"Abel? Andyan ka ba?"

"Oo naman! Ano! Ano! Uhm! Kagigising mo lang ba?" Tanong ko habang hindi ako mapakali. Napalunok ako. Hindi ko alam kung saan ako uupo. Nakahubad pa ako. Inilagay ko ang kamay ko sa baywang ko. Hindi ko kasi alam baka kasi sa sobrang pagkalito ko habang kausap ko siya ay mapahawak ako bigla kay manoy tapos ay mapa-sariling sikap ako nang wala sa oras. At iyon ay ngayon habang kausap ko siya.

Tang ina! Mga one hundred time na putang ina!

"Oo. Ano, uhm, gusto ko lang itanong kung anong gagawin mo ngayon... sana..."

"Ah! Magsisimba kami ni Nanay, pambawas kasalanan." Iyong kalibugan kasi kasalanan iyon. Noong bata ako madalas sabihin sa akin ni Kuya Abe na h'wag daw akong magsasariling sikap at magagalit daw si Papa Jesus. Sa isip ko magtatago na lang ako kapag gagawin ko iyon. Kapag naman kasi private matter hindi naman siguro sisilip si Papa Jesus.

"After noon, what are you gonna do? Uhm, pupunta ka ba dito?" Muling tanong niya. Indi ko mapigilan ang kiligin. Kinilig talaga ako dahil gusto niyang malaman kung anong gagawin ko mamaya.

"Bale, magla-lunch kami nila kuya at nanay tapos kapag maaga akong natapos, pupuntahan kita. H'wag mo naman akong masyadong ma-miss, kinikilig kasi ako talaga." Sabi ko. Wala na akong pakialam kung it sounded gay pero nami-miss na niya ako. Malapit ko nang makuha ang puso niya.

Sa tagal na panahon kong naghintay, ito na yata ang shining moment ko!

"Sige... uhm, kapag pwede mag-text ka sa akin..." Naiisip kong nakakagat niya pa ang labi niya dahil sa hiya at namumula pa ang mukha niya. Nakakatuwa talaga si Hyan, napaka-unpredictable ng personality niya at palagi niya akong nagugulat.

"Okay, Hyan! Maliligo lang ako ha. I love you." Hindi ko na napigilang ibulalas. Matagal siya bago sumagot.

"Salamat, Abel." Iyon lang at tinapos na niya ang tawag. I smiled at myself. Malapit na. Nagpapasalamat na siya sa akin - alam ko makakaalis din ako dito sa BIGBANG ZONE na ito. At least hindi ako friendzoned.

Tumayo ako at naligo na. Pinigilan ko ang sarili kong gumawa ng milagro sa bathroom dahil Linggo ngayon at magsisimba kami. Nang matapos ako ay inayos ko ag sarili ko. Isinuot ko ang paborito kong poloshirt na dark blue at iyong jeans. Matapos makapagsapatos ay inayos ko naman ang buhok ko.

Wala sana akong balak magpagupit pero sinabi ng doctor na kailangan daw i-shave ang facial hair ko at ayusin ang gupit ko. Mabuti na nga lang hindi nila ako kinalbo.

Nang lumabas ako ay nakita ko si Nanay na suot na ang bestida niyang pansimba. Magkasabay kaming lumabas ng bahay. Itinanong niya pa sa akin kung dala ko daw ba ang inhaler ko. Tinawanan ko lang siya.

"Nanay, hindi naman ako aatakihin sa simbahan. Kung oo man, ayaw ninyo noon, sabay burol na."

Nagulat ako ng kutusan ako ni Nanay. Ang sakit talaga. Inakbayan ko na lang siya at hinalikan sa gilid ng sentido niya.

"Hindi po ako mamamatay. H'wag kang mag-aalala. Gagawin ko ang lahat. Nakapangako ako kay Hyan na hindi ako aalis kahit anong mangyari and I intend to keep my promise.

Nang kalmado na si Nanay ay sumakay na kami sa elevator para makababa sa parking lot kung nasaan ang kotse ko.

"Anak, napakayaman ng pamilya ni Hyan Demitri, hindi ba alangan?" Tanong niya sa akin habang tinatahak namin ang daan patungo sa simbahan ng St. Anne.

"Nay, sa tingin ko naman ay hindi ganoon ang pamilya nila. Kung oo, sana noon palang buntis pa siya at sinabi namin sa Daddy niya, na-mata na nila ako, pero hindi. You see, Helios Demitri? He seemed to be really rough on the edges, but I guess he is a good man. Tapos iyong Mama niya, she's such a sweet lady. Parang ikaw lang nanay. Excited na akong mamanhikan sa kanila."

Once MineWhere stories live. Discover now