Part 4

734 17 0
                                    


A/N: Drama mode tayo dito xD

********************************

FRANCO'S POV

"Bakit?! Bakit kailangan naming magdusa ng ganito? Wala naman kaming ginawa ng Nanay ko kundi ang mamuhay ng maayos! kahit kapos kami ay wala kaming hiningi! pero bakit mo ginagawa ito samin?! Bakit?! Bakit hindi nalang ako?! Wag ang nanay ko! Kung may nagawa man siyang kasalanan ako nalang ang parusahan mo! Wag ang nanay ko!"

nandito ako ngayon sa chapel ng ospital, nagtatanong sa Diyos kung bakit ganito ang buhay ko. Wala naman akong ginusting iba kundi ang gumaling ang nanay ko, pero hindi ko maintidihan kung bakit hindi pa nya maibigay iyon sa akin? nararamdaman ko tuloy na pinagkakaitan ako ng Diyos

"Ako nalang please wag ang nanay ko, please Lord ako nalang"

at tuloy parin ako sa pag-iyak, paghingi ng tulong sa panginoon para mapagaling ang nanay ko dahil sya nalang ang rason kung bakit ako lumalaban sa mundong ito

"I can help you iho" bigla akong napatingin sa lalaking nasalita mula sa likod

"Anong pinagsasasabi po ninyo? Paano nyo naman ako matutulungan eh hindi nyo nga alam kung ano ang problema ko" bigla syang lumapit sakin at umupo sa tabi ko

"May Cancer ang nanay mo diba?" Paano nya nalaman?!

"At nangangailangan ka ng malaking halaga para maipagamot sya sa maynila diba?" Sino sya?! at bakit alam nya ang tungkol sa sakit ng Nanay ko?!

"Mawalang galang po pero sino po ba kayo? at bakit ang dami nyong alam tungkol sa akin?"

"Hindi na muna importante kung sino ako Iho, importante ay kung paano kita matutulungan, kaya kong ipagamot ang Nanay mo pero may kapalit" Kapalit? anong klaseng kapalit?

"Ano po ang kapalit?" pagtatanong ko sa lalaking nasa tabi ko

bigla syang tumingin sakin at nginitian ako

"Ang sumama sakin sa Maynila at makilala ang tunay mong pamilya"

una palang na narinig ko ang sinabi ng lalaki sa tabi ko ay inakala ko na niloloko nya lang ko

"Joke po ba to? Hindi po yan magandang biro" pero kita ko ang seryoso nyang mukha

"Sino po ba kayo at parang kilalang kilala nyo ako?!" pagalit kong pagtatanong sa kaniya dahil gulong gulo na ang isip ko

"Sumama ka sakin at malalaman mo iho, wala ka ng oras, kailangan mo na magdisisyon, dahil kung hindi mawawala sayo ang Nanay mo"

Tama sya, pero hindi ko sya ganung lubos na kilala, at isa pa hindi ko alam ang gusto nyang mangyare, naguguluhan din ako sa sinabi nya tungkol sa tunay kong pamilya, ano ba to kalokohan?! Eh si Nanay lang ang alam kong pamilya ko, sya ang nagpalaki sakin

biglang dumating si Joyann sa Chapel na pagod na pagod

"Nandito ka lang pala Franco, Ang nanay mo gising na" agad akong napatayo

at tumakbo papunta sa ER at dun pinuntahan ko si Nanay

"Nay?" biglang tumulo ang mga luha sa mga mata ko ng makita ko na gising na ang Nanay ko

lumapit ako sa kaniya at niyakap sya ng mahigpit

"Nay magpapagaling ka po, promise ko gagaling ka, gagawa po ako ng paraan"

The ChoiceWhere stories live. Discover now