LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 19-

Start from the beginning
                                    

“Sure!” sagot ni Mark.

“Count me in, dude.” Ani Shane.

“Me as well.” Excited namang sagot ni Kian. Gusto sanang tumanggi ni Brian sa mga kaibigan pero naisip niyang matagal na ring hindi sila nakapag-bonding kaya sumang-ayon na rin siya. Nagsisakayan na silang lima sa kani-kanilang mga kotse patungo sa kani-kanilang mga bahay. Excited na ang binatang makarating sa kanila dahil bukod sa makakapagpahinga pa siya ng tatlong oras, maririnig na naman niya ang boses ng kasintahan. Ngunit sadyang napakakulit ng kanyang puso na kahit nasa kalsada pa siya ay hinihimok na siya nitong tawagan ang dalaga kaya inihinto ng binata ang sasakyan sa gilid ng kalsada at mabilis na dinukot ang celphone mula sa kanyang bulsa. Mabilis niyang idinayal ang numero nito. Naubos nalang ang ring niyon ngunit wala pa ring sumsagot mula sa kabilang linya. Limang beses niya itong tinawagan ngunit wala pa rin siyang natanggap na sagot kaya laglag ang kanyang balikat na pinaandar ulit ang kotse at nag-drive ng pauwi. Dumiretso na ang binata sa kanyang kwarto pagdating niya sa bahay. Hindi man lang siya nag-abalang magbihis at inihiga niya ang pagal na katawan sa kamang naroon. Mabilis na nakatulog ang binata ng dahil sa pagod.

---------------------------------------------- 

Alas kwatro ng madaling-araw. Sinumpong ng call of nature si Katharina kaya nagising siya. Dali-dali siyang nagtungo sa banyo na nasa tabi ng kwarto ni Jannah. Nakita niyang bukas pa ang ilaw kaya sa tantiya niya’y gising pa na ito ngunit hindi na siya nag-abala pang katukin ang pintuan ng kwarto nito. Nang makabalik siya sa kanyang kwarto ay hinagilap niya ang kanyang celphone. Nang magbukas ang ilaw niyon ay muntik na siyang mapalundag ng makita niyang may pitong missed calls ang naroon at pangalan lahat ni Brian ang naka-rehistro.

“Napaka-makalimutin mo talaga Katharina! Di ba sinabi ni Brian na tatawag siya sa’yo? Bakit mo nakalimutan ‘yun?” Naghihimutok na sabi ng dalaga sa sarili. Nag-uumapaw na sa inis ang kanyang pakiramda kaya kahit nais pa sana niyang matulog ay hindi na niya iyon nagawa kahit pilit pa niyang ipinikit ang mga mata. Inis na bumangon ang dalaga mula sa kama at nagpasyang puntahan ang kwarto ng pinsan.

“Bukas ‘yan!” narinig niyang sigaw mula sa loob. Pinihit ng dalaga ang seradura at binuksan ang dahon ng pinto. Nakita niyang nakaharap sa computer nito ang kanyang pinsan. Nang tiningnan niya ang monitor nito ay nakita niyang nagsusulat ito ng mga artikulo.

“Ano ‘yan? Online job?” takang tanong niya sa pinsan.

“Oo, kahapon ko pa nga lang nasimulan. Kinontak kasi ako ng employer ko. Kaya ginawa ko nalang.” Sagot nito. “Bakit ang aga mo yata ngayon Cuz? Di ba alas sais pa ng umaga ang oras ng pagbe-bake mo?”

“Eh, ano kasi Cuz. Hihiramin ko sana ‘yung laptop mo. Magpapadala ako ng e-mail kay Brian. Tumawag kasi siya kanina pero hindi ko nasagot. Hay naku! Kainis!” Hindi pa rin makatkat ang ngitngit ng kanyang kalooban habang sinasabi ‘yon sa kanyang pinsan.

“Ha? Bakit naman?” kunot-noong tanong nito sa kanya.

“Eh, kasi. Kasi naman napahimbing ang tulog ko.”

“Kasalanan mo naman pala Cuz eh. Para ka kasing mantika kung matulog. Kahit siguro pasabugan ka ng sangkatutak na bomba, naghihilik pa rin ‘yang puwet mo.” Litanya nito sa kanya.

“Sorry na nga! Hindi na mauulit.”

“O siya, siya. Kunin mo nalang diyan sa aparador saka ibalik mo kung sawa ka na. Hindi ko na rin naman kasi ginagamit ‘yan kasi mas type ko ‘tong PC.”

“Talaga Cuz?! Ay naku! Salamat! I love you na talaga!” Natitilihang pahayag ng dalaga sabay yakap sa nakaupong si Jannah.

“Ay hindi Cuz, Nagbibiro lang ako.”

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Where stories live. Discover now