Random Love Stories-One Shot Collection

149 4 0
                                    

Original Title: Deserving-One Shot

Deserving, One word pero mabigat ang meaning, sa Tagalog "Karapatdapat". Sa pag ibig ba ay dapat deserving ka? Deserving para sa taong mahal mo? Mahirap i-expound ang salitang "Karapatdapat", sino ba ang deserving para satin? Dapat ba ay gwapo o maganda? Matalino o medyo tanga? Mayaman o mahirap? Meron akong nakilalang dalawang tao sa buhay ko. Isang lalakeng gentleman at mabait kahit kanino. Pero siya ay ambisyoso , mataas ang hangarin sa lahat ng bagay, siya ay si Lucas. Si Marga naman ay mabait, may pangarap at madaling makuntento. --Sino ang mag-aakalang? Once Upon A Time nagtagpo ang kanilang mga puso sa iisang lugar? Pero saan ang direksyon nila?

Ang mga magulang ni Marga at Lucas ay matalik magkakaibigan. Kaya naman sila ay naging magkinakapatid. Kaya naman sa kahit na aning okasyon;mapa-birthday, binyag, patay fiesta o pasko. Lagi silang nagkikita at naging malapit sa isa't isa. Dahil sa panunukso nung sila ay bata, ay nauwi sa isang pagtitinginan, na di na ngagailangan ng salita, upang ipaliwanag. Sapat na ang mga kilos para mapatunayan ito. Di na ako nagulat ng lumaki kami, nagdadate silang dalawa, di alam nila tito at tita na nagkakamabutihan silang dalawa. Kahit di na sila tuksuhin e pwede na maging sila. Pero ang akala ko ay mauuwi sila sa isang relasyon--pero nagkamali ako

"Ha? Ano Lucas? Di pa ba kayo ni Marga? Akala ko kayo na kasi! Kung makapag jamming kayo sa attic, picnic sa overlooking at jogging. Eh parang nasa relasyon na kayo?"  sabi ko sa kanya

"Di pwedeng malaman ng mga schoolmates naten na may something samen" sagot niya sakin.

Nagtaka naman ako, impossibleng di talaga sila, hanggang sa naniwala nga ako na oo nga hindi nga. Nakita ko si Lucas may ibang babaeng binigyan ng rosas. Si Pinky isang babeng pustoryosa, popular at matalino. Napaisip ako paano si Marga? Anong mararamdaman niya sa lahat ng ito? Nanghihinayang ako para sa kanilang dalawa. Akala ko magiging masaya sila. Pero sa gitna ng mga pangyayari , nanahimik si Marga at naging dean lister.

Wala na akong narinig tungkol sa kanila ni Lucas. Pag may okasyon, nagngingitian na lang sila kumbaga civil na lang. Di pa ba deserving si Marga para kay Lucas? Ano pa ba ang kulang kay Marga? Dumating na ang graduation, at nag-America si Marga at nagkakanyang buhay na kameng lahat.

One Year After Graduation

Binisita ako ni Lucas sa bahay ko at nagkwentuhan sa mga kanya kanyang buhay. Nabanggit niya ang isang pangalan, na matagal ng di na nasasambit.

"Pare may balita ka ba kay Marga?" tanong niya, pero wala akong sinagot. Sa halip nagbalik uli ako ng tanong.

"Bakit mo natanong?" natawa ako.

"Namiss ko siya" sabi niya

"Sana makita ko siya uli, hihingi ako ng sorry, sana ituloy namen uli yung nasimulan namen--" sambit niya na may halong emosyon.

"Di kase siya deserving para saken, alam mo yun, mahal ko siya, pero di ko matanggap na siya yung mahal ko. Di siya yung ineexpect ko." pagpatuloy niya.

"Pare, nung nainlove ako at ngayon nga na ieeenggage na ako. Di naman naten pinipili ang mg taong mamahalin naten. Ang importante masaya siya sayo at masaya ka." sagot ko.

"Congrats pare. ieenggange ka na pala? Sino ba yung pakakasalan mo? Di mo man lang pinapakilala sakin." pagbiro ni Lucas at umiilag sa usapan.

Sumagot ako at di tumitingin sa kanyang mga mata. Ang pangalan na sinabi ko sa tanong niya ay,

"Si Marga".

Random Love Stories-One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon