Part 5

697 25 0
                                    

A/N: All cast na po yang nasa picture

********************************

FRANCO'S POV

Nauna ako sa Maynila kesa kay Nanay dahil since tinupad nung lalaki yung deal kailangan ko din tupadin ang part ko kaya nandito ako ngayon papasok sa isang ospital

"Anong ginagawa natin dito? Dito nyo po ba dadalhin si Nanay?" pero hindi nya sinagot ang mga tanong ko

sinundan ko lang sya sa paglakad nya at nakarating kami sa isang kwarto, pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto agad nya akong pinapasok

sa pagpasok ko bumungad sakin ang isang babae na nakaupo nagbabasa ng dyaryo at isang lalaki na comatose. kamukhang-kamukha ko sya

"Lorie" ng tawagin nung lalaki ang babae agad nyang ibinaba ang dyaryo nya at humarap samin

halata ko sa mga mata at sa ekspresyon ng babae ang pagkagulat nya, lumapit sya sakin at bigla nya kong niyakap

"Calvin you're back, it's good to see you again" Calvin? Sino si Calvin?

humiwalay ako sa pagkakayakap nya at inexplain sa kaniya kung sino ako

"Mali po yata kayo ng taong sinasabihan ng pangalan, ako po si Franco, Franco Natividad"

pero umiling lang sya

"Hindi, ikaw si Calvin, ikaw ang nawawala kong pamangkin, nahanap ka na namin sa wakas"

"I'm sorry po pero . . ."

"Nakikita mo ba ang kakambal mo?" Ang kakambal ko? sya? Yung comatose?

"Siya si EA ang kapatid mo, kamukhang-kamukha mo siya Calvin, pareho kayong magmana sa Papa nyo" Papa? wala na akong tatay, sinabi ni Nanay na iniwan na kami ni Tatat bago pa ko ipanganak

"Pasensya na po pero nagkakamali yata kayo"

"Kinidnap ka sa amin Calvin!" at narinig ko na bigla syang umiiyak

"Akala namin wala ka na, akala namin patay ka na Calvin pero ng makita ka ni Victor sa Pangasinan nabuhayan ako ng loob dahil sa wakas mabubuo na din ang pamilya natin dahil nandito ka na Calvin at nagbabalik ka"

pero tiningnan ko lang ang lalaking comatose at ibinalik ang tingin sa babae

"Nandito lang po ako para gawin ang part ko sa deal, kaya utang na loob po tawagin nyo po akong Franco hindi Calvin, dahil Franco po ang pangalan ko, kung ayaw nyo po ay hindi ko na kayo pipilitin pero asahan nyo na kahit tawagin nyo ko na Calvin ay hindi ko kayo papansinin dahil hindi yun ang tunay kong pangalan, pero ngayon po pag-usapan natin ang dapat ko talagang gawin"

makalipas ang ilang minuto ng pagkwekwento kung ano ang nangyare sa lalaking kamukha ko sinabi na din nya kung paano nila ako nahanap at sinabi nila na may isa pang rason kung bakit sila nakipag deal

"Ano yun?" pagtatanong ko sa kanila

"Ang magpanggap na si Edward Andrew Clutch, ang CEO ng Clutch Corp." Ako magpapangap? eh wala naman akong alam sa business saka isa pa pagluluto lang ang alam ko

"Pero wala po akong alam sa pagpapatakbo ng company, hindi pa nga po ako tapos ng HRM paano ko po magagawa yun?"

"Nakaayos na lahat para sayo iho, nakaprepare na ang diploma mo pero hindi ka na babalik ng pangasinan para kunin iyon, ipapadala nalang nila satin, isa pa dito ka nababagay iho, dito ang mundo natin" Mundo ninyo kamo, hindi ko, simple lang ang gusto kong buhay

The ChoiceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt