Revenge 7

9.1K 232 20
                                    

D Y L A N 

Naglalakad na ako papuntang classroom kasama sina AJ at Kevin. Nauna na kase si Oliver at Marco sa classroom nila. Habang naglalakad napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Uy! Anong meron?!" Makulit na tanong naman ni Kevin. Napakibit balikat nalang ako dahil malay ko ba kung anong nangyayari sa mundo -.-

"Wala akong alam dyan." Mabilis naman na litanya ni AJ.

"Mas lalo naman ako... Ako nga nagtanong dba?" Sinabi ba namin may alam ka Kevin? -.- Minsan talaga gamitin mo yang utak mo.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng makasalubong namin si Olivia. Bigla naman akong napaatras -.- Pag minamalas ka nga naman oo.

Pero hindi maganda yung aura na navivibes ko sa kanya.

"Tatakbo na ba tayo Chase?" Bulong sa akin ni AJ. Gago to, hindi naman ako takot kay Olivia, ayoko lang nasasangkot sa lahat ng ginagawa niya.

"DYLAN!" Sigaw niya at nakatingin lahat ng tao sa paligid namin. Attention seeker talaga -.-

Hindi ako nagsalita ng bigla akong makatanggap ng isang sampal sa kanya. Nagulat lahat yung mga taong nakakita.

"Baliw ka ba!?" Inis na sigaw ni Kevin. Teka lang nanakit ng babae to! Hahaha. Joke. Pero masakit yung sampal niya ha. Sinampal na nga ako ni Blair kanina sasampalin pa ako ng babaeng to -.- Kawawa naman mukha ko.

"Yung kaibigan mo yung baliw!" Sigaw niya pa. Nanlaki naman yung mata ko.

"Oy anong baliw pinagsasasabi mo! Kahit pacheck mo pa bungo ni Chase walang problema yan!" Sabi pa ni Kevin.

"Uy Kevs, Chill ka lang." Sabi naman ni AJ.

I took a deep breath.

"Ano bang problema mo Via?" Tanong ko sa kanya tapos agad naman niyang nilabas yung phone niya.

"ANONG IBIG SABIHIN NITO!?" Litanya niya pa. Nakakairita talaga tong babaeng to -.-

Tinignan ko naman mabuti yung phone niya...

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

----------------------------------------------------------------------------------------

Breaking News: Prince Dylan Assistio and New Queen-Bi 'Blair Raymundo' in a relationship! 

----------------------------------------------------------------------------------------

"Uy Chase? Kayo na ni Blair?" Tanong naman ni Kevin.

Hindi ako makasagot. Wala akong masabi. San galing yung litratong yun?! Nakayakap ako kay Blair tapos ang balita kami na? Wala akong alam sa mga nangyayari.

"Are you two-timing me!?" Tanong pa ni Via sa akin.

"WHO SAID HE'S CHEATING ON YOU?" Nagulat naman kami sa nagsalita, diretso lang ang tingin ko habang lumingon naman yung mga tao. Nasa likod ni Via yung nagsalita.

Si Blair kasama si Sigrid at Chelsie.

Lumapit siya sa akin at pinalupot yung kamay niya sa braso ko. Nagulat naman ako at maski na si Via. Anong nangyari? Kanina dalawang beses pa niya akong sinampal ngayon naman nakakapit na siya sa akin.

"Sorry Olivia, hindi ka ba nainform ng BOYFRIEND ko?" Ano daw? Nagpantig naman yung tenga ko tapos tinignan ko siya. Nung tinignan niya ako todo ngiti pa yung ginawa niya.

Sinasapian na ba tong babaeng to? Nababaliw na ba siya?

"WHAT!?" Inis namang sabi ni Via sa kanya.

"So he didn't tell you?" Sabi niya pa. Ha?! Hindi ko talaga gets ang nangyayari.

"Chase, bakit hindi mo naman sinabi kay Via na tayo na... Ayan tuloy parang asong ulol na habol ng habol sayo." Sabi niya pa sabay halik sa pisngi ko.

Nanlaki naman yung mata ko O__O Gumaganti ba siya sa akin dahil hinalikan ko siya kanina?

"WHAT?!" Ulit pa ni Via.

"Bingi ka ba o sadyang tanga ka lang?"

"YOU BITCH!" Susugurin na sana ni Via si Blair pero humarang na ako.

"Don't you dare touch my girl" Yan nalang ang nasabi ko. Naramdaman kong she was frightened dahil sa sinabi ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo ni Blair at ginagawa niya to pero hindi niya ba alam ng dahil dito mapapahamak sa kamay ni Olivia? Pero hindi ko hahayaan yun dahil sa lahat ng ayaw ko e yung sinasaktan si Blair. Bakit?

Dahil mahal na mahal ko si Blair. Matagal na.

Wala lang akong lakas ng loob sabihin sa kanya.

"Narinig mo sinabi ng boyfriend ko." Sabi pa ni Blair.

"IRGH! Hindi pa tayo tapos bitch!" Sabi naman ni Via kay Blair sabay duro. Tinapik naman agad yun ni Blair at ngumiti.

"Wag kang mag-alala Via... Nag-uumpisa palang ako." Sagot naman niya dito at hinila na ako paalis.

Sumunod naman agad sina Kevin, Aj, Sigrid at Chelsie.

"Teka nga Blair!" inis kong sabi sa kanya. Kababaeng tao ang sakit manghila ng braso -.-

Bumitaw naman siya agad. "Ano bang problema mo!?" Inis kong tanong sa kanya habangg chinecheck yung braso ko.

"Ang arte mo" Sabi niya sa akin.

"Bakit ako nanaman?!" Inis ko naman sabi sa kanya.

"Para kang babae. Pacheck check ka pa kung may galos ka. Kalmutin kita dyan e" Sabi niya pa sa akin habang nakacross arms at nakataas yung kilay.

Ganito na ba talaga kaBITCH ang babaeng mahal ko?

Pero sige... sasabayan ko yang pagkabitch mo Blair.

"So tayo na pala?" Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"Oo naman babe. Ayaw mo ba? Ayos lang hindi naman ako mahirap kausap e." Sabi niya sa akin tapos nanlaki yung mata ko.

"HOY WALA AKONG SINABING GANYAN H!" Sabi ko naman sa kanya. Chance ko na kaya to! Kahit pa anong topak nitong babaeng mahal ko pa din.

Kaya naman... Operation: Ibalik ang dating Blair! :)

"Okay." Mabilis naman niyang sagot. Ang dry naman ng babaeng to -.-

"O tara na Chase" Sabi niya. Kanina Dylan, tapos Chase, tapos babe ngayon Chase nanaman?! Anong problema nito sa pangalan ko... paiba iba siya ng isip -.-

"Hindi ba pwedeng babe nalang ulit?" Sabi ko sabay akbay sa kanya.

"Sige pag-iisipan ko." Sabi niya tapos inalis niya yung pagkakaakbay ko sa kanya.

"Nahiya naman mga langgam sa inyo!" Sabay sabay pa ung apat na nasa likod namin.

Tumatawa lang sila habang si Blair wala lang. No reaction lang ang girlfriend ko.

O feel na feel no? Hahaha.

--

Sorry lame -.- Wala akong maisip e. Hahaha. Medyo busy na kase ako :(((

Revenge of the GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon