Chapter 2 - Sexy Back.

Depuis le début
                                    

I can hear the birds and it felt nice seeing trees and plants the moment na buksan ko ang kurtina ng kwarto ko. We have the whole day to go places since bukas pa yung birthday ni Briel. This isn't my first time here dahil dumalo ako ng kasal nila almost three years ago. Sadly, sa binyag ni Briel at sa first brirthday ay sila Beks at Will naman ang naka attend. This time, solo ko naman dahil hindi pa sila ulit pwedeng mag leave.

Kakalabas ko pa lang ng banyo matapos ko maghilamos nang katukin na ako ng katulong para sa agahan. I prepped my face and hair then went down. Napangiti ako nang makita na pinapakain ni Bee si Briel while in a high chair.

"Briel Spencer! Say ah! Bilis! Nandito na ang airplane! Yehey!" Parang bata na sabi ni Bee. She was using the old airplane spoon technique at malugod naman iyon na kinain ng bata.

I sat on the chair in front of them at tiningnan ko lang sila.

"Hey, you're awake. How's your sleep?" Magiliw na bati ni Bee.

"Never been better! Ang sarap dito!"

"Well, pwede ka naman mag extend."

"I can do that kung makahanap na ako ng model sana."

"Sabi mo si Argos?"

"I haven't even told him yet! Besides, hindi ko alam kung papayag sya so I am really still not sure." Kibit balikat na sabi ko.

Ayaw na kumain ni Briel kaya kinarga na iyon ng yaya nito at hinainan na kami ng mga katulong ng pagkain sa hapag.

"Use your charm." Panunudyo pa ni Bee.

Inirapan ko lang sya.

"Sa Kubli ka na lang pala maligo. After natin kumain, pupunta na tayo doon."

"Ganito kaaga?"

"Why not? Isa pa, magpa araw ka naman. Ang putla mo!"

Napanguso ako. "Sino hindi mamumutla, eh kulob na nga sa office, may nagtayo pa ng apartment sa tapat ng bahay kaya hindi na kami halos mainitan."

"Exactly! In an hour pala, pupunta na yon si Argos."

Sumikdo ang dibdib ko upon hearing his name. Napa straight ako ng upo dahil sa pagka gulat. Why would I feel that way just hearing his name?

"I can lend you a bikini. I have a lot." Sabi ni Bee nang tapos na kami kumain.

"What? No. Shorts and sando will do." Agad na tanggi ko. Bigla ako nahiya knowing na makikita ako ni Argos and I don't want him to think na baka nagpapapansin ako sa kanya.

Eh bakit nya naman iisipin yon? Ugh!

Nagpalit ako into shorts and sando. Nagkasalubong kami ni Bee. Maliligo din daw sya and nasa sasakyan na si Briel kasama ang yaya nya. Nagpa dala din daw sya ng ilang snacks at drinks. Sabay kaming lumabas at sinalubong kami ni Argos na naka tulala sa kawalan habang naka sandal sa sasakyan at nilalaro ang susi.

He was wearing a white shirt and his signature maong na kupas na bagay na bagay sa kanya. I got my phone and took a snap of him thrice. Natatawa na siniko ako ni Bee pero patay malisya lang ako nang makita nya na kami na pababa.

"Sa harap ka na, dito na ako sa likod kasama si Briel." Hindi pa ako nakakapagsalita nang itulak ako ni Bee palapit kay Argos na hawak ang pintuan.

"Okay! Kailangan manulak?" Kunwari ay inis na sabi ko.

Tinawanan lang ako ni Bee at mabilis na sumakay.

Nginitian ako ni Argos bago nya isara ang pinto at umikot para sumakay sa driver's seat. We're riding a gray SUV. Yung Pajero siguro ang gamit ni Ram. Hindi ko na sya nakita kanina so malamang na umalis na sya.

...Où les histoires vivent. Découvrez maintenant