Sa mga katanungan kung bakit ganito, subaybayan ang kwenta para malaman :)
Hit Vote if you kinda like it and Leave a comment after :)
PROLOGUE
Sabi nila lahat ng kasiyahan may kapalit na kalungkutan, lahat ng kasiyahan may hangganan, I sighed. Nandito kami ngayon sa school ground, habang nakaupo sa ilalim ng puno, at nakahiga siya sa kandungan ko, I touched his face, tracing his eyes to his lips, I smiled. Sana ganito nalang kami palagi, pero syempre, alam ko na lahat may kapalit, gaya ng mga kasiyahang nararamdaman ko.
"Riyu, gising na" gising ko sa kanya, he groaned. "Maya na! tinatamad pa ako e, gusto pa kitang makasama" sagot nito, I giggled.
"Nah-uh mister, hindi pwede, kahit pa kinikilig ako, hindi pwede" sabi ko sa kanya at tinapik ang pisngi niya.
"Come on, bangon na halimaw!" sabi ko sa kanya, umupo siya at sinamaan ako ng tingin, tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano?" umiling siya at tumayo na. Hinawakan niya ang kamay ko at inakbayan ako. As always, possessive jerk, but I love him for that. Habang papalapit kami sa classroom.
"Tachi! diba pumasok kana kanina?" tanong ng kaklase ko, tinignan ko si Riyu.
"Paanong pumasok e, kasama ko si Riyu?" kinakabahan ako, pero sana hindi tama ang hinala ko. I sighed. Hinila ako ni Riyu papasok sa classroom namin. Bigla siyang tumigil kaya nabunggo ako sa likod niya.
"Tiara" mahinang usal ni Riyu pero sapat na iyon para marinig ko.
"Riyu, I'm back" sabi ng babae at tinignan ko ito. P-paano? Nagulat ako ng biglang binitawan ni Riyu ang kamay ko at nagmadaling lumakad papunta dun a babaeng kamukha ko, habang ako rito ay nakatayo at walang magawa, kasabay ng paghila ni Riyu sa kanya ay siya ring pagutulo ng luha ko.
'She's back' yan lang nasabi ko at agad akong tumalikod at tumakbo palabas, habang tumatakbo ako ay may nabunggo ako.
"Lady Tiara" sabi nito, kumunot ang noo ko at tinignan ang lalaki.
'Lady?' agad akong hinila nito at pinapasok sa sasakyan, at kung saan man ito papunta ay hindi ko alam, ang gusto ko lang ay lumayo dito at ayusin ang sugatan kong puso.
totoo nga ang sabi nila. 'All good things must come to an end' at ito ang ang katapusan.
-RowanOzera
BINABASA MO ANG
Something Stolen(Former MadeforLovingYou)(Revising)
Teen FictionThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...
