35

1K 18 3
                                    

--Balik tayo sa future, Enjoy reading! --
Sebastian's POV

"Sebastian!!Grabe ka!!!"sigaw ni Anna na pababa ng hagdan at tuwang-tuwa, samantalang ako nakaupo lang at namumula na sa hiya.

"Anong naramdaman mo?"tanong ko bago uminom ulit ng Juice. Gusto ko kaseng malaman kung kikiligin ba sya sa ginawa kong yon o ma cocornyhan sya. Babae sya at alam nya ang magiging pakiramdam ni Bianca kapag pinanood nya yon. Sya palang nga nakapanood, pero kinakabahan na ako ng sobra-sobra, piling ko nga nilalamon na ako ng hiya.

*kablang*

Nagulat kaming dalawa ng may marinig kaming nalaglag na vase mula sa sala.

"Meoww."sabi ng nakabasag.

"Pusa lang pala,”sabi naman ni Anna.

"Teka! Wala kaming pusa, paano makakapasok yun dito?"konot-noong tanong ko naman.Ni isa samen, walang alagang pusa, aso pwede pa, pero kahit anong anong hayop wala kaming inaalagaan. Kaya nakakapagtaka kung bakit may nabasag don sa sala.

"Talaga?! Baka magnanakaw,"takot na takot na sabi ni Anna na napahawak pa sa balikat ko. Medyo nakaramdam din naman ako ng kaba, syempre baka may baril pala, may kutsilyo or may kasama siya. Ayaw ko naman madamay si Anna, babae pa man din sya.

Hindi ako mapakali kaya naman pinuntahan ko agad yung sala at nakita ang basag na Vase, tapos napansin ko rin yung bukas na pinto kaya naman agad akong lumabas at sinilip kung may tao ba, nakita ko rin na bukas yung gate at tiningnan ko buong paligid pero walang tao. Walang kotse, motor o kahit ano na makakapagsabi na may tao nga dito. Kinakabahan talaga ako, imposibleng walang taong pumasok dito, kailangan maging alerto ako. Dahan-dahan kong isinara yung gate at pumasok agad sa loob, baka kase nasa loob pala yung magnanakaw.
Umakyat din agad ako sa taas baka nakapasok pala sa taas,gumawa lang ingay sa baba para madsitract kami. Pinuntahan ko lahat ng kwarto, pero ayos naman, pumunta ako sa kwarto ko at dumiretso sa viranda, tsaka ko nakita na may lumabas sa gate ng nakasuot na jacket na black, cap na black and hindi ko makita yung itsura nya, sa tantsa ko babae sya dahil ka-katawan sya ng isang babae, pero ang tanong sino sya? Anong ginagawa nya sa bahay ko?

Tsaka sumakay ng isang kotse at umalis.

"Sino kaya yun? Anong ginagawa nya sa bahay name

"Sebastian!!Tara na! May practice pa ng Cotillion."yaya ni Anna na pumasok pa ng kwarto ko at nakita nya akong nakatingin sa baba mula dito sa veranda ng kwarto ko. "Sino bang tinitingnan mo dyan?"Anna asked.

"Wala,” I denied. Pero may naiisip ako kung sino yun, base sa suot nyang cap and jacket kilala ko na kung sino yun. Napangiti nalang ako sa nangyare.

Change of POV
Bianca's POV

"Nakakahiya! Nakabasag ako."sabi ko kay Marky ng makasakay na ako sa tabi nya. Ihh! Nakakahiya talaga! Ano ba kaseng naisipan kong gawin bakit ako nagpunta don? Ang tanga-tanga mo talaga! Nakabasag ka pa tuloy. Paano kung may cctv sila don at nakita ka nila? Ahh!! Nakakahiya!!!

"Ano ba kaseng ginagawa mo sa kanila?"konot-noong tanong naman ni Marky na nakatuon ang atensyon sa kalsada.

"Ehh...kase..nakita ko sila na pumunta sa bahay nila na silang dalawa lang."nahihiyang sabi ko. Hindi ko rin kase maintindihan yung sarili ko eh! Dapat naiinis ako sa kanila ng bonggang-bongga! Pero heto ako, inistalk sila. Haay! Kase naman eh, ang hirap pigilan yung isang bagay na nakasanayan mo ng gawin kahit alam mong paulit-ulit ka lang masasaktan. Bakit kaya ganon? Gusto ko na siyang kalimutan, pero hindi ko parin kayang gawin, dahil palagi akong dinadala ng paa ko papunta sa kanya.

"Tss..naghinala ka na baka may gawin sila ganon?"

"Oo..kase..yung sinabi ni Sebastian yung nandon ako kakaiba eh.Kahina-hinala."sabi ko sabay simangot.
Ang akala ko pa naman okay na ng malaman kong inutusan lang ni Daddy si Anna na panghanap ako ng mr. Right.Okay na eh, wala talagang gusto si Anna kay Sebastian.Perk si Sebastian ata ang talagang may gusto kay Anna.Kainis!

YOU are MINE(Completed √)(Unedited)Where stories live. Discover now