Chapter One

37.3K 166 3
                                    

ISANG SAGLIT
SHORT STORY (2014)
BY: Monique Fernandez & TinkerBitter (Vhans)



One of the most unimaginable core in our life is such a sustainable flame in our heart. Husband and wife, their promises with each others that even a hurricane comes, whatever happen, they should stand still to wrap up the love they'd able magnificiently promised to God, friends and family, with each others during thy vow that no one can wreck and nobody can drive their life but only themselves alone, but how if one day in the midst of a particularly bitter winter, the giant glanced out of their life suddenly occur? Handang magbigay, handang lumaban para sa minamahal, handang kumapit sa patalim.

Isang babaeng wawasak sa isang pamilya. Paano malulusutan ng mag-asawa ang mga pagsubok na iyan? Will they be able to stay as loyal as they are to each of them?

CHAPTER ONE

WALANG imikan ang mag-asawa sa loob ng sasakyan. Iyon na ang pangalawang beses na nagpakonsulta sila sa doctor. Subalit, sa ikalawang pagkakataon ay parehong deskripsyon ang kanilang narinig mula rito,
nangilid ang mga luha sa magkabilang sulok ng mga mata ni Vhans at hindi makatingin sa asawa.

Siya ang may deperensiya kung bakit hindi niya magbigyan ng anak ang esposo na batid niyang sabik na sabik nang magkaroon ng supling.

"It's all right, honey, mabibiyayaan din tayo. We deserve to be a parents kaya huwag ka nang malungkot," pagpapakunsuwelo ni Dennis sa asawa.

Kinapa ang palad ni Vhans at bahagya iyong pinisil. Maging ito man ay nanlulumo rin sa hindi kaaya-ayang balitang iyon.

"I'm sorry, honey, I'm sorry." humihikbing aniya.

"Its okay, honey, we're doing our best, god will give us, soon."

"It's me, honey, nasa akin ang ang deperensiya. Gusto kitang bigyan ng anak. Gusto kitang maging masaya pero I can't..."

"Bibiyayaan din tayo ng Panginoon, hon, as long as we have faith on him, magkakaroon din tayo at kagaya ng sinabi ko kanina, we're doin' our best to have even one." Masuyong hinalikan ni Dennis ang asawa na tinugunan din ng huli.

"Ihahatid na kita sa bahay, honey, huwag mo na rin akong hintayin baka late na ako maka uwi," maya-maya'y sabi ni Denis sa asawa. "Huwag kang mag-alala si Cedric naman ang kasama ko, hon, kaarawan kasi ng pinsan niyang si Vhong, nakakahiya naman tumanggi." dugtong na anito nang hindi kumibo ang kabiyak.

"S-sige, hon, mag-iingat ka, huwag ka rin umiinom ng marami, ayokong may mangyari sa'yo sa daan." habilin pa niya sa esposo.

"Mag-iingat ako para sa'yo, mahal ko," anitong muling hinagkan ang mga labi niya.

Hindi na nag-abalang bumaba si Dennis pagdating nila ng kanilang tahanan. Masuyong nitong hinalikan ang esposa at hinatid ng tanaw pagpasok ng kabahayan. Ang totoo, he was so dissapointed. Umasa itong positibo ang isasagot ng doctor kanina, subalit sa kasamaang palad ay ganun pa rin.

Ayaw naman nitong ipahata sa asawa ang pagkadismaya sapagkat lalo lamang sisihin ni Vhans ang sarili kung bakit hindi sila magkaroon ng anak.

"Pare, ang lalim yata ng iniisip mo ah," puna ni Ken, lumapit sa tabi niya at nagsalin ng alak.

Inubos muna ni Dennis ang laman ng kopita bago nagsalita. " Medicine, pare." aniyang muling nagsalin ng alak.

"At kailan pa naging medisina ang alak?"

"Just now," walang kangiti-ngiting tugon niya.

"Teka nag-away ba kayo ni Vhans?"

"Nope!"

TAKSIL Where stories live. Discover now