Azel's
Hayss hirap pala maging third year student nakakabobo... Nakakaasar magpapa-project sila sabay-sabay pa ano sila excited? kala ata samin may super powers na tapos agad agad.
"Hoy AZEL VIENLY ALIDO!"
"Ay ano ba BJ! kitang nag-iisip ako dito eh!" sigaw ko din kay Benjamin Jayde Lumag na isa sa mga kaibigan ko.
" Nag-iisip, sabihin mo nakatunganga ka nanaman dyan! Naku ka-stress kang babae ka! Hoy tulungan mo nalang kami dito sa project natin ng matapos na, di yung nakatunganga ka dyan!" Sermon niya sa kin. pshh daming sinabi pwede niya namang sabihin ng mahinahon.
" opo father." sagot ko nalang at pumunta na dun.
" wag mo nga kong tawaging father sa ganda kong to di ako bagay na maging pari noh" sabi pa nya.
" oo nalang hahahah" asar ko sa kanya.
Nga pala ako nga pala si Azel Vienly Alido 3rd year highschool or lets say na grade 9 dahil sa letcheng k to 12 na yan. Go to hell kung sino man nagpa-uso niyan haha joke lang. I'm 14 years old turning 15 this december at naniniwala ako sa kasabihang maganda ka sana kung di ka lang panget bow hahaha....
So as i was saying nagrereklamo ako sa project namin na scrapbook na noli me tangere kabanta 1-64 pa naman yon tapos apat lang kaming magkakagroup *pout* at yung lalaking este babaeng sumigaw sakin kanina ay walang iba kundi si Benjamin Jayde Lumag aka BJ kaisa-isang baklang kaibigan ko. sayang nga ehh ang gwapo pa naman niya pero bakla siya pero ayaw niya na sinasabihan siyang bakla ewan ko lang kung bakit, sayang talaga siya, wag kayong maingay ahh pero sa totoo lang gusto ko siya sayang nga lang at bakla siya wala pang nakaka-alam nito bukod kay Justin Viel Tria aka triapots na nagiisang boy bestfriend ko.
Pero okay lang kahit bakla siya gusto ko parin siya kasi tanggap ko na hindi kami talo kahit minsan ay umaasa akong may nararamdaman ako sa kanya dahil ang sweet niya kasi sakin hayy...
Sana dumating yung panahon na magustohan niya ko kahit na malabo...
Sana...
--------
END
