Chapter Thirty Five :)

Magsimula sa umpisa
                                    

"So, kelan pa 'to naging bahay ng tita mo?" Taas kilay kong tanong.

"Baby, let me explain." Oh, so we are back with the terms huh?

"Oh. Don't worry! Hindi ko pa naman napapatunayan na nagsinungaling ka. Malay mo naman, bahay talaga to ng tita mo." pinandiinan ko pa yung word na 'tita mo'

Ice played with his lips at mukhang nag iisip ng ipapalusot pa sa akin. Tumingin ako kay Blue na masama na ang tingin sakin. If looks could kill, malamang napatay na ako neto. Pero don't worry Blue, matagal na kitang brutal na pinatay sa utak ko.

"Ah! Alam ko na!" pinalakpak ko pa ang kamay ko. May ilang napatingin sa amin. "Sya yung tita mo?" turo ko kay Blue. Nanlaki ang mata nya at bumuka ang bibig nya. That's what you get for calling me clingy and pathetic!

"What the hell!" she hissed. I raised an eyebrow on her.

"Cream, let's go outside." hinawakan ako ni Ice sa braso ko at nagtangkang hilahin ako.

"Oh, teka lang! Bibili pa ako ng damit! Besides, we're definitely not done here."

"Blue, umuwi ka na." utos ni Ice.

"What? Bat—" sinighalan nya ako at inabot sa sales lady na nasa likod nya ang dalawang damit na hawak nya.

"Oh! Wait lang! Hindi pa tayo tapos eh!" tawag ko kay Blue na dere deretso lang.

"Cream, tara na." Aya ni Ice. Hinawakan nya ako sa kamay ko pero nagpumiglas ako.

"Tita Blue!" I called.

"Cream!" saway ni Ice.

Tumigil naman sa paglalakad si Blue at humarap sa direksyon ko. Now, I got her attention.

Lumapit ako sa kanya. Kita kong nagpipigil lang sya ng inis. Naramdaman ko ang kamay ni Ice sa braso ko.

"Cream, tara na!"

"No! Hindi pa ako nakaka pag hi sa Tita mo!" Blue rolled her eyes on me.

"Miss, maniniwala ka ba pag sinabi kong Tita sya—" tinuro ko si Blue "—nito?" tinuro ko si Ice.

"Po? Akala ko po—"

"Exactly! Mukha silang mag syota." I said finishing the sentence.

"He's my boyfriend, by the way. And she?" napaismid ako habang maarteng nakaturo kay Blue. "Kabit ng boyfriend ko."

"Cream!" Saway ni Ice. "Blue, I told you to leave! Wag mo na syang pansinin!" sabi pa ni Ice. Napataas ang kilay ko.

"You know what Ice?" I said, trying to calm myself. Tumingin ako sa kanya at nakatingin din naman sya sa akin.

"Putang-ina mo." I said then leave both of them there. "Magsama kayong dalawa." Nag walk out ako at umalis na. Shit! Hindi ko man lang nagawa ang gusto ko! Gusto ko sanang lagyan man lang ng pasa ang mukha ng malanding iyon!

I get it! Mag best friend sila! But that was before! So, ano 'to? All along, sa buong buwan na halos tatlong beses lang kami nakapag kita ng boyfriend ko na ngayon ay ex na, silang dalawa ang naglalandian? Ano 'to? Feelings rekindled?

"Cream! I was looking for you—"

"Umalis na tayo." matigas kong sabi.

"Ha? Hindi pa tayo nakakabili—"

"I said, umalis na tayo, Adam!" nagitla sya sa bahagya kong pagtataas ng boses sa kanya. Agad namang kumunot ang noo nya.

"Wait, is there something wrong?" He asked.

"Why don't you ask your brother then?" inis kong saby sabay tuloy sa paglalakad.

"Cream!" narinig kong tawag ni Ice. Of course, he'll come running after me. Paiikutin nya lang ako sa kasinungalingan nya.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon