Chapter five

17.3K 125 13
                                    

Nanlumo si Denis nang makita ang naiwang mga gamit sa dinning room. Alam niyang naghanda ang asawa para sa spesyal na gabing nabanggit nito sa kaniya.

Nagtuloy-tuloy siya sa kanilang silid at marahang pinihit pabukas ang seradura ng pinto.

"Honey?" tawag niya sa asawa, subalit nanatiling walang imik si Vhans. "Hon, I'm sorry, biglang nagkaproblema sa opisina kaya kailangan kung mag over time," aniya pero nanatiling tahimik ang asawa.

Alam niyang gising pa ito dahil dinig niya ang mahinang paghikbi nito. Gusto pa niyang sapakin ang sarili dahil sa kapabayaan niya.

"Hon, we can even do it, if you want," aniya sa kabila ng kapagurang ginawa nila ng kabit niya.

Ano nga ba tamang itatawag niya kay Monique? Mistress? kabit? Kirida? Taga pag- aliw? Parausan? O babaeng inaasahan niyang makapagbibigay sa kaniya ng anak?

"Hon, I'm sorry, muling wika nito. Lumapit sa asawa at humalik sa balikat nito.
Bumangon si Vhans at hinarap ang asawa.

"Sorry?! Sorry? Sorry?! Yan lang ba ang sasabihin mo? Sorry?! Ilang beses ka na bang umuwi ng ganitong oras? Isa dalawa? Halos wala ka na rin panahon sa akin! Dahil sa trabaho mo? Yes! That was your only reason, ikaw ang may ari ng kumpaniya. Ikaw ang Presidente kahit hindi ka mag over time ay walang sisita sa'yo. Walang magagalit sa'yo, dahil ikaw ang nagpapasahod, and you can even bring all those papers here, para dito mo trabahuin. Pero ano? Naroroon ka pa rin! Trabaho ba talaga ang dahilan kung bakit panay kang late sa pag-uwi, ha? Trabaho ba?!" hilam sa luha at puno ng hinanakit na sumbat dito ni Vhans.

"Ngayon lang ako humiling sa'yo, Denis, ngayon lang! Bakit hindi mo pa ako pinagbigyan? Lahat naman ginagawa ko para mabigyan ka ng anak, ah! Kaya ako tumawag sa'yo early this morning ay para maki pagtalik sa'yo tonight dahil fertile ako, fertile ako! At may posibilidad na magbigyan na kita ng anak, pero ano? Anong ginawa mo? Hindi ka dumating. Mas inuna mo pa ang pesting trabahong iyan!" may diing lintaniya niya.

Naninikip ang dibdib niya at halos hindi na makahinga sa subrang sakit na ngayo'y tinatamasa ng dibdib niya. Marshal ay dahil na rin sa kaniyang walang humpay na pag-iyak.

Napaawang naman ang mga labi ni Denis. Napakalaki niyang tanga para hindi mahulaan kung bakit pinakiusapan siya ng asawa na umuwi ng maaga. Gusto niyang mag-wala at magalit sa sarili. Pero ano pa ang magagwa niyon sa mga oras na iyon?

"I'm sorry, hon, I'm sorry." yumakap siya sa asawa upang aluin ito subalit itinulak lang siya nito palayo sa kaniya.

"Liar! Your liar! Sinungaling ka! Sinungaling ka! Hindi ka galing ng trabaho nambabae ka! Nambabae ka!" Sigaw at nakakabinging bulalas ni Vhans nang masamyo ang babaeng amoy ng esposo.
At dahil puti ang polo na suot ni Denis ay agad niyang napansin ang lipstic sa kuwelyo ng damit nito.

"Bitawan mo ako, manloloko ka, bitawan mo ako!" humahagulhol at nagwawalang bulalas ni Vhans. Kinakalas ang mga braso ng esposo sa pagkakayakap sa kaniya.

"Honey, I'm sorry, patawarin mo ako, gusto ko lang naman magka-anak, iyong masasabing nanggaling sa akin," katwiran nito.

Hindi na niya maikakaila ang pagtataksil niya dahil sa naiwang bakas ni Monique.

"Sinungaling ka! Manloloko ka! Walang hiya ka! Hayop ka! Bitawan mo ako!" umiiyak na sabi niya dito.

Ngayon malinaw na sa kaniya ang lahat-lahat na kaya palagi itong madaling araw na kung umuwi ay dahil nambababe pa ito. May kabit ang asawa niya dahil hindi niya ito mabigyan ng anak.

"Honey, stop it! Magigising si baby, Juniel sa ginagawa mo,"

"Wala akong pakialam, bitawan mo ako taksil ka! Sinungaling! Manloloko ka!" histerikal at pauli-ulit niyang tawag sa asawa.

TAKSIL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon