14. A change is coming

Start from the beginning
                                    

"I'm so sorry, Dad."

"Don't think of it, Hyan. You have to rest. Tomorrow. I'll announce something. Hindi ka muna babalik sa opisina. You have to rest. Kung gusto mong umuwi muna ng Greece, sige lang o kahit saang bansa."

"Is Hyron going to take over?" I asked him.

"I'm thinking about it but he's unstable too."

I was looking at his eyes. I know that he's planning something but what is it? And then, a thought clicked.

"You're not going to make him comeback, diba?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko. Pero pakiramdam ko ay iyon nga iyon.

"I'm thinking about it."

"Why not Hyron, Dad?"

"It's not that I don't want him. I will train him again, Hyan. I guess this amnesia is a blessing in disguise. We have him back."

"Isn't it ironic that we had him back, he jumped back to being eighteen again? Doesn't that bother you?" Parang hindi ako pinansin ni Dad sa huli kong sinabi. Ngumiti na lang siya at saka hinagkan ako sa noo.

I know, a big change is coming to my family. A chaotic change. I don't know if I am up for it but I'm not ready.

Nang mag-isa na lang ako ay pilit kong inabot ang phone ko na nakalagay sa bedside table ko. I turned it on. Habang nakatingin sa screen ay naghihintay ako kung may papasok bang mensahe. Puro galing kay Juan ang text.

Juan Sanque

I'm sorry Hyan. I didn't mean for our baby...

Binura ko na ang number ni Juan pati na rin ang mga mensahe niya. Binura ko na ang mga litrato naming magkasama at kung maaari lang ay buburahin ko na rin ang pagmamahal ko para sa kanya.

Shut down. Refresh.

Sana pwede.

Muli ay tinitigan ko ang phone ko. I sighed again. I texted Abelardo. Nagtataka ako kung bakit hindi pa rin siya nagpaparamdam. Hindi niya man lang ba ako hinahanap? Hindi niya ba nabalitaan ang lahat?

Abelardo.

Nasaan ka? Kailangan kita... Call me...

Naghintay ako pero hindi siya tumawag. Nag-reply naman siya.

Abelardo

Ospital pa, Hyan. Alam mo naman. Si Nanay. Pupuntahan kita 'pagdating ko sa Lunes. I miss you. Inom ka ng gatas para sa baby natin ha.

Nang mabasa ko naman ang reply niya ay lalo akong nakadama ng lungkot. Naiisip ko pa lang na masasaktan ko si Abelardo dahil sa pagkawala ng bata ay hindi na ako mapakali. Paano ko ipapaliwanag iyon sa kanya? Baka hindi niya maintindihan. Ayokong masaktan siya. He seemed to be a very happy person. Hindi ko kayang sirain ang kasiyahan niya.

He was very excited about having this baby. He even bought me a pair of mittens and he gave it to me. Sabi niya lucky charm ko daw.

I couldn't sleep anymore. At two in the morning. Hunter barged in my room. Buong pamilya ko yata ay nasa Varess Medical City. He looked tired but bothered. Hindi ko naiwasan na magtanong sa kanya.

"What is wrong, Hunter?" I asked him.

"You'll know if he's telling the truth right? Si Hyron? Kasi alam kong nagsisinungaling siya." Wika pa niya sa akin. Naupo siya sa visitor's chair at humalukipkip sa akin. "Everyone might buy it but I will not. Kilala ko siya at lalong nakakagalit ang ginawa niya."

Once MineWhere stories live. Discover now