Chapter 3 - Litrato.

Începe de la început
                                    

"Argos! Ang tagal mo naman! Hinihintay ka namin." May lalaking galing sa likod ko ang nagsalita. Nawala ang ngiti nya nang makita ako.

Marahan akong hinila ni Argos papunta sa likod nya at sya ang humarap sa lalaki. "Pasensya na, inutusan ako ni Ma'am Bea. Naglabas na ba ng pusta?"

Sumilip ako at kita ko na nakatingin pa rin sa akin yung lalaki. Pero humarap rin sya agad kay Argos para sagutin sya. "O-oo. Kanina pa. Hinahanap ka nila Tatang. Puntahan mo sila dun." Tapos ay tumingin sya ulit sa akin.

"Sige." Sabi lang ni Argos at nilingon ako. "Via, upo ka na lang muna dito." Marahan nya akong hinila para maupo sa bakanteng concrete bench na nakapalibot a court.

"S-sige."

"Babalik lang ako agad." He smiled at me softly bago nya hinarap yung lalaki at inakbayan paalis kahit na sumusulyap pa rin sa akin.

Luminga linga ako. Ang lakas naman ng loob kong sumama dito. We aren't even close!

But I need to ask Argos about my offer! I sent his picture to my boss a while ago, the one I took while he was standing by the car bago kami pumunta sa Kubli and I am just waiting for the response. Once na makakuha ako ng go signal, come what may, kailangan kong bumalik sa Manila na kasama si Argos.

Pinagtitinginan ako ng mga bata at matanda na nandoon. Lahat sila ay nagtataka kung sino ako, malamang, although may ilan nang nakakita na kasama ko si Argos. Nakita ko si Argos na pumunta sa kumpol ng kalalakihan sa kabilang dulo ng court kasama yung lalaki kanina. Medyo maingay yung crowd nila.

"Hi."

Nagulat ako nang may tumabi sa akin na lalaki. Maliwanag doon dahil sa madaming ilaw kaya kita ko na halos ka edad ko lang yung lalaki. He was wearing a yellow jersey uniform with number twelve. Kahit nakaupo ay masasabi ko na may kaliitan ang lalaki.

"H-hello." Pinilit ko ngumiti.

"Kayo po ba yung bisita ni Sir Ram?" Magalang na tanong nya.

"Ah, o-oo."

"Mabuti naman po at napadaan kayo dito." He was all smiles at me.

"Ah, k-kasama ko si Argos." Lilingunin ko na sana kung nasaan sya nang makita ko sya na palapit na sa amin. Malalaki ang mga hakbang nya at tumayo sya sa harap namin nung lalaki.

"Quentin, magsisimula na daw tayo. Pumunta ka na doon." Seryoso at parang walang gana na sabi nya sa lalaki.

Tiumawa ang lalaki sa tabi ko. "Sabi ko nga. Sige, nice meeting you." Tumango sya sa akin, tumayo at pumunta na sa crowd na pinanggalingan ni Argos.

Umupo sa tabi ko si Argos. "Pasensya ka na, iniwan kita saglit. Kailangan ko magbigay ng ambag." Nahihiyang sabi nya.

"O-okay lang."

May lalaking pumunta sa harap at pumito, magsisimula na ang game.

"Galingan mo ha?" Natatawa na sabi ko nang tumayo na sya dahil tinawag na sya.

Ngumisi sya. "Matagal na akong magaling pero gagalingan ko pa kasi nanunuod ka." Nag thumbs up pa sya bago tumakbo na lumapit sa gitna.

Ramdam ko ang init sa mga pisngi ko dahil sa sinabi nya. Yung mga nerves ko kanina na nabuhay nang hawakan nya ako ay nagwawala na.

Natapos ang laban na nanalo sila. Basang basa si Argos ng pawis at nahihiya pa syang lumapit sa akin.

"Okay lang naman, ano ka ba? Mukha ka pa rin mabango."

Nagkamot lang sya ng batok.

"Magbibihis lang muna ako tapos ihahatid na kita. Dito muna tayo sa bahay." Tinuro nya yung bahay na nasa kaliwa namin. Bukas ang pinto at malakas ang tunog ng TV. Pinauna nya ako pumasok. The space for the living room was small but clean and neat. Bamboo sofa ang upuan. May naabutan kaming babae na may hawak na cellphone at nakaupo sa single seater na malapit sa pintuan.

...Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum