong balak niya talagang tumalon sa bangin.

“Aaaaaaaahhh!!!” Ayokong mamatay!! Kasama ang goons na toh!!!

Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Clyde sa kamay ko. Hahawakan na sana niya ako ng mahigpit pero may kung anong bagay na sumalo sa amin at hindi na namin nagawang magkahawak ng kamay ng mahigpit sa isa’t isa.

“ALICE!!!” sigaw niya sa akin habang nakatingala.

Nakita ko nagpalabas ng isang liwanag si Prince Azera, tumama ito sa Dark Raven pero wala itong epekto sa malaking ibon.

Palayo ng palayo ang lipad namin at dahil sa makapal na ulap unting-unti ko ng hindi nakita sina Clyde at Prince Azera.

=========

CLYDE P.O.V.

“ALICE!!! ALICE!!!”  Isang Dark Raven ang sumalo sa kanila.  

Nakita ko nagiba ang sandata na hawak ni Prince Azera naging pana ito na nagliliwanag, balak niyang tirahin ang Dark Raven pero bago ko pa siya napigilan nakapagpakawala na siya ng isang tira. “Wala ka bang utak!!! Mapapahamak si Alice sa ginagawa mo!!! ”

“Ano ka ba!!! ikaw ang walang utak!! Sa tingin mo may gagawin ako na ikapapahamak ni Alice!”

SQUAK!

Natigilan kami ng nakarinig kami ng isang pagaspas at ingay ng isang Dark Raven kaya sa paglipad nito mula sa kagubatan hindi na nagdalawang isip si Prince Azera na tirahin ito.

ALICE { o n  g o i n g ...}Where stories live. Discover now