At naka-isip ako ng bright idea! Wala na rin akong pakialam kung gagawa ako ng eskandalo dito. Nakikita ko na yung mga kapitbahay namin, nakasarado yung pintuan nila. Pati bintana partida!

"SUNOG SUNOG! WAAAAAAH RAPE! HUHUHU SUNOG RAPE TULONG!!" Sigaw ko with all my heart and all my soul! Jusko, tignan natin yung hindi siya titigil.

Patuloy parin akong sumisigaw at umiiyak sa gitna ng kalsada. Kitang kita ko lahat ng pangyayari. Kitang kita ko kung paano lumabas yung kapitbahay namin hawak ang kani-kanilang gamit na pang-patay. Nakita ko rin si mokong, hawak hawak ang balde na may tubig.

"Nasaan yung rapist? Nasaan yung nagsunog?" Sunod sunod nilang tanong, kasama na si jaehyun. Pinatay narin nung mokong ang speakers niya.

Tumayo na ako at pinagpag ko yung pwet ko. "Sa wakas! Wala na yung ingay! Ok na po. Pwede na po kayo magsibalikan sa bahay niyo" sabi ko habang pumapalakpak.

"Anong ibig sabihin neto?" Sabi nung iba naming kapitbahay. Bakit sila nagagalit?

"Ok na po. Wala pong rapist. Walang sunog. Wala na pong ingay" sabi ko ng mahinahon. Yung iba namin kapitbahay, walang emosyon. Yung iba, nabigla.

"Matalinong bata" sabi nung isa at ngumiti. Lahat din sila nagpalakpakan. Yung isa diyan, tulala. Hanggang sa natumba niya yung balde na puno ng tubig.

Tumigil ang lahat sa kanilang pagsasaya at tumingin sakaniya. Eto naman siya, ansama ng tingin sakin. At umalis siyang bigla. Pumasok sa bahay nila, pinatay yung ilaw at inisarado ng malakas ang pintuan.

Nakaramdam ako ng guilt. Ang alam ko, napahiya ko siya. Naguilty ako. Ayoko ng ganito.

Pero teka, bakit siya napahiya? Ni hindi ko siya inaway o sinigawan ng masakit na salita. Basta ang alam ko rin, tinigil ko lang yung ingay.

Isa-isa nagsipasukan yung mga kapitbahay namin sa kanilang bahay at syempre ako rin, pumasok. Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ang tropa.

"Taeil, punta kayo dito."

"Bakit Jae? May problema ba?"

"Oo e."

"Sige. Doyoung! Ten! Tama na yung landian! Sabihin niyo kanila Johnny at Hansol na pu-----" saka niya pinatay yung tawag namin. Atleast may magpapasaya sakin ngayong araw na 'to.

Habang hinihintay ko sila, kumain ako ng ice cream. Pero bakas parin sa mukha ko yung guilty. Jusqo, nag-eskandalo lang naman ako sa street namin diba? Hay nako.

Nilock ko yung pintuan namin atsaka pumunta na ng kwarto ko. Inaantok na ako. Ganito ako kapag may kasalanan, inaantok.




"Opo tita! Grabe nga pong kiligin si Jae nung nakita niya po yung new student namin!"

"Haha oo nga po tita! Tsaka po, nakwento rin po samin nung new student na ang sungit sungit niya po. Pero hindi naman ganun si noona!"

Nagising nalang ako kasi may nagtatawanan sa dining area namim. Sumilip ako sa oras. Shet 8:00 na pala. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko sila mommy at daddy kasama ang tropa.

"Oh ayan na si Jae, sabihin niyo na yung mga kwento niyo" Sabi ni daddy habang turo turo niya ako.

"Noona naman e~" Aakto naman na iiyak si Mark. Psh

"Langya ka talaga Jae!" Sabi ni Johnny sakin habang sasakalin ako. Kaloka, nagagawa nila yun sa harap ng parents ko ano?

"Ano bang problema niyo at ang laki ata ng problema niyo sakin?" Tinaasan ko sila ng kilay kasi ang sasama ng tingin nila sakin. Pwes di ako magpapatalo!

"Aba, pinaghintay mo lang naman kami ng 2 hours sa gate mo diba?" Sabi ni Ten.

"Akala na namin, kung ano na nangyare sayo" dagdag ni Doyoung.

"Pinagdadadabog na namin yung pintuan." Nagsalubong ang kilay ni Yuta.

"Pinag-alala mo kami ng dalawang oras." Nagtali ang dalawang braso ni Hansol.

"May umiyak na nga kanina e." Ang talas ng tingin ni Johnny.

"Bang." Binaril ako ni Taeil.

"Hehehehe, labyutoo guys!" Saka ako ng peace sign. Hehehe grabe pala yung pagmamahal nila sakin hehehe

"Papatawarin ka namin sa isang kondisyon." Ngumisi naman si Taeil. Wow, grabe. Natakot ako Taeil grabe.

"Manood ka ng aldub" anlaking ngiti ni Mark.

"HUWAT? Over my dead body! No!" Sabi ko with all my anger! Grabe no way! Sorry mga aldub shippers, but it's not that i hate it. I just don't like it. I don't hate aldub, i hate the delulu shippers of it.

Ginamit nila yung fantastic baby, may permission ba ni yg?

"Oh edi wow" sabi ni mommy saka kumain. Wow?

"Sige, di tayo bati." Sabi ni Hansol. SHET ANG QT.

"Oo nga, di na tayo bati. Dun ka nalang sa new student!" Sabi ni Doyoung saka ng pout.

"Oo nga! Tara na tara na!" Nag-aya ng umuwi ang gago este si Ten. Wowie *labyu mga ten stans hehe*

At mukhang seryoso sila sa gagawin nila. Hindi na ata kami bati tangina.

"Uy, joke lang yun. Wag na kasing aldub. Kahit anong dare, basta bati na tayo~" sabi ko habang nakahawak sa braso ni Mark.

"Talaga noona?" Sabi ni Mark with his shinning eyes and teeth.

"Oo, kahit anong dare!" Sabi ko at lahat sila ngumisi.

"Tara dun sa labas, pagusapan natin"

The Sounds of Love [NCT JAEHYUN FANFIC]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin