"Mali naman ang definition mo Sweetheart! Kaya love is blind kasi she is the only one you see. You don't focus on the bad's things about her but rather on the good" sabi ni Prince.

"Naku naman! Mali naman kayong dalawa eh! Kaya love is blind kasi walang pinipili ang puso na mahalin. Kahit ba panget pa yan o gwapo, mahal mo pa rin. You don't care about the appearances. You don't care about his status in life. You love him because you love him. Period!" sabi naman ni Kia.

Nagtawanan muna kami bago ako magsalita ulit. "Psh. Kahit ano pa meaning ng love is blind na yan, wala akong pakialam. Basta ba mahal ako ni Prince at mahal ko siya, masaya na ako" sabi ko.

"I love you Sweetheart" sabi ni Prince na nakapagpakilig sa akin.

"I love you too" sabi ko.

"BLEH! Nakakasuka dito! Ewwwness naman ate, kuya! Babush na nga. Maiwan ko na kayo" sabi ni Kia at bigla na siyang nawala sa screen. Tumawa muli kami ni Prince. Ang saya-saya. Good terms na kami nung twin niya.

"Hey Sweetheart. May sinend sa akin si Janine na recorded message. Ipe-play ko ha?" sabi ni Prince sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

"E-eh kasi bes.. mahal ko yung tao eh. T-tapos magtatanan sila ng EX niya? ..."

 "Hehehe.. Bes cheer up!" 

 "Bes naman eh. Seryoso ako dito, wag ka ngang tumawa. Mahal na mahal ko si Prince...."

Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapakinggan yung recorded message.

"OMYGOD Prince! Pano napunta sayo yan??" gulat na tanong ko.

"I told you, Janine sent it to me" nakangising sabi niya. Omo! Ang bipolar ng lalaking toh! Kanina ang kyot niya ngayon naman ang hawt! Eeh! >o<

"Let's play my favorite part again.. 'Mahal na mahal ko si Prince....'" 

"Gaaah Prince! Tama na nga! Wag mo ng iplay yan! Nakakahiya!!" sabi ko habang pulang-pula ang mukha.

"Anong nakakahiya? Gusto mo nga i-download ko pa to sa youtube eh" sabi ni Prince habang may nakakaasar na ngiti.

"Prince naman eh!" angal ko.

"'Mahal na mahal ko si Prince....' 'Mahal na mahal ko si Prince....' 'Mahal na mahal ko si Prince....' Pfft.. hahahaha!" 

"Prince ano ba!" 

Muli siyang tumingin sa akin. "Mahal na mahal din kita, prinsesa ko. Goodnight." sabi niya bago mag-log off.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon