xvi. s e l f i s h n e s s

6.5K 173 15
                                    

Luke stood outside his house.  Magulo ang kaniyang isip.  Simula nang nakita niya ang babaeng iyon sa bahay ni Nyx,  mas nanaig sa kaniya ang katotohanan na baka nagkamali nga siya ng desisyon.

Nakatingala pa si Luke sa langit. No one knew that he lost his memories for some reason.  Bukod pa riyan,  pati ang kaniyang hiyas nang pagkakilanlan bilang diyos ay nawala na rin. Isa iyon sa isang dahilan kung bakit naging outcast siya sa Olympus. Hindi basta-basta mawawala ang hiyas na iyon,  maliban na lang kung kusa itong ibinigay.

Palaisipan pa rin hanggang sa ngayon kung sino ang nakakuha ng hiyas.

Umikot si Luke at naglakad papunta sa kanilang hardin.  Iba't ibang klaseng mga bulaklak ang naroon. All these flowers were planted by his own wife as her hobby.

"You're home," pangiting bati ni Tamara. She was sitting on the ground, along with her flowers. "Nagugutom ka na ba, mahal ko?"

Umiling-iling si Luke.

Tamara was like her stunning flower which her beauty faded because of his mess. Hindi naman tumanda ang kaniyang asawa dahil na-preserve ng dimensiyon na ito ang oras at panahon.

Simula nang nagsama sila ay hindi na muling nakakita pa si Tamara ng ibang tao bukod sa kanya. Nagmukhang preso si Tamara sa bahay nila at ang lumutang na isla na ito ang siyang naging kulungan ng kaniyang asawa.

Tumayo ito sa kaniyang pagkakaupo at naglakad papalapit sa kaniya. Nakangiti.  Masaya.  But he knew better that all of these were empty.  And this life was a beautiful lie.

"Ikaw,  kumain ka na ba?" he asked. "Habit mo pa naman ang 'di kumain kapag wala ako." He's tired playing games.

Alam na ni Luke na hindi si Tamara ang sinasambit ng mga oracles upang maging susi sa kaniyang mga katanungan. Basta ang naiintindihan lang niya ay may kaugnayan ang babaeng iyon kay Nyx. Kung alam lang niya na hindi ito ang susi kung paano siya makakabalik ng Olympus, hindi na lang sana siya nag-effort sa umpisa pa lang.

But it was too late.

Lumapad ang mga ngiti ni Tamara at hinalikan siya nito sa pisngi. "Kilala mo na talaga ako,  mahal.  Tara na.  Pasok na tayo sa ating tahanan. Nagluto na ako,  pero hinihintay kitang dumating."

Tahanan.  . .

Tahanan nga ba ang masasabi sa isang bahay na wala namang nagmamahalan?

Araw-araw ay nabubuhay siya nang walang kasiguraduhan. Sa bawat umaga na lumilipas ay may dalang pangamba ito sa kanyang puso. Mga pasubali at takot na baka isang araw ay magigising si Tamara at maalala na ang lahat. 

He tricked her,  betrayed her,  and even stole her from her lover. He knew that he didn't love her,  but he needed her.

Kung mawala sa kaniyang buhay si Tamara,  paano na lang siya? Ayaw pa niyang mag-isa.  Kaya kahit gaano kapeke ang mundong ito,  he woudn't let it go so easily. Nasasanay na si Luke na siya ang mundo ng babaeng ito.  Na kahit ganito ang set-up,  na ilusiyon lang ang lahat,  nasasanay na siyang may kasama.

Na hindi siya nag-iisa. 

Sa kalagitnaan ng pagiging outcast sa sarili niyang lahi,  nasa tabi niya si Tamara palagi. And that wasn't so bad to have her.

Kinabig niya ang kaniyang asawa at hinalikan sa labi. Mabilis lang iyon. Hinawi-hawi pa ni Luke ang iilang hibla ng buhok ni Tamara na nasa mukha nito. Their eyes met but there was no spark. There was no love in her eyes. Pero,  tanggap na ito ni Luke.  If one day this dream would turned into a nightmare,  at least for once,  he still had a good dream.

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon