Baliw

2.2K 50 13
                                    

Chapter 10

"Shit!" Napamura ako nang mahulog ang malaking paper bag na yakap yakap ko kasabay ng paggulong ng mga laman nito.

Nanlumo ako nang makitang mukhang lamog na ang mga kamatis na pinamili ko. I exquisitely chose those tomatoes from the crate! Nakakainis at nalamog lang ito dahil sa pagiging clumsy ko. I love breakfast with tomatoes kaya naman dito ako pinakanaglalaan ng panahon tuwing namimili.

Bigo kong pinulot isa-isa ang mga kamatis at iba pang gulay at prutas na pinamili ko.

"Here," isang baritong boses ang narinig ko.

Isang kamay na may hawak ng tatlong kamatis ang nakalahad sa aking harapan.

I took it from him, "oh! Thanks."

Pinagmasdan niya ang paper bag ko. Napansin niyang wasak na ito.

"Here... use this instead," isang green eco-bag ang iniabot niya sakin na kinuha niya mula sa kaniyang bag.

I stare at him. Matangkad ito, at may maputing balat. He's slim, pero hindi naman buto't balat. Malambing ang features ng kaniyang mukha.

"Oh! Huwag na, kaya na ito." Pagtanggi ko.

"No, gamitin mo na."

Kinuha niya ang wasak na paper bag sa aking bisig at tsaka inilagay ito sa loob ng bag.

"Thank you, nakakahiya naman."

"O-okay lang," ngumiti ito. "Tulungan na k-kita." He said.

I'm not a hypocrite, alam kong kailangan ko ng tulong. That's why I said yes.

Besides, ay mukha naman itong mapagkakatiwalaan. He's wearing XU's uniform too. High school nga lang.

"Thank you ha. Babayaran ko nalang 'tong bag." I said while fishing my purse out.

"Theres no need for you to do that. My mom owns a dozen of them." Ngumiti ito.

I receive a text from Azrael saying he's going to fetch me.

"May susundo sa akin, if you want, we can drop you kung saan ka man pupunta." I offered.

"Hindi na, I'm fine. It's my pleasure to help." umiling ito.

Mukhang napakabait talaga nito! His parents probably raise him well.

"Salamat talaga. But I insist on paying you."

"How about a meal, ngunit sa ibang araw, syempre."

We agreed.

Nang itinuro ko na ang papalapit na Montero ni Azrael ay nagpaalam na din ito.

"Sandali ano nga palang pangalan mo?"

Nagmamadali kong tanong dahil halos ilang metro na ang layo nito sa akin.

"Atom." Tipid nitong sagot, tsaka muling nagpatuloy sa paglalakad.

I told Azrael about the letters, but I exclude telling him the threats. Masyado naman kasing childish ang mga iyon. As if naman ay gagawin talaga nila iyon.

I know they're not that crazy to kill someone para sa isang lalaki. Masyadong OA.

"Tangina! Gago iyon, a! Hindi niya alam kung sinong kinakalaban niya!"

Pinagpupunit ni Azrael ang mga pink na envelop.

"Kapag nalaman ko lang kung sinong gago ang nagpapadala sa'yo nito, I'll strangle him to death!"

Wow. What a reaction!

Alam kong magagalit siya, but not this kind of anger. I don't expect this kind of reaction!

"Tama na nga iyan. Sulat lang 'yan Azrael, nothing harm happens to me." Umikot ako, "see, buong buo pa ako."

Napasabunot naman siya sa kaniyang buhok, mukhang dahil sa frustration.

"You don't understand! Iniisip ko palang na may ibang lalaking tumitingin sa'yo ay nababaliw na ako! What more na ganito at sadyang tinatanaw ka niya sa malayo? I feel crazy, babe. It's driving me insane!"

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at tinignan siya mata.

"Kahit ilang lalaki pa ang tumingin sa akin ay wala akong pakialam... dahil nasa iyo lang naman nakapako palagi ang tingin ko."

Pumungay ang mga mata ni Azrael. Pakiramdam ko ay malulunod ako sa malalalim na tingin nito. I feel hypnotized!

"Akala ko ba ay hindi ka marunong magdrive?" Out of the blue ay itinanong nito.

Nangunot naman ang noo ko. Kaya umiling ako, dahil hindi naman talaga.

"Then, how did you manage to drive me crazy? Sobrang nababaliw na talaga ako sa'yo."

Siya naman ang humawak sa pisngi ko at bigla akong siniil ng halik.

My eyes widen, but after a moment ay ipinikit ko ito.

You drive me crazy too, Montefalco! Just by your touch, your word and your kiss.

Lumalim pa lalo ang halik niya sa akin. I feel electrified. Ang bawat paghaplos ng kaniyang labi sa akin ay nagdadala ng milyong milyong boltahe ng kuryenteng nagpapagising sa aking katawan.

Our lips moves in rhythm. Parang sabay na sumasayaw ang aming mga labi.

Nanghihina na ang aking tuhod pakiramdam ko kakapusin na rin ako ng hininga!

No one dares to break the kiss. Hanggang sa tuluyan na kaming kapusin ng hininga ay tsaka lang kami humiwalay sa isat-isa.

Pareho kaming naghahabol ng hininga habang tinitignan ang mata ng isat-isa. Isang malokong ngisi ang pinakawalan ni Azrael.

"Nakakabaliw ka talaga." He said before claiming my lips once again.

Azrael Ian Montefalco III Fan-FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon