Special Chapter // Pagbabalik Tanaw

796 11 0
                                    


SPECIAL CHAPTER: PAGBABALIK TANAW


Pabalik balik na pinapatawag si Leera nang admissions office para magbigay alam sa kanya na inililipat na sya sa isang espesyal na klase para sa mga estudyanteng tulad nya. Half-lings, o mas kilala sila sa tawag na demigods. Ngunit wala sa sistema ni Leera ang maniwala sa mga ganoong kalokohan, kung kaya't napilitan ang faculty staff na sapilitan syang ilagay sa Lift na syang nag-iisang kuneksyon nang Special Classes sa Regular Classes. Nasa bingit sya nang pagpapatapon sa kawalan nang bumukas ang lift dahil ang tanging paraan lamang na makapasok sya sa grounds nang Special Classes ay kung idedeklara nya ang kanyang pagkatao, ngunit hindi nya pa rin maipasok sa kanyang sistema ang hinihinging impormasyon. Marami nang nagtangkang Regular Students noon na gamitin ang lift na iyon pababa sa Special Classes and they all ended up in the depths of the vast sea, and was never seen again. Ngunit bago pa man sya maitapon sa kalaliman nang dagat, may isang estudyanteng sapilitang binuksan ang lift at iniligtas ito sa bingit nang kanyang katapusan. His name is Light, Light Ouano, isa syang estudyante nang Special Classes, which is also her Keeper. Ang mga keeper ang mga responsable sa mga taong nakaatas na bantayan nila, at kalimitan nang mga demigod na mayroong keeper ay nabibilang sa mga anak nang Big 3 Olympian Gods na sina Zeus, Hades, at Poseidon. Inatasan syang bantayan si Leera habang nananatili ito sa Special Classes nang Academia. Sa kanyang pagdating, agad syang ipinakilala sa mga estudyante nang Special Classes, kasama nina Ciara Fiasco, na tagapagmana nang underworld, at ni Zeyad Eclairs na direct descendant ni Zeus. Tulad ni Leera ay naguguluhan rin si Ciara sa kanyang katauhan, sapagkat kalakip nang kanyang koronasyon ay nakalimutan rin nya ang mga alaala nito bago ang koronasyon, maliban lamang sa iisang tao, isang taong dapat nyang kitilin at ang tanging taong laman nang kanyang memorya, Si Nathan Castler. Kinatatakutan sila nang nakakararami di lang dahil sa anak sila nang big three kundi dahil na rin sa kanilang nasasabing kakaibang abilidad, tulad nang pagkuha nang buhay ni Ciara gamit lamang ang isang maliit na heirloom. Nakilala ni Leera si Nathan, na dating Kasintahan ni Ciara na ngayo'y gusto na nyang kitilin ang buhay dahil sa sinasabi nyang misyon. Napigilan iyon ni Leera kasama ni Light at ni Seth na keeper ni Ciara. Napuruhan si Nathan hindi ito malaki ngunit sapat na para maging dahilan nang kanyang pagkamatay. Mayroong venom ang dulo nang punyal na ginamit ni Ciara upang sugatan ito. Ngunit bago pa man tuluyang kumalat ang venom sa katawan ni Nathan, agad itong tinanggal ni Leera sa katawan ni nathan sa pamamagitan nang pagsipsip nito papalabas. Within the process, hindi namalayan ni Leera na dahil sa ginawa nyang iyon, nagkaroon sila nang empathy link ni Nathan. Nakikita nya ang mga alala ni Nathan, at naco-controll sya ni Nathan. Ang mga estudyante sa Special Classes ay hindi lumalabas sa parameters nang academia, kung kaya't mayroong mga dorms doon kung saan sila tumutuloy, at sa kasamaang palad, kasama ni Leera si Ciara sa silid kung saan sya tutuloy. At sa unang gabing pananatili nya roon ay pinagtangkaan syang kitilin ni Ciara, at sa gabi ring iyon ay nasimula na nyang tanggapin ang kanyang totoong katauhan, na anak nga sya ni Poseidon, at ama nya ito. Dumating ang kinabukasan at ang unang beses na papasok sya sa mga klase nang Special Classes, ibang iba ito sa nakagisnan nyang pagtuturo, pagkat hindi tinuturo ang regular subjects dito. Umalis sya sa klase at saktong nagkrus ang landas nila ni Nathan, hihingi sya nang paumanhin dahil sa nakita nyang mga alala nito sa kanyang pagtulong, ngunit sa gitna nang kanilang pag-uusap, dumating ang Dean of students na si Mrs. WInchester, isang babaeng nakatago ang mukha sa manipis na tela. Kasama si Ciara at Seth sa likod nya. Inakusahang may gagawing masama ito kay Leera kung kaya't dinala ito sa isa sa mga abandunadong classrooms, na sa pagkakaalam nila'y detention. Dumating si Light na syang pinagalitan ni Mrs. Winchesters, at nang kinalauna'y pinagsabihan rin nya si Leera. Nang gabing iyon, mas naging maayos si Leera at Ciara, ngunit sa pagpatak nang bagong araw ay tila nagbago ang lahat. Nawawala si Nathan at Light, Pati sina Zeyad at Ciara. Leaving Leera and Seth to figure out what happened to them. Doon na kinutuban si Leera na tama nga ang kanyang hinala, kung bakit sila andoon sa lugar na iyon, na gagamitin sila para masira ang unparalleled walls at makaalis sa isla ang puno nang kaguluhang iyon. They devised a plan na kung saan kailangan nilang makaalis sa parameters nang academia, ngunit bago pa man sila makatakas, nadatnan nilang nakaharang sina Zeyad at Ciara doon na walang papayagang kait sino ang umalis. Mas pinili ni Leera na magpahuli at sumama kay Zeyad at Ciara upang malaman kung sino ang tao sa likod nang malaking planong ito. Only to realize na ang Dean of students and may pakana nang lahat, which also happens to be Calypso na mas nakikilala nyang bilang Alora Aragon na s'yang Ina nya rin. Ikinulong sya sa isang silid ni Calypso at nagtungo ito sa abandunadong parte nang special classes nang academia kung saan nya nadtnang, papatakas na sina Nathan at ang mga faculty staff na ikinulong nya doon sa tulong nina Ciara at Zeyad. May matamis na ngiti sa kanyang mga labi at tahimik na tumayo sa dulo nang hallway. Nagkaroon nang madugong sagupaan sa pagitan ni Calypso at Ciara, ngunit dahil sa di inaasahang pangyayari, biglang dumating si Seth para magbigay alam kay Ciara na dumating ang tropang book one( Sina Elise, Aeon at Lucipher). Sa kabilang panig naman ay alalang alala si Light sapagkat hangang ngayon ay di pa rin nakakabalik si Leera, kung saan napagpasyahan nyang hanapin na ito. At sa mga sandaling iyon ay nalaman nilang anak ni Clypso si Leera. Binilango nina Ciara si Leera, ngunit nakatakas rin naman ito at napadpad sa field nang grounds nang special classes. Doon nadatnan ni leera ang president nang student council na si Levi at agad syang isinugod sa ospital para magamot ang kagat nang ahas sa kanya. Nakilala nya ang doctor na si Lilith, na hindi nagtagal ay nalaman nya na sangkot rin pala ito sa kaguluhang kinasasangkutan nya, at kilala pa nito si Alora Aragon(Calypso) na kanyang ina. Nag evacuate ang ibang estudyante sa isang abandunadong bahay sa ghost town nang isla, ito rin ang kauna unahang lugar na pinaglagian noon nang mga tao, na kung kaya't abandunado na ito ngayon. Di nagtagal ay na-track nina seth kung nasaan si Leera. Nang sumibol ang panibagong araw ay, agad silang nagtungo sa ospital kung saan naroroon si Leera, ngunit sa pagdating nilang iyon ay agad silang inatake nang isang malaking gagamba na si Lilith. Naging madugo ang sagupaan nila, at malinaw ang naging resulta. Nanghihina na si Lilith nang madatnan ito ni Calypso. At gaya nang plano ni Calypso, namatay ang dalaga, ngunit naghabilin ito na ibigay ang kwintas kay Light. Para naman kay leera, itinakas sya ni levis a tulong nang kambal na sina jude at jaden at dinala ito sa lagoon kung saan namamalagi ang iba pang mer people. Napag-alaman ni leera na mga tauhan sila nang kanyang ama na syang ipinadala nya doon para iligtas ang dalaga. Inilagay sa water confinement si leera na kung saan naalala nya lahat nang mga memoryang pilit binura ni Calypso. Naalala nya mula sa pino't dulo nang kanyang mga alaala. Kasabay nito ay unti unti pang naglalabasan ang mga katotohanan, na si light talaga ang anak ni Calypso kay Hermes at ang malaki nitong counter attack para sa kanyang ina na matagal nan yang plinano na kung saan kahit ang mga Olympians ay napa sang-ayon nya. Ngunit... mali ang naging kalkulasyon nito, nagising na agad si leera bago pa man nya matapos ang pagpaplano. At ang maling kalkulasyong iyon ang ginamit ni Calypso para manalo. At hindi inaasahan ang sumunod na pangyayari, ginamit ni aeon ang sarili nyang buhay na nagsilbing vessel para ibalik ang oras. Kahit mismo ang ama nyang si Chronos na syang d'yos nang oras ay hindi iyon gagawin, sapagkat isa iyong kahangalan, subalit yun lamang ang nakikitang sulosyon ni Aeon. Dahil rin sa mga kapangyarihang nakuha nya mula sa kanyang inang si Hecate, na dyosa nang mahika ay mas ninais ni Aeon gawin iyon. Simula't simula pa lang ay alam ni Aeon na gagawin nya ito, na kung kaya't kinondisyon na nya ang sarili nya nang pagkatagal tagal. Gumawa sya nang paraan para mapalapit kay Ciara at Nathan sapagkat nakita nya na itong mangyayari. Una palang alam nyang suicide na ang gagawin nya, at ayon na rin sa kanyang ama, isa itong kahangalan at sinang ayunan rin ito ni aeon... isang kahangalang sagipin ang sangkalahatan. Ini-reset ni aeon ang laban... binalik nya ang lahat sa simula... ngunit sa ginawa nyang ito, maaring lumala lamang ang mga bagay, at maari rin itong maging daan sa panibagong landas na tatahakin nina Ciara.


Nagising si Leera na tila ba isang malaking panaginip lamang ang lahat. Iilan lamang ang mga taong nakakaalala sa tunay na nangyari... at ikinwento nya to kay Alora(Calypso). Kahit si calypso nakaramdam na mayroong kakaiba sa kinikilos ni leera at sa mga panaginip na kinikwento nya. Kahit pati si levi ay kinukutubang mayroon kakaiba kay leera, hangang sa inamin na ni leera na alam nya na ang lahat. Nagpunta sila sa abandunadong bahay para kunin ang mga bombang itatanim sa buong isla, ngunit sa pagdating nina Leera at levi doon, tumambad si Lilith at inatake sila. Kung nahuli nang dating si Light ay maaring mas Malala ang matamo nina Levi at Leera. Napagpasyahan nina Leera na sumama si Light pabalik sa special classes. Nung una'y ayaw pumayag ni Light, ngunit hindi rin nagpatalo si Leera at di kalauna'y wala nang nagawa pa ang binata. Bumalik ito sa kanyang dorm kung saan nadtnan nya sina Ciara at Nathan, sinubukan nyang isiwalat ang kanyang kaalaman sa mga bagay bagay ngunit dumating si Calypso para ibalik ang heirloom nito. Dahil rin sa heirloom na iyon, ay nakakita nang iba't ibang imahe si Leera sa kanyang isipan, ang isang malaking pagsabong at ang palutang luting nang heirloom na soot soot ni Ciara. Agad syang dinala sa infirmary at nagpunta naman si Ciara sa office ni calypso para tanungin kung nasaan ang totoong heirloom nya. Dahil nararamdaman nyang may kakaiba sa heirloom na ibinigay sa kanya nito. Sa pag uusap nilang iyon ay muntikan nang mahypnotise ni calypso si Ciara, ngunit biglang bumukas ang pintuan at tumambad si Alonzo Aragon, a.k.a. Zeyad Eclairs. Na syang binayaran ni Calypso para magpangap bilang direct descendant ni Zeus (o... descendant nga ba talaga sya ni zeus?). On the other hand, kinakausap naman ni Light si Selene, ang kapitan nang pirate nang pharos. S'ya ang nabubukod tanging nakaligtas sa barkong sinunog ni Calypso anng dakpin nito si Leera noon. Kung kaya't gagawin nya ang lahat para makuha ang anak nang kanilang yumaong kapitang si Lara na si Leera. Ngunit sap ag uusap ni Light at Selene ay mayroon nagpakawala nang hudyat na nangagaling sa isla... ngunit isa lamang iyong ilusyong ginawa ni Calypso para makuha ang atensyon nang mga pirata at para lumika nang isang malaking kaguluhan para makuha nya si Light... Upang lagyan na nya nang tuldok ang buhay nang kanyang sariling anak... sapagkat nagiging sagabal na ito sa kanyang mga plano. Ngunit may naramdaman itong kakaiba, nakaramdam si Calypso nang isang matinding takot sa tubig, na tila ba galit na galit ito sa mga pangyayari... at doon nya lamang napagtanto ang kanyang kahibangan... doon lamang sya natauhan... na mababaliwala ang lahat kung mawawala si Alonzo... sapagkat, sa kanya rin naman nagsimula ang lahat, sapagakt sya ang dahilan kung bakit ginagawa ito ni Calypso...


Note:


Isang malaking recap lang tong chapter na to kase sobrang tagal ko nang nawala at baka hindi nyo na rin maalala yung story, yun ay kung gusto nyo pang basahin to after 1234567890 lightyears. Kase ako nakalimutan ko na talaga yung mga nangyayari ditto na kailangan ko pang magbasa uli para magkaroon ako nang idea kung pano ko to iniwan noon... happy new year pala!


-matabang aliss





Descendants: Daughter of PoseidonWhere stories live. Discover now