Chapter 30: Tattoed in My Heart [Finale]

Start from the beginning
                                    

Nang makarating na ako sa pagdadausan ng kasal namin ni Eli, nagulat ako sa set up na ginawa ng wedding organizer namin. It was all white. The flowers, the chairs, the dresses and every detail was white. I never thought na ganito kaganda ang setting. The sun was about to set and the fire torches are being lit and sinalubong na nga ako nang tuluyan ni Papa at Daddy na parehong gwapo sa kanilang ternong suot.. Si Jiggy naman ay walang mapagsidlan ang ngiti. He was wearing the white shirt na ako mismo ang pumili para isuot niya.

At natatanaw ko sa harapan ko ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Hindi ko na naisip ang mga kapamilya kong nandoon at kasama kami sa pag iisang dibdib namin ni Elijah. Si Eli lamang ang nakikita ko. Parang hindi ko parin mapaniwalaan na sa dinami dami ng mga nangyari sa mga buhay namin, hindi siya sumuko sa akin. Hindi rin siya bumitaw sa kanyang mga pangako noon paman.

Dahan dahan akong naglakad kasama si Papa at Daddy na para talaga akong bride. Which I find amusing dahil ganito pala talaga ang pakiramdam kapag ikakasal ka na. No one will take the feeling away from you. Nakakakaba na nakakatakot dahil hindi mo alam kung ano ang sasabihin pero napakasaya din at the same time dahil alam mong pinangarap mo na dumating ang araw na iyon.

Nang marating ko na ang kinatatayuan ni Eli ay hindi ko na napigilang mapaluha. Dahil sobrang kasiyahan ang nadarama ko sa mga ngiti niya. It was the most amazing thing that I felt. Ang makasama siya sa harap ng mga taong nagmamahal sa aming dalawa. Ang sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

"We are gathered here tonight, to celebrate love, friendship, partnership and everlasting trust of two people who are willing to take life together. Elijah and Norvin, both of you are here to give each other the vows that you will make for the rest of your lives." ang mga katagang nangaling mula sa taong nagkakasal sa amin.

Hindi ko na mawala ang titig ko kay Eli dahil hindi ko alam kung ano ang kanyang mga sasabihin. Para talagang nasa loob ako ng panaginip na ayaw ko nang magising pa.

"Norvin. Matagal kong hinintay na dumating ang araw na ito. Alam kong ang una nating pagkikita ay hindi naging maganda. Pero naging masaya ako nang mas nakilala pa kita. And I fallen in love with you. Hindi naging madali sa atin ang lahat dahil sa mga nangyari niin sa mga magulang natin but still you never given up on us. Kahit nagkalayo tayo, ako parin ang pinili mong makasama. This is all that I have wanted all my life. Ang makasama ang taong pinakamamahal ko. I promise to be your better half, your protector, your bestfriend, your happiness till the day God will take my life. And even if Im gone, you will always be the one that I will love."

Hindi ko na napigilan lahat ng luha na gustong kumawala sa mga mata ko dahil sa mga binitawang salita ni Eli sakin. I have never felt this good in my whole life. Napakasaya ko. Hindi ko maexplain kung gaano ako napasaya ni Eli sa mga salita niyang damang dama ko.

"Elijah, noong una kitang makilala I thought you will be a big trouble. Dahil mabilis ang lahat nang nangyari sa ating dalawa. I never thought na maiinlove ako sayo inspite sa dangerous looks mo. Napakasarap mong kasama. Napakasaya ko kapag nasa tabi kita. Pero alam kong noong malaman ko lahat nang katotohanan, nagduda ako kung ikaw ba talaga ang tao para sakin. Pero pinatunayan mo lahat na hindi mo ako tinalakuran kahit ano pang nakaraan sa ating mga pamilya. And it even made me love you more. I promise to you that I will give you the best of me each and everyday. Gagawin ko ang lahat upang mapasaya ka lamang. And most of all, I will never leave you no matter how hard can life be."

Kapwa na kaming lumuluha na nakangiti. Nagkatitigan kami at hindi ko mapigilang yakapin siya. This moment will be forever treasured in my heart.

"By the power vested in me and all abiding laws I pronounce you husband and husband.. You may now show your love Misters!" nakangiting turan sa amin ng nagkakasal samin. Hindi ko alam pero kinikilig din ata siya. Natawa nalang ako sa isiping yun.

And with that sweet kiss we showed to the people witnessing our once in a lifetime moment, nagpalakpakan sila. Nakita ko ang pagluha ni Papa Shino at Daddy Red habang yakap nila ang isat isa. Tuwang tuwa naman si Jiggy at talon ng talon. Pati narin lahat ng kamag anak namin ni Eli na nandoon.

At napalingon ulit ako sa aking asawa. Tama, asawa ko na siya. Ang lalaking pinakamamahal ko. Looking at his teary eyes nakita ko ang saya at contentment.

"I will always treasure you Elijah. I will always be here in your side no matter what."

"And you will be forever tattoed in my heart Norvin. You will always be."

 

                  -----  The End -----
                       

                     

The Tattoo of His Love (BoyxBoy)(Completed!)Where stories live. Discover now