16.2 Debut Party (PART 3)

1.1K 41 0
                                    

Rew's POV

Minake upan na ako ni ate rhylee. After a couple of minutes natapos na..

"Wooow! Ang ganda ko ate! Salamat!" Sabi ko kay ate. Waah! Ang galing niya talaga. Kahit light make up lang ang ginawa niya sakin ang ganda nung kinalabasan.

"Haha! Welcome Rew! Sige rew suotin mo na ang gown mo. 15 mins. Nalang magsisimula na ang party" sabi ni ate

"Sige po ate! Thank you po ulit!"

Nag nod si ate at Umalis na siya sa kwarto ko dala ang mga gamit niya. Tumayo agad ako at tinawag si Jenny para tulungan ako sa pagsuot ng Gown ko.

"Ang ganda mo po Miss Rew" sabi ni jenny

"Haha salamat jenny" sabi ko

Sinuot ko kaagad ang gown ko at umupo sa kama. Nakakapagod tumayo. Kumuha naman ng tubig si jenny.

"Salamat Jenny. Sige na Jenny pwede ka nang umalis, salamat sa tulong mo" sabi ko

"Sige po"  at umalis na siya. Tumayo ako at pumunta sa Body sized mirror para tingnan ang sarili ko. Bigla namang sumakit ang katawan ko. Pero binale wala ko iyon.

Knock knock*

Nakarinig ako ng katok. Agad kong binuksan ang ang pinto para tingnan kung sino yun.

"Ms. Rew magsisimula na po"si aleng selya lang pala.

"Sige po, bababa na po ako" sagot ko at tumingin ulit sa body sized mirror. This is it! 18 na talaga ako

Bumaba na ako. Sa garden  kasi gaganapin ang Debut Party ko. Bigla namang sumakit ang ulo ko. At parang matutumba ako mabuti nalang at nasalo ako ni aleng Selya. At tinanong niya pa ako kung ayos lang daw ako sinagot ko naman siya na maayos lang ako.

Nung nakita na ako ng MC ay  pumunta na siya sa mini stage

"Good evening Ladies and Gentleman!" Sabi ni MC

Nandun ako sa likod ng kurtina at tinawag na ako ng MC

"The Debutant for tonight, Ms. Samantha Rew Empire!" Nagpalakpakan ang mga bisita namin at nagsimulang tumunog ang Violin.

"Sige na rew bumaba ka na" naka ngiting sabi ni Aleng Selya

Ngumiti ako sakanya at nagdimulang maglakad pababa ng hagdan.

Nandun ang escort ko si Juls.

Nung nakita ako ni Juls agad naman siuang ngumiti, ngumiti na rin ako. Nakakahiya naman sakanya kung iisnobin ko siya dba?

Nung nasa isang hagdan nalang ako ay biglang yumanig ang lupa.

Nag sitakbuhan ang mga bisita namin sa loob ng bahay kinuha naman ni Juls ang kamay ko at tumakbo. Nakita ko naman si kuya na papunta sa mini stage at kinuha ang Mic. Napansin ko rin wala na dun ang MC.

"Everyone! Calm Down! Dahan-dahan lang po tayo pumasok sa loob! Walang mangyayari kung mag papanic tayong lahat!" Sabi ni kuya.

Nung tumatakbo kami ni Juls biglang lumiwanag ang kwintas ko. Nabitawan na rin ni Juls ang kamay ko dahil ang dalawang kamay ko ay naging Kamay ng LOBO

"Arrrggghh! Ahhhhh" biglang sumakit ang katawan ko lalo na ang likod ko biglang napunit ang gown. Anong nangyayari sakin?

"Rew!" Sumigaw si Juls at silang lahat.

Biglang bumago ang anyo ko. Nawala ang ilaw na galing sa kwintas ko at napahiga ako sa damuhan. Parang pagod na pagod ako. Biglang may pumunta sa harapan ko at pinagbabaril

"Wwwwaaaaggg!" Narinig kong sumigaw si nanay

Bang*

Bang*

Bang*

Bang! Natamaan ako, napa whine naman ako. Ang sakit sa bandang paa ko pa talaga. Tumingin ako sa likod kung sino ang bumaril sakin.

Si tito James. Isa siyang wolf hunter

"Jaaaammmeeeeessss! Waaggg!" Sigaw ni nanay at umiiyak naawa ako kay nanay ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganyan si nanay. Gusto nila akong puntahan pero hawak-hawak sila ng tauhan ni Tito James

Napahiga na ako. Di ko na kaya blurry na ang paningin ko. Pero bago yun ay may nakita akong puting lobo na sinungaban si tito.

And everything went black....

----------------------------

Dito na ang Umpisa ng Adventure ni rew sa kanyang buhay. Ano kaya ang mangyayari sakanya? At sino naman kaya yung puting lobo na tumulong sa kanya? Abangan sa Next Update ko ^__^

Sorry! Lame update

Ms. JD ♡

Half Werewolf Half VampireHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin