“Hahaha! Bata pa ako kumakanta na talaga ako, I also play guitar and piano. Pero I don’t really sing like sa band.” Hindi naman sa pagmamayabang pero I really love music.

“Okay magstart na kayong magpractice, kailangan maging bongga ang department natin.” After noon nagkanya kanya na mga grupo. Lima ang kakantahin naming at ako ang tumatayong vocalist dahil graduate na daw yung vocalist nila last year. Pressured din talaga ako dahil consistent pala sa pagkapanalo ang department namin.

“Faye start na tayo.” Sabi ni Vince, ito ang drummer ng banda nila nasa third year na ito.

“Wow! Buti nalang yung crush ng campus ang vocalist, nakakagana tuloy tumugtog.” Si Chris ang lead guitarist at halatang chickboy.

“Pare girlfriend ni Fuentabella yan, baka mayari ka dun sa basketball. Pareho pa naman kayong varsity ng captain ball nyo.” Tumatawang sabi ni Vince kay Chris.

“Talaga? So totoo pala ang chismis dito sa campus na sila na ni Fuentabella. Tsk! Lupit talaga ni Fuentabella. Noong una nalito pa ako kung sinong Fuentabella yun pala si Mark!” Kung mag usap yung dalawa akala mo wala ako sa harapan nila. Chismoso din pala ang mga lalaki?

“At ito pa pare, love triangle umeksena din si Drei, type din si Janine.” Hindi ko malaman kong matutuwa o maiinis ako sa mga ito.

“Lupit! Pihikan pa naman si Drei, ikaw lang pala Janine ang bibihag dun.” Dagdag pa nito.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now