Wala man lang ni isa samin ni Eras ang may balak ibaba ang baril. Namumtla naman ang taong tinutukan naming dalawa.


"Teka lang naman mga boss, awat lang. Gwapo lang ako at ang hirap ng sitwasyon ko. Kung inyong mararapatin maari n'yo po bang ibaba ang baril na inyong hawak?" Tensyonado niyang sabi.

"Alex!" At may umextra pa nga! Napalingon naman ako sa biglang tumawag kay Eras mula sa likod nya. "Please Ian, ihatid mo na ako" pagmamakaawa ko kay Ian. Mahinahon niyang binawi sa akin ang baril niya at binalik ito mula sakanya.

"Sorry boss, pero kay Ma'am Hannah ako," sabi ni Ian, at tulayan na n'ya ako pinag buksan ng kotse bago siya sumakay sa driver seat.

"Salamat Ian" sabi ko. Tumango lang s'ya bilang sagot. Napatingin ako sa labas ng kotse na sana ay hindi ko na lang ginawa. Lumapit kasi si Marcel kay Eras at niyakap 'to.

I hate you Alexander Eras!

Hindi naman nagtagal ay nakarating din kami sa bahay.

"Okay kana ba Ma'am Hannah?" Pag-alalang tanong ni Ian. Tumango na lang ako. Wala ako ganang makipag-usap. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang kwarto namin.

Bumungad agad sa'kin ang mukha ni Eras.

"Wife."

Hindi ko s'ya pinansin, agad akong kumuha ng damit ko. Magpapalit muna ako.

Nang matapos ako maglinis sa sarili ay lumabas ako sa kwarto.

Sa guest room muna ako matutulog hanggat galit pa ako sa kanya. Iniwan ko siyang nakakunot ang noo.

Paidlip na sana ako ng bumukas ang kwarto kung saan ako. Hindi ako nagmulat ng mata para lang makita kung sino man ang taong mainggat na naglalakad patunggo sa akin.

Naramdaman ko na lang na may humalik sa noo ko. "Please, trust me wife, I'm sorry.. I love you." Matapos niyang sabihin iyon ay lumabas rin ito

Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay saka palang ako bumangon.

I'll trust you Eras.

---

KINABUKASAN pumasok ako sa klase kahit na wala akong gana. Nakakainip dahil hindi ako sanay na walang Julie'ng sasalabung sa'kin.

"Class dismissed.." agad namang nag sinatayuan ang mga kaklase ko.

Dahil wala ako sa mood ngayon, wala akong maisip na gawin. Kapag ganitong pagkakataon ay sa opisina ng asawa ako pupunta.

Subalit dahil may kalandian ito. Di na baling mainip wag lang makapatay ng tao.

Lumabas na rin ako para umuwi. Nakakabagot talaga ang araw na 'to. Kung dati ay excited pa akong umuwi ngayon ay naiinis akong makita siya.

Kahit naman may tiwala ka sa isang tao. Hindi mo pa rin maiiwasan mag-isip ng mga bagay na ikakasakit ng puso mo.

"Sigh"

"Ang lalim naman nun miss."

"Ay kabayo!!" Gulat kong sabi. Nakahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Haha hindi ako bakla noh, para maging kabayo." Sabi nya. Sino ba kasi ang lapastangan na ito na sumira sa pagmumuni-muni ko?!

Hindi ko na lang s'ya pinansin at iniwan s'ya.

"Wait lang, Miss itatanong ko lang sana kung saan ang building ng Engineering. Sorry ah, bago lang kasi ako." Saad niya at nakakamot pa sa ulo.

May kuto pa ata!

"Pumunta kasa principal office at dun ka magtanong. Humingi kana rin ng Mapa para di ka maligaw.. Sige." Inis na sabi ko.

"Taray!" Nakangiti niyang sambit. Bahala ka sa buhay mo.

Para ka lang asawa ko, bahala siya sa buhay niya.



Jake's POV

"Nakita ko na siya Master." Well, nasa plano na ang lahat. At mukhang sumasang-ayon naman ito.

"Bantayan mo s'yang mabuti." Malamig niyang utos. Napangisi ako.

"Opo Master.." pinatay ko na ang tawag at umalis na sa lugar kung saan ay nakita ko siya.

"Boss!" Sagot ko sa tawag ni bossing Alexander.

["Kill him, after the fvcking stupid game.."]

"Makaka-asa ka---" bastos talaga ng Alexander na iyon. Buti at natatagalan siya ni Hannah.

Binalik ko na lang ang phone ko sa bulsa. Hindi ko muna iisipin si bossing ngayon.

"Ready?" Tanong sakin ni Julie. Halos magulat ako sa suot n'yang full black.

Nag thumbs up naman ako sa kanya. Tumango lang sa akin si Julie at pumasok sa loob ng party.


"Access the monitor Jake, ako na bahala sa kanya."

"Kaya mo ba?" Sinamaan n'ya agad ako ng tingin.

Nagtatanong lang naman, bakit ba ganito mga tao sa mundo.

Ang target namin ngayon ay si Mr. Huwa Lpio. Ang ama ni Marcel Lpio.

Nasa plano na talaga ito, ang kunwaring bakasyon namin ni Julie ay palabas lang.

Gusto ko sana makita kuqng paano magselos si Miss Hannah.

Kung hindi lang dahil sa hawak ni Mr. Lpio ang nanay ni Miss Hannah. Asa kapang magpapayakap si Boss sa babaeng matagal na nyang pinapatay.

Bigla kasi nagkaproblema, nalaman kasi ni Huwa Lpio na buhay ang asawa ni Mr. Ramlez.

Si Huwa Lpio ang leader ng TigerSnake organization. Dahil muli nitong binuhay ang grupo, bumalik rin ang koneksyon nito sa mafia.

Ngunit ang hindi nito alam, mali ang kibalaban niya.

Napamura ako sa minotor ng makita kung paano hawakan ni Huwa Lpio ang girlfriend ko.

"Julie—shit h–hoy! Wag kang magpapahawak sa gurang na yan tangina naman sweet!" Inis na sabi ko.

Loko iyon, kung alam ko lang na ganito pala ang plano n'ya. Edi sana ako na yung dudukot sa pesteng manyak na gurang na yan.

Umalis na sila sa loob at sumakay na sa kotse ni Mr. Lpio. Maya-maya ay sumunod naman ako sakanila.

Nang medyo malayo na kami sa mga tauhan ni Mr. Lpio ay agad ko naman inunahan ang kotse nila at hinarang ito.

"Baba!" sabi ko sa driver n'ya. Kukuhanin pa sana niya ang baril nito pero naunahan ko 'to.

Bigla s'yang binaril ni Julie tapos ay sunod nyang binaril si Mr. Lpio na tulala lang.

Mabilis kaming sumakay ng sasakyan bago pa dumating ang mga tauhan ng matanda.

"Ano na?" Tanong ko, ang tinutukoy ko ay ang impormasyon na kailangan namin kung nasaan ang nanay ni Hannah.

Tinaas naman n'ya ang susi at brief case. At mabilis kaming umalis at iniwan silang wala ng buhay!

A Mafia Boss Wife'sWhere stories live. Discover now