Chapter Eighteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"You don't understand, mom! Hindi man siya mayaman, ginagawa naman ni Tristan ang lahat para mabigyan ako ng comfortable life. Enough na iyon sa akin." Sabi ko.

"Sweety, bata ka pa kaya hindi mo pa naiintindihan ang mga bagay-bagay. Tama ang mommy mo." Dad said. I felt like bursting into tears. Pakiramdam ko pinagtutulungan nila ako. I was hoping na kakampi sa akin si daddy but he didn't. 

I marched up my bedroom. Masamang-masama ang loob ko sa kanila. Why can't they understand na mahal ko si Tristan? I can't marry Jason! Sumubsob ako sa bed ko at umiiyak na napayakap sa unan ko. If only Tristan was here. I already miss him. Iniisip ko pa lang na hindi ko na siya makikita, it makes me sick. 

Narinig ko ang katok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko iyon pinansin. After a few minutes, nagbukas ito. I heard footsteps coming towards my bedroom. Lumubog ang gilid ng kama ko dahil may umupo doon. Then I felt a hand na sinusuklay ang buhok ko.

"Andi, baby... I know you're awake. Sorry kung nasigawan kita kanina. Huwag sanang sumama ang loob mo kay mommy. I love you kaya ginagawa ko ito." Mom said.

Hindi ako gumalaw.

I heard her sigh. She kissed me on the forehead and left the room. I kind of felt bad. Ngayon lang kami nag-away ni mommy ng ganito. Ngayon ko lang siya natiis at ngayon lang sumama ang loob ko sa kanila. They think they're doing the right thing for me. Malaki na ako, dapat hinahayaan na nila akong gumawa ng sarili kong desisyon. They have no rights to choose my life for me kahit pa anak nila ako.

Tristan's POV

Ipinarada ko ang motorsiklo ko at habang naglalakad ako iniisip ko kung ano bang masarap na pagkain ang niluto ngayon ni Andi. Gusto ko na mayakap at mahalikan ang mahal ko. At matutuloy na rin ang aming sexy time mamaya. Sana naman wala ng istorbo. Ilang araw din akong nagtiis!

"Tristan!" Tawag ni Gardo. Tulad ng inaasahan ko, nag-iinuman na naman sila ng kapwa niya lasenggero.

"Bakit?" Tanong ko.

"Alam mo bang dumatung yung nanay ni Andi kanina at kinuha siya. Ang gaganda ng kotseng dala nila at ang dami pang bodyguard. Mayaman pala yung chicks mo, ano?" Sabi nito.

"Halata naman eh. Ang kinis kinis kaya nun." Sabi ng kainunam nito.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Umalis na si Andi? Nagmamadaling  tumakbo ako paakyat sa apartment. Gusto kong makasiguro na totoo ang sinasabi nila. Baka lasing lang ang mga iyon kaya kung anu-ano na ang sinasabi nila. Umaasa pa rin ako na sasalubungin ako ni Andi pagpasok ko.

Marahas kong binuksan ang pinto. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Binuksan ko ang pinto sa kwarto namin, sa banyo, sa dating kwarto niya... wala nga siya! Wala ang mahal ko. Nanghihinang napaupo ako sa sahig. 

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon