Revenge 9

7.6K 185 8
                                    

B L A I R 

"Blair!" Rinig kong sigaw naman ni Chelsie sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakataas yung kilay niya sa akin.

"Napano ka?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ikaw! Napano ka!?" Ang gulo naman kausap ng babaeng to >.<

And in an instant... nagulat nalang ako bigla sa ginawa niya.

She slapped me.

Napatayo ako. "PUNYETA CHELSIE! ANONG PROBLEMA MO!?" Inis kong sabi sa kanya habang nakahawak sa pisngi ko.

"You overdid everything!" Sabi niya sa akin.

Overdid?

"Anong pinagsasasabi mong I overdid everything!?" Sabi ko naman sa kanya.

"Didn't you know?" Nagsmirk siya.

"Nasa ospital si Dylan ngayon." In just seconds... Napaupo ako.

I didn't do anything. 

"Natahimik ka!? Bakit? Naguiguilty ka na ba!?" Sabi niya sa akin.

"Wa---wala ak-akong ginawa Chels..." Nauutal kong sinabi sa kanya.

"Wala!? Mygad Blair! Alam kong bitch ka na ngayon, alam ko rin nasaktan ka ni Dylan at Olivia noon... pero that doesn't give you the right to do such thing!" Sabi naman niya sa akin.

Naguguluhan na talaga ako.

"Wala talaga akong alam Chelsie..." Pagdepensa ko naman sa sarili ko.

"CHELSIE!" Napalingon kami ni Chelsie sa tumawag sa kanya.

"Kevin!?" Tinignan ko si Kevin, anong nangyayari?!

"Chelsie... pati si Olivia nasaktan na daw." Sabi naman ni Kevin.

What the hell is going on!?

"Grabe Blair... Hindi na kita kilala" Sabi naman niya sa akin sabay walk out kasama si Kevin.

I tried calling Sigrid but she's not answering.

"I swear... I have nothing to do with this..." Naiiyak na talaga ako.

S I G R I D 

Nandito ako ngayon sa control room ng school. Alam kong sa paraang ito maproprotektahan ko ang bestfriend ko. Sigurado akong wala siyang kinalaman sa nangyari kay Dylan.

What happened to him?

Ang sabi ng mga pulis, tinanggalan daw ng breaks yung kotse niya.

Alam kong hindi kayang gawin yun ng bestfriend ko.

Pero si Chelsie...

Ayaw niyang maniwala na hindi magagawa ng bestfriend namin yun, ang sabi niya kase may ebedensiya daw siyang nakuha kaya kailangan daw maidiin si Blair.

Pero ayaw niyang ipakita sa akin yung ebedensya. 

Imbis na tulungan niya si Blair, dinidiin niya pa.

"Nasan na ba yung sa parking lot..." Bulong ko sa sarili ko habang kinakalikot yung mga monitors ng CCTV cameras.

OMG.

Bakit?

Bakit siya pa...

"Sige tol... balik na ako sa trabaho ko." Sabi naman nung manong guard kaya agad ko na inalis yung nakita ko. Dali dali din akong nagtago sa likod ng pinto.

B L A I R 

Nandito ako ngayon sa ospital. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng paa ko sa lugar na to pero siguro oras na para makita ko siya.

"Ms... Anong room number po si Dylan Assistio?" Tanong ko sa may nurse station.

"Sandali lang ha... Ichecheck ko." Sabi naman niya sabay tingin ulit sa monitor.

"Room 525" Sabi naman niya sa akin. Agad naman akong nagpathankyou sa kanya at dali dali ng pumunta sa elevator.

Karating ko ng 5th floor, agad kong nilakad yung kwarto kung nasan siya.

525. I saw it.

Binuksan ko agad yung pinto pero kinakabahan ako.

"Sino yan?" Tanong niya.

Si Dylan yun...

Gising na pala siya.

Lumapit ako para makita siya. Nakita ko si Dylan, medyo okay naman siya.

"Dylan..." Bigkas ko sa pangalan niya.

"Blair..." Sabi niya pagkakita sa akin.

Kahit pa sabihin kong wala akong kasalanan...

Naguiguilty talaga ako.

Pero... ngumiti siya.

Nginitian niya ako.

"Alam kong hindi mo gagawin sa akin to kahit pa galit na galit ka sa akin." Sabi naman niya.

Bakit naniniwala ka sa akin Dylan... bakit?

Revenge of the GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon