CHAPTER 25

14.7K 316 1
                                    

MASAKIT ang puso ko, nanlalabo mga mata ko, ganito pala ang pakiramdam kapag makita ang taong mahal mo na may kasamang iba.

Sino ba kasi ang babae na iyon? Anong karapatan niya sa asawa ko? Akala ko ba mahal ako ni Eras, kung gano'n nga bakit hinahayaan niya na masaktan ako ng ganito.

"Isa pa!" Sabi ko sa bartender.

"Ayos lang kayo Mam? Mukang lasing na kayo,"

"Ayos lang ako, kaya nga nandito ako sa bar n'yo kasi okay lang ako!" Sambit ko. Nakakainis naman ang isang 'to. Kaya nga nandito ako para magpakalasing kasi ang asawa ko may ibang babae!

"Awat na muna mga babybabe, pogi lang ako pero mahina ang kalaban." Narinig kong sabi ni Ian, kasama ko nga pala ang isa sa mga alagad ni Eras. Siya kasi ang nakatoka ngayon para maging bodyguard ko.

Iinumin ko pa sana ang huling alak ng pigilan na ako ni Ian.

"Times up na miss, Hannah." Sabi nito at inagaw ang baso mula sa kamay ko saka niya tinungga.

Ibig sabihin ba nito ay uuwi na kami? Ngunit ayaw ko pang-umuwi at baka nasa bahay ang asawa ko. Edi makikita ko siya at maaalala ang kataksilan niya.

Wala na akong nagawa ng alalayan ako ni Ian, tumayo at palabas ng bar.

"Lasing na ata ako Ian, naging dalawa ka na sa paningin ko," sabi ko.

"Sa dami ba naman ng nainom mo, mukhang kahit ang mga tambay sa kanto tinalo mo miss, Hannah." Sabi nito na hindi makapaniwala.

Habang palabas kami ng bar ay nakakasalubong namin ang mga babae ni Ian, "Call me later babe please." Ilan lang yan sa nagsasabi kay Ian.

Ningi-ngitian lang ni Ian ang ilan sa kanila, "Hi, Ian baby. Dinner date naman tayo baby if you are not busy,"

"Sure baby.." malanding sabi ni Ian.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Mahirap talaga magpadisplay sa public place. Ang init na nga ng pilipinas, mas lalo pang umiinit dahil sa'kin. Wala eh hashtag #PogiHotProblem." Mayabang pa nitong sabi, buti nalang at nasa parking lot na kami nitong bar.

"Ian, umuwi na tayo baka biglang humangin ng malakas." Utos ko sa kanya.


"Wife," napakagat ako sa labi ko dahil na rinig ko ang tawag sa akin ni Eras.

Bakit nandito ito? Nasaan ang babae niya.

"Ian ano ba? Ihahatid mo ba ako pauwi o mawawalan ka ng pangarap?!"

"Teka lang naman miss, Hannah. Medyo magulo ka, ano bang pangarap ang mawawala sa akin?" Naguguluhan niyang sabi.

"Listen wife, is not what you think is just—"

"Ian!!" Sigaw ko na. Hindi pa kasi kumikilos nakatunga-nga lang ito.

"No, Ian, let me handle this." Seryoso na sabi ni Eras kay Ian na mukhang hindi alam ang gagawin nito.

Dahil mainit ang ulo gawa na rin ng alak ay mabilis kong kinuha ang baril na nakaipit sa baywang ni Ian.

"Ma'am Hannah!" Gulat na saad ni Ian.

"Akina ang susi Ian." Walang emosyon na sabi ko. Habang nakatutok ang baril sa kanya.

"No!!" Sabi naman ni Eras, habang may baril na 'tong nakatutok na rin kay Ian.

"Sa ilang taon kong pamamalagi dito sa mundong-ibabaw ngayon ko pa lang po-problemahin kung paano ako naipit sa ganitong sitwasyon na 'to." Mangiyak-ngiyak niyang sambit.

A Mafia Boss Wife'sTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang