"I said I don't like him eh! Never was and never will! Bat ba ang kukulit niyo?" sabi ni bes. Lahat kami ay nalungkot sa sinabi niya. Deny pa rin. Hay... sabagay, first time. Indenial stage pa lang siya.

"Ok chill bes. Gets na namin. You don't like him. Now I'm going to sleep na" sabi ko sabay akyat na ng hagdanan.

Nagsialisan na din sila pagkatapos ng mga sinabi ko. Binuksan ko agad ang laptop pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto. I opened my Skype at nakita si Prince na available.

Dali-dali kong pinindot ang video call at nag-ayos ng buhok habang loading pa.

"HI SWEETHEART!" pambungad niya sa akin.

Kumaway naman ako sa kanya. "Hi din, Sweetheart. Musta ka na diyan?" 

"Eto. Miss na miss ka na. Nakakalungkot kapag hindi kita nakikita eh" Napatawa naman ako sa sinabi niya. Nakuu. Lakas ng tama neto sakin.

"Ako rin naman Sweetheart eh. Balik ka na soon ha?" sabi ko.

"Ayaw pa nila mama eh. Binebaby nila ako dito sa bahay" sabi niya sabay pout. Kaya pala asal baby itong si Prince paminsan eh.

"Kyot ka daw kasi" pang-aasar ko. 

Nagkwentuhan pa kami ng mahigit dalawang oras. Hindi kami nawawalan ng topic lalo na't kami ang nag-uusap. Namimiss ko na siya. Buti na lang at hindi permanente ang pag-alis niya.

Bigla kong napansin na may eternity ring na nakasabit sa leeg niya. Nakalagay ito sa isang kwintas.

"Sweetheart, terno ba tayo ng eternity ring?" tanong ko sa kanya habang papalit-palit ang tingin ko sa eternity ring ko at sa eternity ring niya.

"Oo naman! Hindi naman pwedeng ako lang ang magmamahal sayo habang buhay. Dapat ikaw rin!" sabi niya kaya't napangiti ako. He never fails to make me smile. Even those simple words touched my heart. Kaya mas lalo akong naiinlove sa kanya eh.

"Isasama kita dito minsan, Sweetheart ha? Ipapakilala kita sa parents ko" 

"H-ha? A-ako ipapaki--"

Nagulat na lang ako nang may isa pang mukha ang sumulpot sa screen ko. 

"Hi Ate Ellaine!!" bati ni Kia. 

"Hello." bati ko naman pabalik.

"Hala ate Ellaine! Galit ka pa rin ba sakin? Sorry na! I was doing it for your and my twin's sake eh" sabi niya.

"Hindi na. Hindi lang ako maka-get over na twins pala kayo. Tanga ko naman. Di ko man lang napansin. Kaya ba love is blind?" sabi ko.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon