"Ms. Arca! Please look here!"
"Ms. Arca! Congratulations on your graduation"
"Kahit isang picture lang!"
Sabi ng mga reporters habang kinakatok yung kotse namin na papasok sa school. Dun pa sila pumesto sa may gate kaya di kami masyado makadaan. I'm starting to get annoyed.
"Hey hey hey. Bakit ka nakasimangot? It's your big day, come on." sabi ni kuya.
"Ano pa bang maganda sa araw na to? They expected it anyway." I said pointing dun sa mga reporters.
Ever since ipanganak ako, this is what they expected. Kaya di ko maintindihan kung bakit naging big deal pa. Big deal to kung hindi ko na achieve ang expectations nila.
Nag kunot noo siya. "Ano ka ba, you graduated suma cum laude. SUMA cum laude."
"Di naman ako ang very first na naging suma cum laude ok?"
"Tama ka, you're not." he smiled at me. "..but technically, ikaw ang kaisa isang suma cum laude military graduate sa mundo." he said with pride.
He has a point. Ever since nasira ang bawat countries dahil sa mga terrorist, nagsama sama ang mga natirang bansa to create one country, ang Pilum. Dahil dito meron na lang isang school for medicine, military, engineering, etc.
"Not just that, nag graduate ka ng 16 years old ka pa lang with perfect scores in every exam."
I snort. "Big deal ba yun?"
"Oo naman no. Na prove mo ang sarili mo not just because you're from a mi-"
"-military family na top rank sa buong Pilum." I finished.
He smiled. "That's right."
Like he said, isa kame sa mga military family sa Pilum. My father, mother and grandfather, lahat sila ay mga kilalang soldiers ng Pilum. The more reason para di ako mag fail diba?
After a few minutes sa wakas nakapasok na din ang sasakyan namin sa loob ng gate. We stopped and parked sa bandang gilid. Habang padaan dun, I noticed all the parents na proud na proud sa mga gumraduate nilang mga anak. May nanay pang naiiyak habang inaayos ang uniform ng anak niya.
I started to think, what if my mom is here. Ganyan din kaya ako ngayon? Or what if my dad decided to care about us, will he attend my graduation?
"Enju" he called me sa nickname niya sa ken and hinarap niya yung mukha ko sa kanya. "I'm here for you ok?"
I smiled. "Always.."
Paglabas namin ng sasakyan, nagtinginan yung mga magulang at graduates na nasa labas pa ng hall. Some even took pictures of me. Yung iba nagbulungan.
Ayoko man, but in a sense, I'm sort of a celebrity sa Pilum. I perfected the Military Tribune, ang examination para makapasok, at the age of 13. 3 years later, nakagraduate ako agad na Suma Cum Laude. And now they're expecting me as the savior of the world, or anything like that.
Because up to now, after 213 years, di pa rin tapos ang Hundred Year War laban sa mga terrorists.
"Oh look.." sabay bunggo ng braso ni kuya sa ken. "Madaming nagbablush na guys. Di ko alam na popular ka pala." bulong niya.
"Shut up..". I laughed thinking na he's just trying to light up the mood. "Di pa ba halata sa dami ng reporters na nag aantay sa akin sa labas?" I said with a confident smile.
"Well, good point."
"Always am."
He smiled. "Always will."
YOU ARE READING
Catch Me if You Can
Teen FictionIt's already been 213 years since the Hundred Year War began. Nag isa ang bawat terrorist group para sakupin ang mundo. Families shattered, countries destroyed, lives are lost. Dahil dito, gumawa ng isang bansa ang remaining countries laban sa mga t...
